Chapter 3: Unggoy!

Beginne am Anfang
                                    

"Haay. Ano yun? May multo ba dito? Siguro guni-guni ko lang ang mga iyon?" Tumayo na ako at babalik na sa dorm ko. Baka kasi kung ano meron na dito.

Napahinto ako nang may narinig akong bumagsak. Di ko alam kung ano yun.

"Miss. Walang multo dito. Sadyang di ka lang talaga marunong maghanap." Lumingon naman ako sa kanya na parang galing siya sa puno at bumaba.

"S--sino ka naman?" Tanong ko na nakatingin sa kanya.

"Ako nga pala si Jake Mel Reyes." Nilahad niya ang kanyang kamay na makikipagshakehands. Sasabihin ko na ba pangalan ko? Eh ngayon ko lang naman siya nakita eh.

Makikipagshakehands ba ako dito o hindi? Kasi di ko naman talaga siya kilala eh. Ay bwisit. Kaya nga pala siya nagpapakilala.

"Ahm ano. Kilala ba kita? Kailan tayo nagkita? Saan tayo nagkita?" Di ko alam kung bakit ayan ang natanong ko sa kanya. Basta ayan ang nilabas ng bibig ko eh. Ewan ko ba sa sarili ko.

"Tss. Miss may sayad kaba? Oh talagang ganyan ka lang mgsalita?" Binaba na niya ang kamay niya na sana makikipagshakehands sa akin.

"Alin ang totoo?" Dagdag pa niya.

Bwisit sa Garden, peste sa garden, unggoy sa garden. Oh I see? May unggoy pala sa garden. Ngayon ko lang nalaman. Haynako -.-"

"Wala. Ano ba kailangan mo? Ano ba yun?" Bwisit kasi eh. Nakakasira ng Garden ng buhay ko.

"Kailangan ko ay ikaw. Pwede bang manligaw?"

"Ano-- Woah? Anong sabi mo?"

"Sabi ko pwede bang manligaw?"

"Bakit sino kaba para sabihin yan? Tsaka hindi pa kita gaanong kilala. Bakit ba ha?" Umupo na muna ako sa lapag dahil ako'y napapagod na. Tss Nakatayo ba naman? Kanina pa kami este ako nakatayo na kausap itong unggoy na ito.

"Bakit ang sungit mo? Akala ko mahinhin ka magsalita. Maamo lang pala mukha mo." Umupo din siya na tinitignan ako.

"Alam mo bang isa kang unggoy na panira sa garden dito? At alam mo bang ngayon ko lang nalaman na may unggoy pala dito sa garden." Tumingin naman ako sa kanya. Tss panira talaga. Haays.

"Alam mo Miss? Maganda ka naman eh. Pero bakit ang sungit mo? *wink*"

Pesteng unggoy ng garden. May pawink wink pang nalalaman.

"Eh bakit kasi unggoy ka?"

"Eh bakit ba kasi may unggoy dito sa garden?" Dagdag ko. Haays. Haha! Akala niya hindi ko siya papatulan?

"Eh kasi dito na ang tambayan ko. At gusto kong umakyat ng puno para lasapin ang simoy ng hangin." Sabi niya ng nakangiti.

"Tss. Siguro marami ka nang naligawan dito? Tama ba? Isa pa ayoko sa mga ganun. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanila."

Ano ba yan. Nanaginip ba ako? Kung nananaginip ako, sana naman gisingin niyo na ako. Please lang please.

"Sana naman nananaginip ako." Ayoko na dito! Ano ba itong napasukan kong panaginip? Haays.

"Kung panaginip ito. Hindi kana magigising dahil nandito kana sa loob ng puso ko at hindi na makakawala pa." Nakatingin pa din siya sa akin.

Ewan ko ba. Nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Parang apple na pula. Bwisit!

"Oh? Bakit ka namumula? Siguro sign na yan para kiligin ka? Bakit mo kasi pinipigilan ang sarili mong kiligin. Baka mamaya niyan eh makalbo mo na ang damo sa sobrang kilig mo?" Binubunot ko kasi ito dahilan ng inis ko dito! At namumula ako dahil naiinis na talaga ako sa kanya.

Maybe It's You~Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt