Part 1

87 0 0
                                    

Part 1

“KYAAA!!! Andyan na sila!”

“Oo nga ang ga-gwapo nila!”

“DALE EVANS RODRIGUEZ! I LIKE YOUUU!!!”

“OMG si ASTON COLLINS! Nakita mo ba yun? He winked at me! KYAAAA!!!”

“BRENT CLEMENTE! I LOVE YOU KAHIT NAPAKASUNGIT MO!!!”

Tsk! Kaasar naman itong mga babae na ito. Kung makasigaw kala mo wala ng bukas. Like duh? Ngayon lang ba sila nakakita ng lalaking tulad nila? As if kung sinong napakagwapo! Napaka normal naman ng itsura nila hindi naman kagwapuhan. Tapos isabay mo pa yung pangalan niya na lagi mong naririnig araw-araw? Nakakasuka at nakakasawa!!!

Kabwisit naman! Dahil sa kanila hindi ako makadaan papuntang classroom nito. Since maganda ako, kayang-kaya ko naman mag excuse.

“Uhh, excuse me miss pwede bang dumaan?” taas kilay kong sabi sa mga babae na nakaharang sa daanan.

“HUH?! ANONG PROBLEMA M--- Ayy! Kaw pala Chloe! Hehe sorry sige daan ka na” sabi nung babae. Buti marunong matakot to.

“I thought I heard it wrong. I’m glad you didn’t. Thank you” irap na pagkasabi ko sa kanya. Bigla na lang nagsitabi ang mga babae kung kanina ay nakaharang sa daanan ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom ay nagsitinginan sila sa akin. Pati na din siya. Ohh well this is my life as always.

“Look at her, poor girl”

“No friends”

“Kapal ng mukha kala mo kung sinong maganda hindi naman”

“Buti na lang naghiwalay sila”

Yan ang naririnig ko araw-araw kasawa na nga ehh? But I’m so glad na dahil sa kanila sumisikat ako lalo. Did these stupid girls forget the saying, “HATERS GONNA BE HATE” thing?! Pero syempre hindi ako nagpapatalo sa mga tulad nila.

Kaya naman nilabas ko ang aking phone at sabay nagselfie kung saan nasa likod ko yung mga babae na nagbubulungan na parang bubuyog.

“Ohh there you go! A new picture in my Instagram” sabay smirk. 

Ayun ang mga bubuyog sabay tingin sa mga patapon nilang phone at mga reaksyon nila?

“WTH?! With the bubuyog background?!”

“ARGH! 300 likes? Seryoso?!”

Buti nga! Inuumpisan nila ako ehh? Kaya ako na ang tatapos. Pero seryoso hindi ko akalain na 300 likes agad yun thanks to her dahil nalaman ko. Hindi naman sa pagyayabang ko but I have almost like 1 million followers. Why? Well why don’t you just check it out to see? 

I wish i was her [On Hold]Kde žijí příběhy. Začni objevovat