Nang makarating kami sa clinic, hindi ko maiwasang mapanganga sa sobrang amazing ng lugar. Grabe Clinic ba 'to? Or Ospital? Ibang iba sa clinic namin sa dati kong school, parang waiting area lang yung clinic namin.
"Maupo ka don." He pointed at the first cubicle using his lips.
"Okiiee dokkiiee! " Naupo ako dun sa clinic bed sa first cubicle. Si Elle naman todo hanap sa first aid kit.
"Damned nasaan na ba 'yon!? " He said irritatingly ng hindi niya makita.
"Mata kasi ang ipanghanap, hindi bibig. Tsk tsk tsk. Dora ka din eh. " Nasa taas ng cabinet yung First Aid Kit.
Kumuha ako ng upuan kasi hindi ko abot yung taas ng cabinet...kaposh parin mga besh! Kaya tumingkayad ako.
"Ako na nga lang. " Nagulat na lang ako ng hawakan niya ako sa bewang kaya na-out of balance ako. The next thing I knew nakapatong ako sa kanya pero this time hindi kami nagkiss, muntik lang, as in isang tuldok lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ako sa bewang tapos nagchange position kami.
"AAAAHHHHH!" sigaw ko sabay tulak kay Elle. "Ano bang ginagawa mo! Pano na lang kung may makakita satin!!??"
"So what? We're getting married. " He said. I know his making fun of me, the way he smile says it all.
"Abnormal! Bilisan mo na para makaalis na tayo. " I said habang pinapagpag yung damit ko.
"Okay okay okay~...If I know kinikilig ka."
React agad ako, "Nek!Nek mo! Never mangyayari 'yon. Itaga mo pa sa isang libong bato hinding hindi talaga mangyayari 'yon. Over my dead sexy, gorgeous, stunning body!"
He just shrugged, " Walang bawian yan ah, nasa contract that you can't fall in love with me or else may penalty na one million pesos. "
"Oo alam ko! Bilisan mo na, baka andun na sila mama at papa! " Sabi ko. Dadating din kasi sila mama at papa para officially magkakilala yung family ko at family ni Elle.
"Maupo ka na 'don, kukunin ko na yung kit. " He said.
Naupo ulit ako dun sa pwesto ko kanina...maya maya lang sumunod na din si Elle.
Una niyang kinuha yung alcohol tapos cotton.
"Hoy anong gagawin mo diyan? " Napapangiwi ako pag naiisip ko na lalagyan ko yung sugat ko ng alcohol.
"Ibabad yang sugat mo sa alcohol. " He said with an evil smile on his face.
"Ayaw ko nga! Betadine dapat diba, hindi alcohol. "
"Para sure na malinis. Akina yang kamay mo. " He grabbed my wrist then pinatong niya sa lap niya. "Wag kang malikot."
"Haist!!!" Napapikit ako iniitay na bumuhos ang isang boteng alcohol sa kamay ko, pero tingnan mo nga naman may kaunting kabutihan pa palang natitira sa mokong na 'to. Dahan dahan niyang nilinis yung part na madumi tapos hinihipan niya para di masyadong mahapdi.
Okay!Okay! Aaminin ko ang cute niya tingnan ngayon, parang ang bait bait. Kung ganito sana siya palagi eh di okay ang lahat.
"Done." He said. Tapos niya na palang lagyan ng kung ano ano yung kamay ko.
"Thanks. " Sabi ko. Tumayo na ako. Pero si Elle may hinahanap pa na kung ano dun sa kit. "Huy tara na. Ano pang hinahanap mo diyan? "
"Wait lang...wala pang bandaid, maupo ka ulit, titingnan ko sa stock room. " He said.
"Di na kailangan non, di gagaling sugat pag di nahanginan at nalagayan ng kaunting bacteria at alikabok." Sabi ko habang sinusundan siya ng tingin papunta sa stock room.
KAMU SEDANG MEMBACA
Fated To Be With You(Taehyung + Yoona + Luhan)
Fiksi RemajaLahat tayo may nakalaang taong mamahalin at makakasama natin habang buhay. Minsan nasa paligid lang pala natin sila pero hindi natin pansin o kaya naman ay hindi pa natin nakikita. Meron din naman na bigla na lang dumadating, yung tipong hindi mo in...
Chapter 8
Mulai dari awal
