Ang mahirap pa roon, hindi sila legal. Hindi pinapaalam ni Ellie kasi magagalit ang parents nito, lalo na ang nakatatanda nitong kapatid na lalaki. Bawal itong mag-boyfriend lalo na kung hindi rin galing sa mayaman at kilalang pamilya.

"At saan naman kayo magde-date?" tanong niya sa kaibigan.

"Diyan-diyan lang." Ngumiti-ngiti pa ito na parang may tinatago.

Aba't siniko niya nga! "Diyan-diyan lang. Ikaw, baka kung mapaano ka. Lagot ka sa kuya mo. Tandaan mo, hindi mo pa masyadong kilala 'yang lalaking 'yan. Mamaya, iba ang habol niyan sa'yo, e."

Siniko rin naman siya nito pabalik. "H'wag mo nga akong gawing bata. Syempre alam ko kung anong ginagawa ko. Magdi-dinner lang namin kami. Tsaka hindi rin ako pwedeng masyadong magpa-gabi ngayon kasi maaga kaming aalis bukas. Pupunta kami roon sa bahay ng mapapangasawa ni kuya."

Natigilan siya sa narinig. "H-ha? Ikakasal na agad ang kuya mo? Bakit ang bilis, 'di ba kaka-graduate lang non?"

Natawa ito. "Oo. Fixed marriage. Alam mo naman sa 'min, basta ikalalago ng negosyo, papatulan nila Mama."

"Grabe talaga sa inyo, parang ang hirap maging mayaman. Pati ba naman pagpapakasal?"

"Sinabi mo pa. Kaya nga ine-enjoy ko na ngayon na makipag-date sa iba't ibang guys kasi feeling ko, arranged marriage rin naman ang bagsak ko." Sabay tawa nito. "Pero siguro, hindi pa naman ako hahayaang magpa-kasal nang maaga nila Mama. Alam kasi nilang magdo-doktor pa ako pagka-graduate ko rito sa course natin na Nursing, eh. Si kuya kasi, ikakasal agad."

"Hindi ba gusto ng kuya mo 'yong mapapangasawa niya?"

"Hmm, not sure. Pero ako gustong-gusto ko 'yong mapa-pangasawa niya. Boto ako kay ate Vanessa para kay kuya Allen, eh."

Hindi niya na nagawang makasagot kasi biglang nag-vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa ng suot niyang white nursing uniform. Kinuha niya agad iyon.

Si Pierre pala ang nagtext.

| Mukhang mananalo kami sa game ngayon ah |

Nireplyan niya agad ito. | Bakit? :)|

| Nandyan ka e. Gaganahan akong maglaro |

Napangiti siya nang malapad. Nakita na siguro siya ni Pierre na nasa gym. Sumilip agad siya sa ring sa ibaba para tingnan kung nandoon ito.

At nandoon na nga. Nahuli niya pa nga ito na nakatingin sa kanya. She just smiled and waved at him. Kumaway din naman ito sa kanya at may kasama pang kindat! Nahiya tuloy siya kasi napatingin sa kanya 'yong ibang mga babae na nanonood din sa gym.

Yup, Pierre is that popular Basketball guy na crush na crush ng halos lahat ng mga kababaihan sa university nila.

Umiwas na lang siya ng tingin sabay sandal sa kinauupuan. Pero si Ellie naman 'tong nahuli niyang nakatitig sa kanya.

Tumataas-baba pa nga ang mga kilay nito na parang nang-aasar. "Ganda naman ng best friend ko."

Natawa na lang siya. "Tumigil ka nga."

"Eh ano ba kasi 'yon, ha? Bakit may pakindat-kindat na si Captain? Nanliligaw na ba siya sa 'yo?"

"Hindi. Walang ganyan. Magkaibigan lang kami, alam mo naman 'yon."

"Ano ba 'yan, hanggang ngayon magkaibigan pa rin. Ga-graduate na lang tayo. Maging kayo na nga! Kinikilig ako sa inyo eh. Nai-ihi ako sa sobrang kakiligan."

"Baliw ka. Umayos ka kasi."

"Seryoso nga! Nai-ihi talaga ako. Wait lang ah, magsi-C.R lang muna ako habang hindi pa naguumpisa ang laban." Bigla na itong tumayo at umalis.

Napanganga na lang siya saglit sabay natawa. Akala niya naman nagbibiro lang si Ellie. Seryoso pala talaga ito na naiihi.

Ibabalik na sana niya ang atensyon sa harapan kaso naramdaman niyang parang may iba pang nakatingin sa kanya. Pagka-silip niya, it's that guy again! 'Yong nag-uwi sa kanya at may hawak ng wallet niya. Ang lalim ng titig nito sa kanya na para bang may nagawa siyang kasalanan.

Hindi niya na lang pinansin. Sobrang uncomfortable ng feeling kasi ramdam niyang kanina pa siya pinagmamasdan ng lalaking 'yon. Mukhang nakita nga rin nito ang pag-kindat na ginawa ni Pierre.

Mabuti na lang at dumating na rin ang mga players ng magkabilang team ngayon. Doon na niya na binaling ang atensyon niya.

Na-excite na naman nga siya, lalo na noong nakita na niya si Pierre na naka-suot na ng basketball uniform. Parang gusto na lang niyang tumayo para mas mapanood ito nang maayos.

Ang gwapo talaga ni Pierre kapag naka-basketball uniform ito. Litaw na litaw kasi ang mga biceps nito. Mas lumaki na nga ang mga 'yon ngayon kumpara noong first year sila. Bagay na bagay pa rito ang kulay ng suot nitong uniporme. Blue. Pumuputi ito tingnan. May pagka-moreno kasi si Pierre dahil sa madalas na paglalaro ng basketball sa labas.

Mayamaya lang naman ay bumalik na rin si Ellie galing sa C.R.

Parang excited pa nga ito nang tumabi ng pagkakaupo sa kanya. "Uy, Fina, alam ko na!"

Napakunot siya ng noo. "Ang alin?"

"'Yung pangalan nung lalaking nag-uwi sa 'yo tsaka may hawak ng wallet mo."

Nanlaki ang mga mata niya! "P-paano mo naman nalaman?"

"E nadaanan ko siya roon nong pumunta ako sa C.R e. Sumimple ako ng tingin sa I.D niya. Ang galing ko, 'no?"

"Baliw ka! Hindi nga? Baka mamaya napansin ka niya ah."

"Paano niya ako mapapansin, e titig na titig nga siya sa 'yo. Ganda mo talaga."

"Eh, ano? Anong pangalan niya?"

"His name is Jett Galvez."

**

NATAPOS NA ANG practice game. Unfortunately, hindi nagawang lapitan ni Fina 'yong lalaki para kunin ang wallet niya dahil bigla na lang itong nawala bago pa matapos ang laro.

Sinamahan na lang muna niya si Ellie hanggang sa kotse ng boyfriend nito. Gusto pa nga sana siyang idaan ng mga ito pauwi pero humindi na siya kasi nakakahiya. Pinauna na niya ang mga ito tapos mag-isa na lang siyang naglakad palabas ng university.

Kaunti na lang ang mga estudyante ngayon sa campus dahil halos alas-otso na rin ng gabi. Patay na nga ang ilang mga ilaw sa dinaraanan niya, pero hindi naman siya nakararamdam ng takot. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad papunta sa main gate hanggang sa bigla na lang may tumawag sa buo niyang pangalan.

"Delilah Fina Tuazon."

Natigilan agad siya, sabay lingon sa likod.

May naaninag siyang lalaki na nakasandal sa pader at magka-krus ang mga braso. Hindi niya makita nang maayos ang mukha nito dahil nga madilim, pero malakas ang kutob niya kung sino iyon.

Jett Galvez.

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Kindly share your thoughts or feedback via Facebook and Twitter. And please don't forget to include #MendingFina or #MF in all your posts/tweets.

Mending Fina [COMPLETED]Where stories live. Discover now