Pasimple niya rin namang sinilip 'yung tinuturo ng bestfriend niya. At nagulat na lang siya. It's him! 'Yong lalaking nag-uwi sa kanya sa apartment nito. Ibig sabihin ay dito pala talaga ito nag-aaral!

Nataranta tuloy siya sabay nagtago kay Ellie. "Hala, Ellie, siya 'yon!"

"Anong siya 'yon?"

"'Yung ano . . ."

Naintindihan din naman agad ni Ellie. "S-siya 'yung kini-kwento mo? 'Yung gwapong 'yon? Sa apartment ka niya nakatulog at nasa kanya ang wallet mo?"

"Oo. H'wag kang maingay, baka mamaya naririnig tayo eh."

"Hindi 'yan, medyo malayo naman siya. My God, Fina, ang pogi! Mukha lang suplado pero hottie." Titingnan pa nga dapat ulit ni Ellie 'yong lalaki pero pinigilan niya na kasi baka mahalata pa silang dalawa.

"A-anong gagawin ko?" tanong niya sa kaibigan.

"Ano ka ba, e 'di lapitan mo. Gusto mong kunin ang wallet mo, 'di ba? This is your chance, go!"

"Ayoko." Mas lalo siyang nagtago kay Ellie.

Tinulak naman siya ng bestfriend niya. "Hoy, alam kong lumalapad na ako pero h'wag mo naman akong gawing taguan."

"E nakatingin siya rito, e. H'wag kang magulo."

"Lapitan mo na kasi. Dali, habang hindi pa nag-uumpisa 'tong laban nila Pierre."

"Anong sasabihin ko sa kanya?"

"Sabihin mo na ibalik niya na ang wallet mo kasi wala naman siyang mapapala roon. Wala namang laman 'yon."

"Ellie naman! Seryoso nga."

"Seryoso 'yon! Ano pa bang ibang pwede mong sabihin sa kanya? E 'yon lang naman talaga ang habol mo."

Napasimangot siya. "Ayoko. Nahihiya ako."

"Tsk, bahala ka nga. Sabihan mo na lang ako kapag lalapitan mo na siya para ba-backup ako." Binalik na nito ang atensyon sa harapan kasi mukhang mag-uumpisa na ang practice game.

Siya naman, napabuntong hininga na lang. Tapos ilang sandali pa, kinausap na ulit si Ellie. "Mamaya ko na lang siya lalapitan pagkatapos nitong game. Mag-iipon muna ako ng lakas ng loob."

"Hmm, sige. Pero hindi na kita masasamahan mamaya, ha? Kailangan kong umuwi kaagad."

"Bakit?"

"Susunduin ako."

"Ng driver niyo? Magpahintay ka na lang. Samahan mo muna akong puntahan siya."

Natahimik si Ellie. Hanggang sa bigla na lang nitong hinigit ang braso niya at lumingkis doon.

She purposely rolled her eyes. "Hay naku, Elisha Rase Fajardo. Kilalang-kilala ko na 'yang mga ganyan mong galawan. Naglalambing ka na naman, eh. May kalokohan ka, 'no?"

"Hindi naman kalokohan, grabe ka."

"Eh ano nga?"

Ngumiti ito nang pa-cute. "Eh kasi, hindi driver namin ang susundo sa 'kin mamaya."

"Sus, sinasabi ko na nga ba. At sino na naman 'yan?"

"H'wag kang maingay, ah? Baka isumbong mo ako kay kuya Allen. Susunduin ako ng boyfriend ko. Second monthsary namin ngayon, 'di ba?" Parang high school pa ito na nagtatago ng pagkakilig.

Napaikot na lang ulit siya ng mga mata.

Alam na alam niya ang sikreto ng bestfriend niya. Ellie has a 25-year old boyfriend. Ang layo sa edad nilang 19!

Mending Fina [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon