Lahat tayo may nakalaang taong mamahalin at makakasama natin habang buhay. Minsan nasa paligid lang pala natin sila pero hindi natin pansin o kaya naman ay hindi pa natin nakikita. Meron din naman na bigla na lang dumadating, yung tipong hindi mo in...
May pumasok na tatlong lalaki sa maliit na karinderya ni Aling Lor. Yung dalawa ay nakasuot ng black suit at yung nasa gitna namang lalaki parang lumabas sa pahina ng Vogue magazine, parang model! Yummy!
"Grabe sino kaya sila? Ang gwapo nung nasa gitna!YIEEEEH!" - Customer #1
"Tingnan mo yung sasakyan pare ang lupetzz! Baka mga ganster yang mga yan!" -Tambay #1
"Baka mga loan shark yung mga yan!" - Tambay #2
" Lagi na ako mangungutang sa mga loan shark kung ganyan sila kagagwapo!" - Customer #1
"Baka nangutang na naman yung asawa ni Aling Lor!" - Customer #2
"Nakow po! Si Luann na naman ang magbabayad ng utang ni Pareng Drigo. Tsk tsk tsk." - Customer #3
"Good Afternoon, andiyan ba si Madam Lorena?" Tanong ng lalaking nasa gitna.
"Sino po sila?" Tanong ng kahera na si Joan, hindi maiwasang hindi maglaway sa kagwapuhan ng kaharap.
Inabutan nito ng calling card yung kahera. "I'm Butler Seeve Martini from Kreiss Group."
"Saglit lang pogi ah tatawagin ko lang." Pacute na sabi ni Joan.
Umalis si Joan at pumasok sa kusina. "Ate Lor! May naghahanap po sa inyo! Mga lalaki po!"
"Mga loan shark ba!? Gangster! Halika na! Tumakas tayo sa likuran at baka kung mapano pa tayo!" Natatarantang sabi ni Aling Lor habang hawak hawak yung sandok ng ulam.
"Ate Lor keep calm and listen to me. Hindi sila masamang tao! Ang paranoid niyo naman po eh!Ang gagwapo po kaya nila kaya imposibleng maging masamang tao sila. HIHIHI."
"Porket gwapo hindi na masamang tao. Malandi ka rin noh! Kurutin kita sa singit Joan eh." Akmang kukurutin nito si Joan.
"Ate Lor naman eh nagsasabi lang ng totoo."
"Sino daw ba sila!?"
"Mga taga Kreiss Group daw po sila!"
"Kreiss Group!? Yung may ari ng mga malalaking mall, condo, hotel, gasolinahan at resort sa buong Pilipinas!?"
"Opo yun nga po! Binigyan pa ako ng number, gusto siguro ng textmate. HIHIHI!"
"Gag* textmate ka diyan, nagpapaload lang sayo yan kaya binigay number sayo."
Napasibangot si Joan. "Hindi po ahhhh! Labasin niyo na po, kanina pa sila nag-iintay. Malay niyo nanalo pala kayo ng house and lot."
"G*ga! Hindi nga kami namimili dun eh. Sige mauna kang lumabas baka mamaya mabaril pa ako atleast ikaw ang una."
"Ate Lor talaga, virgin pa po ako ayaw ko pa mamatay."
Bumalik yung kahera kasunod si Aling Lor.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.