Chapter 1

53.1K 892 59
                                    

Zaya




"Baby, I'm sorry. Hindi ko na kaya. I'm sorry kung hindi na matutuloy ang kasal natin. Hindi ko na matutupad yung mga balak natin para bumuo ng sariling pamilya. Hindi ko na kayang labanan pa 'tong sakit ko. Gusto ko ng magpahinga." Humahagulgol na sabi sa akin ni Natasha, pati ako ay umiiyak na din habang yakap-yakap siya. Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Ayaw niya na daw sa hospital kaya hiniling niya sa amin ng Daddy niya na iuwi na namin siya.


"Alam kong pagod ka na din. Pagod na kayo sa pag-aalaga sa akin."





"No baby. Never kaming napagod sa pag-aalaga sayo." Hindi ko iniinda ang antok ko kapag magigising siya ng madaling araw minsan tapos susuka siya. Ang sakit para sa akin ng makita siyang nahihirapan. Kung pwede ko lang kunin ang sakit na nararamdaman niy, kinuha ko na para hindi siya mahirapan.



May brain tumor si Natasha, stage 3 na. Hinang-hina na siya. Minsan magigising ako tuwing madaling araw. Naririnig ko siyang umiiyak. Minsan naman mararamdaman ko na lang na hinahaplos niya yung mukha ko at sinasabi niya kung gaano niya ako kamahal, gising ako nun hindi ko lang minumulat yung mga mata ko.





"Shhh. Don't cry baby. I know. Hindi mo na ba kaya talaga? For me? Mahal na mahal kita Natasha. Hindi ko yatan kakayanin na mawala ka sa akin." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin at hinawakan yung magkabilang pisnge ko.



"Nilalabanan ko naman yung sakit ko eh. Pero hindi ko na kaya. Hirap na hirap na ako. Mahirap para sa akin ang iwanan ka, Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Sana kapag nawala na ako, magmahal ka ulit. Yung aalagaan ka, Yung hindi katulad ko na iiwan ka lang...." Hindi ko na siya pinatapos magsalita.



"AYOKO! Gusto ko IKAW LANG!" Sigaw ko sa kanya. Malungkot na ngumiti siya sa akin.



"Promise me please? Ayun lang ang hihilingin ko sayo bago ako mawala, na magmamahal ka ulit." Malambing na sabi niya sa akin. Nakatingin siya sa akin habang pinupunasan ng hinlalaki niyang daliri yung mga luha ko.





"I'll try." Napayukong sagot ko sa kanya. Hinawakan niya naman yung baba ko at bahagyang itinaas para mapatingin sa kanya. Hinalikan niya naman ako.


"I love you Zaya. Always and forever. Ikaw lang ang mamahalin ko..."


Pinagmasdan ko naman siya habang natutulog. Ang laki ng binagsak ng katawan niya. Namayat na siya. Hindi na kasi siya kumakain. Kapag kakain naman siya, konti lang kakainin niya tapos isusuka niya lang din. Malayong-malayo sa Natasha na nakilala ko noon. Pero kahit halos malagas na yung mga buhok niya, kahit na namayat siya, maganda pa din siya sa paningin ko. Mahal na mahal ko siya. Natatakot akong mawala siya.

Huwag niyo pa po siyang kunin. Dasal ko sa itaas.





----

Mahigit isang buwan ng wala si Natasha. Mahigit isang buwan din na parang wala ng kulay ang aking mundo, wala ng sigla sa aking katawan. Wala ng saya ang buhay ko simula ng mawala siya. Palagi akong nagkukulong sa madilim kong kwarto na parang ganun din kadilim ang aking mundo.




Lalabas lang ako ng bahay para dalawin sa sementeryo ang puntod ni Natasha. Hindi din ako masyadong nagkakakain dahil wala din naman na akong gana.



Lumipas ang ilang buwan kong pagkukulong sa kwarto, mas inabala ko na lang yung sarili ko sa pagtatrabaho. Napabayaan ko na dati yung negosyo namin, buti na lang nandiyan si Ate at Mommy para tulungan si Daddy. Hinayaan na lang muna nila ako sa gusto kong gawin dahil kahit isa man lang sa kanila ay hindi ko kinikibo kapag kinakausap nila ako. Sinusungitan ko silang lahat. Nasigawan ko pa nga si Ate eh. Kahit yung mga katulong dito sa bahay madalas kong sigawan lalo na kapag papasok sa kwarto ko na may dalang pagkain. Para bang ang laki ng galit ko sa mundo mag mula ng mawala si Natasha.



The Heart Wants What It WantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon