Chapter Four

26 1 0
                                    

CHAPTER FOUR 

Czarina, medyo malelate kami ng daddy mo. May nagbanggaan sa daan kaya sobrang bagal ng traffic. 

It was her mom. Ito lang naman ang nagtitext sa kanya nang complete sentence. Tumipa siya ng sagot: 

Ok po, Ma. D2 lng po q sa café sa tapat ng boutique ng Kawez. Wait q n lng kau. TC. 

She sighed. Iginala niya ang tingin sa kinaroroonan. Nasa isa sa mga mesa siya ng café na nasa tapat ng Kawez, ang kanyang fashion line na ang target ay mga kababaihan. May usapan sila ng mga magulang niyang magkita-kita ngayon at dahil napagkasunduan nilang sa mall na magtagpo ay idinaan na rin niya ang mga bago niyang design sa kanyang boutique at hintayin ang mga magulang sa kalapit na café. 

Inirapan niya ang lalaking napadaan sa harapan niya nang dumako ang tingin nito sa kanya at nakaramdam siya ng satisfaction nang mabilis itong naglakad palayo. Ibinalik niya ang tingin sa touchscreen niyang cellphone, binuksan ang e-book reader application at ipinagpatuloy basahin ang nasimulan niyang bestseller. Nakuha naman nito ang buong atensyon niya sa loob ng, pakiramdam niya ay kalahating oras ngunit nang hindi pa rin dumating ang mga magulang niya ay hindi na siya mapakali. 

Ini-exit niya ang e-book reader at iginala muli ang paningin sa paligid, tinitignan kung naglalakad na palapit ang mga magulang sa kinaroroonan niya. Madalas kasi ay tinatamad mag-text ang mga ito at kung malapit na rin lang ang mga ito ay nilalapitan na lamang siya ng walang pasabi. 

Pumalatak siya habang iginagala pa rin ang paningin sa paligid. Nasaan na ba ang mga iyon? nayayamot na naisip niya. Maano namang mag-text sila para alam ko kung nasaan na si -  

Napako ang tingin niya sa mga matang nakatitig ng tuwid sa kanya. At the other side of the mall was a guy staring straight at her. Hindi niya sinadyang mapamaang nang mapagmasdang mabuti ang kabuoan ng lalaki. Dark eyes, firm lips - such a handsome face, parang gusto niyang bumuntong-hininga. 

What the hell? 

Ipinilig niya ang ulo at ibinuga ang hiningang hindi niya namalayang pinipigil. Tinignan niya ng masama ang lalaki na tila ba kasalanan nito ang panandaliang paglutang ng isip. Well it is his faut! paninisi ng isip niya dito. 

Taliwas sa inaasahan niya ay ngumiti ito. Naalarma siya nang magsimulang lumakad ito palapit sa kanya. Bigla, dumagundong ang kanyang dibdib. 

God, what's he doing? 

Nag-alumpihit siya sa kinauupuan, muling gumala ang paningin sa paligid, naghahanap ng... ano? Ng matatakbuhan? Bigla siyang nakaramdam ng pagnanais lumayo sa lugar na iyon. 

That's stupid! saway niya sa sarili. Bakit ako aalis? Wala akong ginagawang masama! I'll stay! 

Muli niyang ibinalik ang paningin sa lalaki na patuloy pa rin sa pag-lapit. She glared at him again. Ngunit tila walang epekto ang mga iyon dito dahil hindi man lamang nag-atubili ito. At ngayong mas nakikita na niya ito nang malapitan, sa hindi niya malamang kadahilanan ay hindi niya maalis ang tingin sa lalaki. He is getting more and more handsome as he gets nearer. Ang itim at may kahabaang kulot na buhok nito ay nakadagdag sa sex appeal ng lalaki at ang fitted gray t-shirt nito na may balikong itim na pusong print sa kaliwang dibdib na pinarisan nito ng fitted jeans at itim na boots ay humakab sa matipuno nitong katawan. 

Go away! Shoo! Humanap ka ng ibang lalapitan, pagtataboy ng isip, ngunit ang mga mata niya nagpipyesta sa pag-titig dito. May kung ano sa lalaki na tila pamilyar sa kanya. 

"Do you always do that? Glare at all the guys who look at you?" Napakislot siya nang marinig ang baritonong tinig na nanggaling sa lalaking ngayon ay nasa harapan na niya, napakurap-kurap na para bang nagising sa isang panaginip. And then it hit her. 

The Gay or The Playboy?Where stories live. Discover now