Lahat tayo may nakalaang taong mamahalin at makakasama natin habang buhay. Minsan nasa paligid lang pala natin sila pero hindi natin pansin o kaya naman ay hindi pa natin nakikita. Meron din naman na bigla na lang dumadating, yung tipong hindi mo in...
Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan, dali dali ako lumabas at nagtawag ng uwak.
"Uwaaaaaakkkk arrghhhh uwakkkk arrghhhhags!"
Mukhang naisuka ko lahat ng kinain ko ng isang linggo. Pisting lalaking 'yon balak pa ata akong patayin!
"Hey are you alright?" He asked, medyo natatawa tawa pa.
"Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi ka bumaba sa sasakyan mo at hindi ka nakita ng mga fans mo, hindi ako sasakay sa kotse mo at hindi ako magkakaganito ngayon!" Nang iangat ko ang tingin ko ay nakabaseball cap at fake na bigote na siya.
Naks change costume!
"Luann! Luann!" Nakita ko si Jha na tumatakbo papalapit sakin. "Ano bang ginagawa mo dito!? Nagkakagulo na sa bahay niyo!"
"Ha!? Bakit anong nangyari?"
Medyo malayo yung pinagpark-an namin kaya ngayon ko lang napansin na pinagkakaguluhan yung bahay namin ng mga kapitbahay at may mga lalaki na parang men in black slash higante sa sobrang lalaki ng katawan ng mga ito.
"Mga loan shark na naman!?" Nagtatakbo ako papunta sa bahay.
"Hoy Luann! Sandali lang!" Tawag sakin ni Jha pero hindi ko na siya pinansin at nagtatakbo lang ako papunta sa bahay.
"Makikiraan po! Makikiraan po!" sabi ko sa mga kapitbahay namin na nakaharang sa daan hanggang makarating ako sa tapat ng gate namin. "Padaanin niyo ako." Sabi ko sa mga lalaking nakaharang sa tapat ng bahay namin.
"Pasok na po kayo Miss Luann." Magalang na sabi nung isang lalaki at pinagbukas pa ako ng gate. Aba ang gentleman naman ng mga loan shark na 'to.
"Ma!!!" Sigaw ko habang papasok sa bahay. Pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko na nakikipag-usap si Mama sa isang modelo este isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa twenty five years old na. Ganito na ba kagagwapo Loan Shark ngayon?
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
Tumingin ako sa lalaking kausap ni mama at sa labas ng bahay. "Ma ano bang nangyayari? Bakit nagkakagulo mga kapitbahay sa labas."
"Anak huwag kang mabibigla... ikakasal ka na!"
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.