"Sh*t sarado. " Elle said. Halatang mainit na ang ulo, magkasalubong na naman yung kilay eh.

"Tara na kasi wag ka na magpakastress diyan. Okay na 'to."

"Just shut up ok? Maupo ka diyan and close your mouth. " He said while getting something on his bag.

"Eto na nga tatahimik na." Nagsign ako na zinipper ko yung lips ko.

"Akina yang kamay mo. " Ipinatong ulit sa lap niya yung kamay ko then nilagyan ng....WAAAAHHHH! Spongebob na bandaid!!!!

"Favorite mo din si Spongebob!?" He looked shock sa tanong ko.

"Hindi ah! Ano ako bata? Tara na nga! "

"Achuchuchuchu~ kunwari ka pa eh halata naman." Tiningnan ko yung bandaid. "Favorite ko din kaya yung Spongebob! "

"Wala akong pake. Bilis bilisan mong maglakad diyan hindi daldal ka ng daldal."

"Sus~ sunget. " Sabi ko sa mahinang boses.

WOW GRABEHAN! Ano 'to palasyo? Hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga nakikita ko, para akong nasa ibang bansa. Yung garden pak na pak halatang alagang alaga, madaming iba't ibang halaman at bulaklak, may mini falls pa! Tapos yung bahay pak ganern parang palasyo sa sobrang laki.

Pumarada kami mismo sa harap ng bahay. Nakita ko si Butler Seeve at tatlong maids na naghihintay dun sa may entrance.

"Bumaba ka na. " Yun lang sinabi ni Elle bago lumabas ng sasakyan at nagdirediretso papasok ng bahay.

"Mokong na 'yon. Intayin mo ko! " Sabi ko habang sinusundan siya ng tingin.

May nagbukas sa pintuan kaya napatingin ako, si Butler Seeve pala. Ang gentleman naman dis guy, unlike sa ibang lalaki diyan sa tabi tabi.

"Tara na po Miss Luann." Butler Seeve said while offering his hand.

Inalalayan niya akong makababa ng sasakyan hanggang sa entrance. Tarush diba, parang anak mayaman.

"Dalhin niyo na si Miss Luann sa magiging room niya." Sabi ni Butler Seeve dun sa limang maids.
"Ok Sir. " Sagot nung mga maids.

"Miss yung bag niyo po." Maid Number One. Kinuha niya yung bag ko at yung gamit ko.

"This way po Miss Luann." Sabi naman ni Maid Number Two.

Pinagbukas naman ako ni Maid Number Three ng pintuan.

"Wow!" Naibulalas ko ng makita ko na mismo yung loob ng bahay. Parang lobby ng hotel. Ang ganda nung chandelier tapos puro painting.

"Sa second floor po ang room niyo. " Sabi ni Maid Number One.
Umakyat kami sa second floor.

"Dito po ang room niyo katabi ng kay Sir Elle." - Maid Number One.

Tumango tango ako, "Ahhhh."

Pagkabukas ng pintuan ng room ko, literal na napanganga ako. "Room ko 'to te?" Tanong ko sa mga maids.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fated To Be With You(Taehyung + Yoona + Luhan)Where stories live. Discover now