Lahat tayo may nakalaang taong mamahalin at makakasama natin habang buhay. Minsan nasa paligid lang pala natin sila pero hindi natin pansin o kaya naman ay hindi pa natin nakikita. Meron din naman na bigla na lang dumadating, yung tipong hindi mo in...
"All of you know each other naman so no need to introduce yourself. Miss Gallo please say something about yourself since ikaw lang yung..."
Mahirap sa school na 'to...Gusto kong idagdag since hindi tinapos ng Prof ko yung sasabihin niya.
Taas noo akong pumunta sa harap para magpakilala.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"Hi I'm Luann Amerain Gallo. Nice to meet you all."
Hello people~ wala bang nakakakita or nakakarinig sakin?
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Andito ako ngayon sa harap nagpapakilala sa mahigit thirty students. Pero kahit isa wala man lang tumingin sakin. Lahat sila busy sa pagchichikahan about kung saan sila nagtravel nung bakasyon, kung saan nagshopping, ano latest trends at kung ano ano pa. It's clear na hindi talaga ako belong dito. Hay~ ano bang magagawa ko, andito na 'to.
"You may sit down Miss Gallo." Sabi ng Professor ko kaya naupo na ako sa pwesto ko sa dulo malapit sa bintana. "Class quiet! Magstart na ako ng lesson."
Tumingin ako sa labas ng bintana. Tama ba 'tong naging desisyon ko? Worth it ba?
TWO WEEKS AGO...
"Tama na! Wala kayong makukuha sa bahay namin. " Sigaw ni Papa ng hindi tumigil yung mga loan shark sa paghalungkat sa mga gamit namin.
"Drigo Drigo Drigo!" Lumapit samin yung isang lalaki na may takip ang isang mata na parang sa mga pirata. "Pag hindi ka nakabayad sa susunod na linggo ng utang mo....alam mo na ang mangyayari." Tiningnan kami nung lalaki kaya si Papa mas lalong hinigpitan yung yakap samin ni Lou at Mama. "Babalik kami sa susunod na linggo Drigo. Magkikita tayong muli. Wag mo subukang tumakas, mas mapapasama ka lang at ang pamilya mo." Sabi nung lalaki sa nakakatakot na tono bago umalis kasama yung mga alagad nito.
"Drigo naman eh! Ano na naman 'to." Hindi napigilan ni Mama na umiyak ng makaalis yung mga loan shark.
"Lor pasensya na. Si pareng Vince kasi inaya ako na mag-Invest sa itatayong negosyo niya, hindi ko alam na itatakbo niya yung pera. " Umiiyak na sabi ng Papa ko.