Part 7

51 0 1
                                    

Part 7

Hindi ko alam pero dinala na lang ako ng kusa ng aking mga paa dito sa rooftop. Patuloy pa din ako umiiyak ngayon. Ewan ko ba ayaw magpatigil ng mga mata ko sa lalaki na iyon. Nakasandal ako ngayon sa pader at nakaupo sa sahig. Tinignan ko ang langit ngayon. Mukhang sumasang-ayon ito sa nararamdaman ko dahil makulimlim ito. Parang nawalan na ako ng ganang pumasok sa next subject namin. Well hindi naman dahil sa tinatamad ako sadyang ayoko lang siya makita sa ngayon.

Mahal kita Chloe.

Mahal pa din kita…

Those words at last he said it. Bakit ngayon lang Brent kung kelan sinusubukan na kitang paalisin dito sa puso ko?

Dati lagi ako nagsasabi ng I love you sa kanya pero ni-isang beses hindi ko man lang siya narinig magsabi ng 3 words na yan. Ang reply niya lagi sa akin, “me too”. Kaso sa simpleng sabing “me too” ang laki na ng epekto sa akin. Pati utak ko naapektuhan sa katangahan.

Kaya naman kinalma ko ang aking sarili. Pumikit at huminga ng malalim. Sa ngayon kailangan ko muna magpahinga sa kakaiyak. Feeling ko tuloy magang-maga na ang mga mata ko.

Bigla ko na lang naramdaman na nagba-vibrate ang aking phone. May tumatawag kaso unregistered number. Hindi ko ito pinansin nung una hanggang sa panay vibrate ang phone ko. Langya naman! Pati tong unknown person nakikisabay sa inis ko ehh?! Kaya naman sinagot ko ito.

“THE HELL YOU WANT-“

“Nasaan ka?” biglang bungad nito sa kabilang linya. Teka ang boses na ito…

“Nerd?”

“Nasaan ka Chloe?” halata sa boses niya ang pag-alala niya sa akin.

“Andito ako sa rooftop bakit—“ bigla na lang niya ibinaba ito. Bastos na nerd yun ahh?!

Maya-maya narinig ko na lang ang lakas na pagbukas ng pintuan. Titignan ko sana kung sino pero bigla na lang ako hinila papunta sa kanyang dibdib. Ang amoy na ito.

“Nerd?”

“Sorry. Please let me do this for a while it’s just that… nag-alala kasi ako sayo” okay parang gumaan bigla pakiramdam ko. Paano naman kasi ang sexy ng boses ni nerd. Baliw na nerd to bulungan ba ako sa tenga?!

“T-thank you” yun na lang lumabas sa bibig ko at pareho kaming natahimik. Okay ang awkward pero hindi pa rin siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin. Aba tsumatsansing na ata to ehh?

“Hindi mo naman siguro feel na feel na yakapin ako no?” pagbasag ko ng katahimikan namin. Bigla na lang itong bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin at sabay humawak ito sa kanyang batok.

“S-sorry” nakatingin ito sa ibang direksyon.

PFFFT! Nahihiya ba siya? Ewan ko ba ang cute lang kasi.

“Joke lang!” sabay peace sign sa kanya.

“Okay lang ako salamat sa pag-aalala” ngumiti ako dito.  

“Teka! Hindi ka ba pumasok?” okay ngayon ko lang napansin. Kasi nandito siya ngayon ehh? Tsaka panigurado kanina pa nagsisimula yung klase namin.

“Ahh kasi ang tagal mo nawala kanina kaya hindi na ako pumasok nag-aalala kasi ako sayo” sabi nito.

Ewan ko ba pero lihim ako napangiti dahil sa sinabi niya. Bakit ba pasimpleng sweet itong si nerd? Hindi niya ba napapansin na baka mainlove ako sa kanya dahil sa mga mata niya at lalo na sa mga ngiti niya? Pero Chloe hinay-hinay lang kagagaling mo lang sa heartbreak kaya please kumalma ka lang.

I wish i was her [On Hold]Where stories live. Discover now