Chapter 11.2

1 0 0
                                    

Chapter 11.2 : Teennaped

Naiinis ako ! Naiinis ako ! Bakit ba hinayaan ko na mangyari yon ?! Fvck . I didn't even expect that they will attack this early ! This is all my fault !

"Bossing . Kalma lang . Papunta na nga tayo oh . Maliligtas din natin sila ." pagpapakalma sakin ni Zorren . Isa sa mga tauhan namin .

Tinignan ko siya ng masama . "How am i supposed to fvcking calm down if my friends are in fvcking trouble ? Damn creature ." inis kong sabi . Kating kati na talaga akong pagsasapakin ang mga mukha ng kumuha sa dalawa kong kaibigan . Paano nila nalaman kung nasaan sila Ruth at Gian ?

Onti nalang ay malapit na kami sa lugar kung saan sila dinala . Paano ko nalaman ? Sikretong malupit . Medyo malayo mula sa bahay ang pupuntahan namin pero mas napadali iyon dahil sa bilis ng pagpapatakbo namin . Kung tutuusin ay dapat dito na ako didiretso kanina kaso inalala ko ang mga kaibigan ko . Baka habang wala ako ay sila naman ang kunin ng walang hiyang lalaking yon .

Nang makita kong malapit na kami ay agad akong nagsaad ng plano . Sinabihan narin nila ang mga nasa kabilang sasakyan . Sa ngayon ay may dalawang sasakyan ang nakasunod sa amin . Habang nasa byahe ay isinuot ko narin ang hood at mask na teterno sa all black kong suot . Kailangang hindi ako makilala para narin sa kapakanan ng grupo .

Nang makarating na kami ay agad kaming nagparada at bumaba . Tinignan ko ang kabuuhan ng bahay at napangiti na lang ako  .

"You don't mess with the mad hot goddess ."

---- Anna ----

"Ano na kayang nangyari sa kanila ? Hayy ." kinakabahan ako sa nangyayari samin ngayon . Tsk . Hindi na 'to nakakatuwa ah .

"Don't worry Anna , magtiwala lang tayo kay Clar ." ani Joshua . Napatingin naman ako sa kanya , Speaking of .

"Nagtataka lang ako , lima kayong lalake sa grupo na nandito . Bakit hinayaan niyong si Clar lang ang umalis ? Are you all out of your minds ? Hindi niyo man lang naisip na tumulong !" i shouted . I hate the fact na hinayaan lang nila ang lahat kay Clar . Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya at sa mga tauhan niya , but for fvck sake kami yung kaibigan nila ! Mas malapit kami kaysa sa mga tauhan ni Clar !

"What can we do ? Sa tingin mo ba papayag si Clar na sumama kami ? Syempre sa kayabangan ng babaeng yun mas gusto niyang siya lang ang magliligtas kay Ruth at Gian !" inis naring sigaw ni Aldrin . Well , alam ko naman na ganoon ang ugali ni Clar but can't they just atleast ask ? Ugh . Fvckers .

"Oo nga naman , tsaka knowing Clar , baka itali pa tayo nun para lang makasigurado na walang susunod sa kanya . Para namang hindi natin siya kilala ." sabi naman ng kampanteng si Marco . I just rolled my eyes at them . Naiirita talaga ako .

After like two hours of waiting , hindi ko na talaga napigilan . Tumayo na ako sa pagkakaupo at nagpabalik - balik sa harapan nilang lahat . Damn , what are taking them so long ? Bakit ang tagal ? Mas tumatagal ang pagbalik nila mas kinakabahan ako !

After thirty minutes again , we all hurriedly run outside because of the van na dumating . Nang makalabas kami ay nakita namin si Ruth and Gian kasama ang mga tauhan ni Clar .

We all throw ourselves to them at niyakap sila . That was close ! Kinabahan talaga kaming lahat doon . Pumasok muna kaming lahat and we went again to the sala . Nagpakwento kami sa kanila kung anong nangyari . At hindi lang basta kwento ang ginawa nila , may action pa . Kaya kahit nakidnap sila kani - kanina lang ay hindi namin maiwasan ang matawa dahil narin sa pinaggagawa nila .

"Wait . Where's Clar ? Hindi niyo siya kasama nung pumasok kayo ." tanong ni Shannen . Yun nga rin ang ipinagtataka ko . Asan nanaman ang babaeng yon ?

"Hi guys . Miss me ?" ayon ang babaita , pababa palang ng hagdan . Bakit hindi namin nakita na pumasok at umakyat yan ?  Nagpalit lang naman daw pala siya ng damit dahil nadumihan daw siya .

"Tara guys , dito na kayo magdinner . Sulitin niyo na at wag na kayong mahiya alam ko namang wala kayo 'non ." nangiinis niyang asar . Akala mo walang nangyari no ?

---- Clar ----

"So dahil napagod ako kanina , ayoko nang umulit ng isa pang pagliligtas . Dito muna kayo matulog ngayong gabi . Para naman kahit papaano panatag ang loob ko . Malaki ang bahay namin and marami kaming guest room . Hindi ko na sasabihing make yourself at home dahil mukha namang at home na at home kayo lalo na si James . Siya yata ang halos nakaubos ng pagkain kanina ." nagtawanan silang lahat sa sinabi ko . Totoo naman iyon . Kung pwede nga lang ay dito ko na sila patirahin para lang masiguro ko na ligtas sila eh . Itinuro ko na ang mga kwarto nila para makapagpahinga na sila . Pagkatapos naming magkwentuhan saglit ay nagsipuntahan na silang lahat sa kani - kanilang kwarto para matulog na . Nang masiguro kong maayos na ang lahat ay pumasok narin ako sa kwarto ko .

"Now , i have loads of stuffs to do , pero may dumagdag nanaman , welcome to hell , Raymundo . You ain't messin' with the goddess of all ."

---- James ----

"Anong ginagawa mo dito ?" tanong ko sa kanya . Pagkapasok ko ng kwarto ay may tuko agad akong nakita sa loob . Akala ko ba mag - isa lang ako dito ?

"Dito daw ako matutulog sabi ni Boss - este Clar ." Ani Agatha at humiga sa kama . Hayy . Mukhang wala ako magagawa . Naset - up pa ako ni Clar . Magpapakabait na nga ako sa susunod ! Aish .

Malaki nga ang kwarto may kasama naman ako . Akala ko pa naman magiging peaceful na ng tuluyan ang pagtulog ko dahil mag - isa lang ako . Akala ko lang pala . Hayys . Masyado akong napagod sa nangyari ngayong araw na 'to . Masyadong magulo !

Tinignan ko ng masama ngayon ang babaeng humiga sa kama . "Hoy ! Magpalit ka nga muna ng damit ! Galing kang labas tapos hihiga ka dyan ? Aba matinde !" inis kong sabi sa kanya .

Umupo naman siya sa gilid ng kama at ngumiti ng malapad sa akin . "Okay ." sabi niya at hinubad ang damit . Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya . Baliw naba 'tong babaeng 'to ?!

"Anong ginagawa mo ?! Nababaliw kana ba ?!" inis kong sigaw sa kanya at tumalikod . Kahit naman gwapo ako gentleman parin ako !

"Ugh , naghuhubad . Yun sabi mo diba ?"

"Oo sabi ko magpalit ka pero wag sa harap ko ! Ano ka dancer sa club ?" inis kong sabi at dumiretso sa banyo . Ililigo ko nalang ang lahat ng 'to .

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako . Mabuti nalang at nagdala ako ng pamalit dahil kung hindi ay baka marape pa ako ng babaeng 'to . Ibang klase .
Pagkalabas ko ay nakita ko siyang payapang nakahiga sa kama . Hinayaan ko lang siya doon at umupo ako sa dulo ng kama . Bumuntong hininga ako dahil sa halo halong nararamdaman .

Bakit kaya kapag nandito ang babaeng 'to tumitiklop ako ? I mean nawawala yung lagiging joker ko . Aish ! Nakakainis .

Siguro natatabunan ng mga ginagawa niya yung attitude niya . Mukha naman siyang mabait , responsable , maasahan , mukha rin nga siyang mayaman , pero ang nakakainis lang talaga yung pagiging aggresive niya . Ayoko kasi sa lahat ay yung mga babaeng inuunahan ng diskarte kaming mga lalake . Nakakababa ng dignidad mga men ! Kaya nung Foundation Day palang ay naiinis na talaga ako sa kanya .

"Hindi ka pa ba matutulog ?" tanong niya habang nakpikit ang isang mata . Mukhang naalimpungatan pa . Tsk . Humiga na rin ako sa tabi pero naglagay ako ng unan sa pagitan namin . Mahirap na , kahit gwapo ako hindi ako katulad ni Joshua na laging nagtetake advantage .

Hindi pa man ako nakakatulog ng malalim ay may biglang yumakap sa akin mula sa likod . Ipinatong din niya ang kanyang hita sa mga hita ko . Urgh , ang babaeng 'to talaga !

Pilit kong inaalis ang pagkakayakap niya pero mas hinhigpitan lang niya ito . Bakit ganito kalakas ang babaeng 'to ? "Hmm ... Ano ba James ? Pagbigyan mo na ako , yakap lang naman eh ." sabi niya ng may inaantok na boses .

Nang hindi ko talaga matanggal ang mga braso niya ay wala akong nagawa kundi hayaan nalang . Natulala ako ng saglit bago naisipang matulog muli . Okay , ngayon lang 'to .

DREAMTEAMWhere stories live. Discover now