MTJAB: Chapter 29

Comincia dall'inizio
                                    

"Hindi mo naisip? Pero nagawa mo? Nagawa mo, Liam. Ang bilis mo namang makalimot. Ikaw pa nga ang nagsabi, 'di ba? Maghiwalay na lang tayo? Hindi mo ba natatandaan? At nung sinabi kong wala lang yung kay Ethan, pinaniwalaan mo ba ako? Shit, Liam. Paano ako maniniwala ngayon sa'yo kung maski ako, hindi mo rin mapagkatiwalaan?" Hindi ko kailanman naisip na darating kami sa point na magsusumbatan kaming dalawa. Na darating yung panahon na masasaktan ako nang ganito dahil sa kanya.

"Damn, mahal na mahal kita. Pero bakit ayaw mong maniwala?" Halos ibulong na lang niya 'yon na naging dahilan ng pagtaas ng balahibo ko.

"Mahal kita! Paulit ulit kong sinasabi! Mahal na mahal kita!" Kinagat ko ang ibabang labi ko na naging dahilan para magdugo iyon.

"Olive is just a friend. Fuck. Wala akong ibang matakbuhan sa lintik na sakit na 'to." Tinuro niya ang kaliwang bahagi ng dibdib niya.

"Nagkataon lang na siya yung isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko kaya siya ang kasama ko." Paliwanag niya pero kahit anong gawin niyang paliwanag, nandoon at nandoon yung kirot sa puso ko.

"S-sa kanya nagtitiwala ka pero sa akin hindi? Hindi ba dapat tayong dalawa ang umayos nito dahil tayo ang involved dito? Tayo, Liam! Hindi si Olive o kahit sinong babae! Tayong dalawa!" Sigaw ko sa kanya. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao niya.

"Paano kita magagawang kausapin kung pareho tayong hindi nakikinig sa isa't isa?" Gulong gulo na tanong niya.

"Tama ka naman, eh. Maghiwalay na lang tayo. Kaysa ganito, 'di ba? Isinugal ko lahat para sa'yo, Liam. Maging magulang ko, sinuway ko para sa'yo tapos sasabihin mo sa akin wala lang yung hawak kamay niyo ni Olive? Hindi ako tanga, Liam. Maaaring ikaw nga ang kauna-unahang minahal ko pero hinding hindi ako magpapakatanga para sa'yo." Umiiyak na sabi ko sa kanya. Napaawang ang bibig niya dahil sa mga salitang binitawan ko. Nagwawala ang puso ko dahil alam kong labag na labag sa kalooban ko ang lahat ng sinasabi ko sa kanya. Mahal na mahal ko 'tong taong 'to pero hindi ko hahayaan na siya ang sisira sa pamilyang pinagkaingatan ng mga magulang ko.

"Lian. No." Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sa simpleng haplos pa lang niya, mabilis nabubuhayan ang mga paru-paro sa tiyan ko pero hindi sila masaya. Punong puno sila ng galit at selos.

"Ayoko na." Nabasag ang boses ko sa pagbulong. Ayaw pa rin huminto ng luha ko at alam kong nagiging sentro na naman kami ng atensyon ng mga estudyante. Mas lalo siyang humakbang palapit sa akin at mas lalong nanghina ang tuhod ko nang hapitin niya ako sa baywang ko. Napapikit ako nang halikan niya ang noo ko.

"No... no, baby. I'm so sorry baby. Please, don't do this." Pagmamakaawa niya. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya. Ikinuyom ko ang kamao ko at pilit ko siyang itinutulak palayo sa akin pero bigo ako dahil hinang hina na ang buong sistema ko sa yakap niya.

"Madaya ka. Bakit kapag ikaw pwede! Kapag ako hindi! Bakit kapag ako yung nakikiusap gano'n kadali mong tanggihan?" Humihikbing bulong ko. Pinaghahampas ko ang dibdib niya sa sobrang galit ko sa kanya.

"Liam, dahil sa'yo, mawawala ang Tatay ko. Dahil sa'yong gago ka! Pumayag akong ibigay ko ang lahat sa'yo pero hindi ako papayag na mawala ang isa sa pamilya ko." Humahagulgol na hinaing ko sa kanya. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sobrang sakit. Ginamit ko ang buong lakas ko para lang mailayo siya sa akin dahil alam kong habang yakap niya ako, hindi ko mapipigilan ang sarili ko na bawiin ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Nanigas siya sa kinatatayuan niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Kinakabahan na tanong niya. Ngumiti ako kahit umiiyak.

"Nasa bingit ng kamatayan ang Tatay ko dahil sa'yo. Dahil sa pangingialam mo sa buhay ko." Parang nabasag ko ang buong mundo ni Liam dahil sa kusang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

More Than Just A Bet [Published under Pop Fiction/Summit Media]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora