Buti last year pwedeng pumasok sa NorthU tuwing school fair pero bakit ngayon hindi na pwede. Saka bakit kasi hindi pumunta ng booth nila si Duke at dito pa sa NorthU naisiping mag-stay? Tinatakasan nya ba ko?

Napatayo ako nung makitang umalis saglit yung guard. Dali-dali akong pumasok at nakahinga ng maluwag nung nandoon na ako sa loob. Ngayon ay kailangan ko nalang syang hanapin. Sa music room muna ko didiretso.

Dahan-dahan akong sumilip at agad kong naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko ng makita sya doon na mag-isa at tulala. Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at pumasok pero sinigurado kong hindi ako makakagawa ng ingay. Mukha namang hindi nya ako napansin.

Ngumisi ako. Ang gwapo nya talaga kapag tulala, wag nyo lang ipaalala yung pagba-basted nya sa akin. LOL.

“Hi, Duke!!” masaya kong bati at bigla naman syang napatayo sa gulat. Ang sama ng tingin nya sa akin pero ako ito hindi mawala ang ngiti.

Bago pa sya makapagsalita ay hinila ko na sya. “What are you doing, Audrey?” iritableng sabi nya sa akin.

“Running away with you.” matawa-tawa kong tugon sa kanya at mas lalo pa akong natawa nung makita na nag-iba ang timpla ng mukha nya. Try me, Duke. Try me.

Nagulat ako ng hindi sya umimik at nagpadala lang sa akin. Buti iilan na lang ang tao dito sa NorthU dahil halos lahat nandoon sa park kung nasaan yung mga rides at yung iba nasa gym para manood ng sports. Iilan lang din kasi ang booths ng NorthU dahil luging-lugi sila sa Darker.

Nakarating kami ng parking lot at naramdaman ko ang pagbitaw nya sa hawak ko. Arte, kapag sya ang humahawak sa akin hindi naman ako nagrereklamo, kinikilig pa nga ako. Hindi ko nalang yun pinansin at hinanap nalang ang sasakyan nya pero hindi ko naman makita.

“Nasaan yung kotse mo?” tanong ko dahil hindi ko yun makita.

Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga nya bago ako sagutin. “Hindi ako nagdala.” tipid nyang sagot.

Napasapo nalang ako at buti nalang talaga girl scout ako kaya agad ko syang hinila papunta sa sasakyan ni Kuya. Kaso naramdaman ko na naman ang pagbitaw nya sa hawak ko. Napasimangot nalang ako na tiningnan sya.

“I can walk by myself. Hindi mo na ko kailangang hilahin.” masungit na sabi nya at naunang maglakad. Sumunod nalang ako at hinayaan nalang ang kasungitan nya. Naku, parang di na ko nasanay.

Naglakad ako papunta sa sasakyan ni Kuya at napakunot-noo ako nung makitang lumagpas sya dahil sya nga yung nauunang maglakad. Tatakasan nya ba ko? Agad akong tumakbo papunta sa kanya at hinila sya pabalik. Bahala sya kung ayaw nyang hinihila ko sya.

“Dito lang tayo. Lumalagpas ka na eh.” sabi ko at tinuro pa yung itim na sasakyan na nasa tabi namin. Napailing nalang sya at parang hinihintay ang susunod kong gagawin.

“Ang sungit, naku kung hindi lang kita mahal eh.” bulong ko at binuksan ang sasakyan ni Kuya.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon