Naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko dahilan para mapatingin ako sa mga mata niya. Kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. His deep set of eyes showing a lot of emotions I couldn't fathom. Hinaplos ng mga daliri niya ang pisngi ko. "Ang tanga niya para saktan ka."







"Timothy..." banggit ko sa pangalan niya dahil wala akong ibang masabi.







Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo bago ako niyakap. Isiniksik ko ang mukha sa dibdib niya. I always want a hug from someone I can feel comfort. At isa si Timothy sa someone na tinutukoy ko. "Tahan na. Nandito ko. Nandito kami. Tutulungan ka namin. Tutulungan kita." masuyong sabi niya at niyakap ako ng mas mahigpit habang hinahaplos ng masuyo ang buhok ko. Nakaramdam ako ng kapanatagan sa mga bisig niya. 







"Bakit ganito ang trato mo sakin? Hindi mo ko ganoon kakilala. Maikling panahon pa lang ako sa bahay niyo..."







"Hindi ko alam... Pero ng mga sandaling nakita kitang umiyak ng gabing iyon... Gusto na kitang alagaan."







Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. May mga taong dumating sa buhay ko na iyon din ang sinasabi nila. Na gusto akong alagaan at ayaw masaktan... Pero sa huli... Hindi nila natutupad. Nasaktan pa rin nila ko.







Humikbi ako. "Bakit?" tanong ko sa kanya. I want to know his reasons... Bakit gusto niya kong alagaan? Do I deserve this kind of treatment from him? Or from anyone who doesn't really know who I am.






Naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya. "I don't want to see you cry, Amanda." mahina pero masuyong sabi niya. Uminit ang puso ko sa sinabi niya. Wala akong ibang maramdaman kung hindi ang pasasalamat sa mga ginawa nila para sakin. Nagpapasalamat ako na maganda ang pinakita niya at ng pamilya niya sakin. Nagpapasalamat ako na tinutulungan nila ko. I am blessed and very thankful na hindi ako pinapabayaan ng Diyos. Dinala Niya ko sa lugar na ito para makilala ang mga taong ito. They are so good to me.








Kumalas ako sa yakap para matignan siya. "Salamat, Timothy... Pero sa tingin ko. Hindi mo na kailangan gawin iyon."








"Hayaan mo na lang akong gawin, Amanda. Dahil simula nang tumapak ka sa bahay namin... Responsibilidad na kita. At hindi ko hahayaang masaktan ka ulit."







Hindi ko alam pero mas lalo akong umiyak sa sinabi niya. Naaalala ko si Lucian. Si Phoenix. Ang dalawang taong nagsabi na rin sakin ng mga linyang iyon pero nagawa pa rin nila kong saktan. Akala ko ba kakalimutan na natin sila, Amanda? Bakit sila pa rin ang nasa isip mo?









Narinig kong nagmura siya at niyakap akong muli. "Shh... Tahan na."







Mas lalo akong napahagulgol sa dibdib niya.








Gaano na ba katagal simula ng lumayo ako? Bakit hanggang ngayon... Si Lucian parin ang nasa isip ko. Naaalala ko pa rin ang mga sandaling nasa mga bisig niya ko at pinapatahan ako.







Bakit ba puros si Lucian na lang? Bakit lagi na lang siya?








Kaya ko rin natiis lahat ng sakit at hirap sa piling niya ay dahil mahal ko siya. Oo. Mahal na mahal ko siya kaya ako nanatili sa buhay niya. Nanatili ako sa piling niya.






Pero anak ko na ang nakasalalay. Anak ko na ang nakataya kaya umalis ako. Lumayo ako para sa anak ko. I want to protect my baby. Hindi deserving ang Daddy niya sa kanya. No. I won't let Lucian see my baby and hurt him if I did.








Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon