Chapter 10

7 0 0
                                    

Chapter 10 : Ruth and Gian

(warning : sweet scenes ahead)

"kyaaaaaaaaaaaaaah . " oh shit . oh shit . oh shit . Mabilis akong tumakbo mula kusina hanggang sa kwarto ni Ruth . Pagkapasok ay agad kong sinuyod ang buong kwarto kung may kakaiba bang nangyari .

Nakita ko siya sa harap ng salamin , kumunot ang noo ko sa ginagawa niya . "Babe bakit ka tumili ?" nagtatakang tanong ko sa kanya . Humarap naman siya sa akin at itinuro ang mukha niya . Mas lalong nangunot ang noo ko sa ginawa niya .

"Bakit babe anong meron sa mukha mo ?" takhang tanong ko . Lalo lang siyang sumimangot kaya nilapitan ko siya at niyakap sa likod .

"May pimple ako babe ! Pimple ! Ano nang gagawin ko ? Huhuhu" ungot niya . Hindi ko napigilan ang pagtawa ko sa narinig ko .

"Seriously Babe ? Para sa pimple nagkakaganyan ka ? Alam mo . Kahit mapuno pa ng pimple yang mukha mo , mamahalin parin kita ." sabi ko sa kanya . Pinaharap ko siya sa akin at tinitigan ko ang mukha niya . "Ganda mo babe , pakiss ?" sabay nguso ko . Pinalo naman niya ako at mahinang itinulak .

"Tigilan moko Gian . Kalokohan mo nanaman ." asar niyang sabi at nauna nang bumaba . Pero hindi niya maitatago ang kilig niya sa namumula niyang mukha . Hahaha ! Kala niya huh .

Nakita ko ang sarili ko sa salamin kaya't hindi ko maiwasang mapangiti . Ang gwapo ko talaga ! Hindi maipagkakaila na sa aming magkakaibigan , ako ang pinakagwapo . Nahiya naman ako sa mga babaeng nagluksa ng malaman nilang taken na ako . Tsk tsk tsk .

Ilang saglit pa ay sinundan ko na si Ruth sa baba . Nakita ko siyang kinakain ang iniluto kong fried rice at omelet . Naupo naman ako sa tabi niya at nakikain sa plato niya . Ang sweet ko syet !

"Bilisan mong kumain dyan babe . Lalabas tayo . Sa limang araw nating stay dito ngayon lang kita masosolo kaya maglilibot tayo ." malambing na sabi ko habang sinusubuan siya . Tinanguan lang niya ako habang patuloy ang pagnguya . Hahaha ang cute !

"Babe , saan ba magandang magpicnic dito ?" tanong ko sa kaniya habang bitbit ang mga pagkain na dadalhin namin .

Dahil probinsya nila 'to , at first time din ko rin dito ay hindi ko alam ang mga dapat at magandang pasyalan .

"Dun nalang tayo sa may park malapit sa bayan babe . Para mabigyang hustisya yang dala mong tela at pagkain ." sabi niya na ikinatawa ko naman .  Kinurot ko ang ilong niya bago kami umalis para magpunta sa park .

Pagkadating namin ay kaunti palang ang tao na nandoon , may mga nakatambay , nagpa - practice ng sayaw at mga nagdedate katulad namin .

"Babe . Kamusta na kaya ang team doon ? May balita kaba sa kanila ?" sabi ni Ruth habang inaayos ang mga dala ko . Oo nga , naalala ko tuloy ang team namin . Nagbakasyon lang ang mga kumag hindi nagparamdam .

"Ang huli kong balita sa kanila , nagbakasyon din sila dun sa rest house nila Anna sa Batangas . Ang alam ko limang araw lang din daw sila ." sagot ko sa kanya . Nagkibit - balikat lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa .

Tinitigan ko ang babaeng mahal ko habang busy sa pagaayos ng pagkain . Sa isa't kalahating taon ng relasyon namin . Hindi ko kailan man naramdaman na mawawala ang babaeng 'to sa akin . Kahit na nagkaka - away kami , may tampuhan , walang kasawaang habulan at sigawan . Hindi parin umabot sa punto ng paghihiwalay ang relasyon namin . At the end of the day , magkakapatawaran parin kami at tatawanan ang kalokohan na ginawa namin .

Si Ruth , hindi man siya perpektong babae . Alam ko na may mas maganda , mas sexy at kung ano pang mas , hinding hindi ko siya kailan man maipapagpapalit . Kahit topakin , selosa at moody . Haha . Pero kahit ganoon ay napakalambing niya at napakamaasikaso . Sa loob ng isa't kalahating taon ng relasyon namin ay siya ang tumayong girlfriend ko , nanay , bestfriend , guidance counselor , teacher , referee , nurse , manager , at kung ano ano pa . Pinadama niya sa akin ang pagmamahal na hindi kailan man mapapantayan ng kahit sinong babae sa mundo .

"Anong tinitingin - tingin mo dyan ?" tanong niya sakin habang nakataas ang kilay . Natatawa lang akong umiling sa kanya .

"I love you Babe ." sabi ko habang tinititigan siya sa mata .

"Ano nanamang trip mo , ha Gian ?"

"Iloveyou babe . Mahal na mahal kita sagad ."

"I love you more . Tigilan mo na yan . Kung makapagsabi ka parang may mangyayaring masama sa atin ." kumunot ang noo ko sa sinabi niya .

"Saan mo naman napulot iyang sinabi mo , ha babae ? Kahit kailan panira ka ng moment ." inis na sabi ko sa kanya . Akala niya siguro hindi ako kinakabahan sa tuwing naiisip ko na baka may mangayaring masama sa aming dalawa !

"Ang cute mo dyan babe para kang bakla . Pfft . " sabi niya habang tumatawa . Lalo namang napakunot ang noo ko sa sinabi niya . Ha ! Ako ? Ang gwapo ko namang bakla !

" Anong sabi mo ? "

"Hehe . I love you babe . Taa kain na tayo ?" sabi niya habang lumalapit sa akin . Hinalikan niya ako sa pisngi at hinila na ako papalapit sa telang inilatag niya .

Nang makaupo kami ay niyakap ko siya patalikod . Tumagilid naman siya ng kaunti para masubuan niya ako ng maayos . Yan , gustong gusto niya talaga ang ginagawa akong bata . Dinaig niya pa ang nanay ko sa pagaasikaso sa akin eh . Kaya mahal na mahal ko 'to eh .

Hinawakan ko ang mukha niya at hinarap sa akin .

"Babe , lagi mong tatandaan 'to ah . " sabi ko habang tinitignan siya sa mata . Hinalikan ko ang noo niya . "kahit topakin ka ." hinalikan ko naman ang tungki ng ilong niya . " kahit madaldal ka ." hinalikan ko ang magkabila niyang pisngi . " at kahit abnormal ka , mahal na mahal na mahal kita ." akmang hahalikan ko siya sa labi niya ng hinarang niya ang dalawa niyang daliri sa nakanguso ko nang labi .

"Ano ? Pagkatapos mokong lait - laitin hahalikan moko ? Manigas ka dyan ." naniningkit na ang mga mata niya habang sinasabi niya iyan kaya natawa ako . Niyakap ko nalang ulit siya at pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya .

...

"Babe , malayo paba ? Baka pagod kana sabihin mo lang ." ani ko habang naglalakad sa tabi niya .

"Medyo malayo pa babe , pero okay lang yan . Andyan ka naman eh ." sabi niya sabay kindat sa akin . Nasabi ko na ba sa inyong kahit mga lalaki ay kinikilig rin ?

Naisipan kasi naming lakarin nalang pabalik ang bahay nila nang sa ganon ay magkaroon pa kami ng quality time sa isa't isa . Parati nalang kasing nakabantay ang mga pinsan niya sa amin kaya hindi ko mayakap man lang si Ruth sa kanila .

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay nakaramdam ako na parang may nakatingin sa aming dalawa . Inilibot ko ang panginin ko sa kalsada . Bukod sa mga batang naglalaro at mangilan - ngilang dumadaan ay wala namang kakaiba  . Pinilig ko nalang ang isiping iyon at nagpatuloy na sa paglalakad .

---- Someone's POV ----

"Miss ZC , Phonecall" i grabbed the phone irritably and pressed it in loudspeaker .

"Long time no talk , ZC . I have a good news for you !" said by whoever .

"What is it this time , you dirtbag ?"

"Fvck . Watch your words ZC . Baka hindi mo na mai - " oh fvck . Enough with the talk . "Ano nanamang trip mo , ha JP ?!"

"Meet me at the DQ . 20 : 00 pm .you better be ready baby . " oh fvck .

DREAMTEAMOnde histórias criam vida. Descubra agora