Chapter 3

7 0 0
                                    

Chapter 3 : Night out bonding

Nagising lang ako sa pagiisip ng binatukan ako ng isa sa aking butihing mga kaibigan .

"Kingina , Sino gumawa 'non ?" kunot noo kong tanong . mukha naman silang mga tangang nagsiilagan ng tingin .

"di ako yun . Gumagawa ako ng narrative report dito eh ." - Shannen

"di rin ako . busy ako para sa monthsary namin ni gian ." - Ruth

"lalo na ako . wag niyo ko idamay dyan ." - Annalyn

tangging pakamatay ng tatlong babae sa harap ko . sinamaan ko nalang sila ng tingin at lumingon sa katabi kong prenteng nakaupo . sa lahat ng lalaki ay siya lang ang naiwan dito sa table . tsk tsk .

"don't blame me , Clar . i just save you from drooling over me ."

"tigilan moko , Joshua ! Kailangan batukan talaga ?"

"bakit ? magpapakalabit kaba ?" nakangising sabi niya . bakit parang double meaning yung pagkakasabi niya ? manyak talaga ang lalaking ito ! "Ewan ko sayo !"

Nagsidatingan na ang iba pang lalake at kumain na kami .

"Ano bang meron ngayon Clar at nakadress ka ? Aattend ka ng kasal ?" Natatawang usal ni Marco . Bakit ba ? ang ganda ganda ko nga sa suot ko . Mga epal lang kayo .

"mamaya kasi pupunta akong libing . Marco Jimenez pangalan "

"sabi ko nga kakain nalang ako diba ?" sabay subo ng sunod sunod . mabulunan ka sana . tsk .

nagsimula ng kaming kumain lahat ng matiwasay . kanya kanya silang kwentuhan tungkol sa klase namin kanina .

"Naisulat niyo ba yung lecture kanina sa UCSP ? may quiz daw tayo doon bukas ." sabay sabay napaangat ang tingin namin ng magsalita si Aldrin . 

"Wala namang pasok bukas wag kayo mag - alala ." sabi ni Joshua na parang nabasa ang lahat ng nasa isip namin .

Halos sabay sabay kaming napabuntong - hininga . Wala yatang kalendaryo sa bahay ng isang 'to .

Binatukan siya ni Anna . " Yan ! Sa sobrang daming babaeng iniisip pati araw nakakalimutan na . Monday po ngayon baka nakakalimutan mo ?"  napakamot nalang siya sa ulo at bumalik nalamang sa pagkain .

natapos ang break time namin at nagpatuloy ang klase . Kasalukuyang nagdidiscuss ang teacher namin sa EAPP ng may kumatok sa pintuan .

"Ma'am , i'll just announce something ." saad ng SSG President . Pumasok na ito at nakangiting tumayo sa harap .

"Okay guys , 1 week from now , we will be having our Foundation Day / Intramurals . Mas minabuti na lang namin na pagsabayin ang dalawa para hindi na hassle ang sched para sa next sem ." mahabang paliwanag niya . Nakakainis lang kasi nara - rush ang mga students sa mga activities na sinalihan nila .

"Excited na ako para sa mga booths !" bulong ni Shannen sa akin . Napairap nalang ako . Palibhasa'y naalala ko nanaman ang pagiging 'creative' ng mga fellow classmates ko . Hindi ko maimagine na pumayag ang adviser namin sa booth na gagawin namin .

Pagkatapos magpaliwanag ay umalis na sa harapan ang SSG president at nagpatuloy na ang klase .

Isang klase nalang at uwian na . Nagiisip ako ng pwedeng lutuin ngayong araw na ito . Ilang oras pa ay tumunog na ang bell hudyat para magsitayuan kaming lahat .

"So guys , Saan tayo ngayon ?" tanong ni Marco habang nagiinat pa .

"Yo . Sa bahay tayo ngayon . Ayako nang bumalik sa bahay ni Shannen ." naalala ko nanaman ang mga nakakatakot na itsura ng mga manika sa bahay nila . Kinikilabutan nanaman ako !

"Of course , kahit ako na walang phobia sa manika natakot din eh ." nakangiwing sabi ni Anna .

Simula kasi ng magsama sama kami . Nakasanayan na naming magpupunta sa bahay ng bawat isa kapag natripan . at nag - aya si Shannen na sa bahay nila since sabi niya ay gusto rin daw kaming makilala ng magulang niya . Pagkapasok namin sa bahay nila ay bumungad sa amin ang collection ng kapatid niya ng mga gothic lollita dolls na halos ikahimatay ko . Hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako kapag naalala ko ang itsura nila , Nakakatakot !

Pinilig ko nalamang ang ulo at sinimulan ng maglakad papuntang parking lot .

"So magpapadala nalang ako ng van dito para sabay sabay na kayo papunta sa bahay ." saad ko at sumakay na sa motor ko at binuhay ang makina nito .

"Bakit hindi ka nalang sumabay sa amin . Iwan mo nalang ang motor mo dito ." inosenteng sabi ni Aldrin . Hindi pwede ! "Hindi !" sigaw ko . "Hindi ko pwedeng iwan si Shark dito !" madamdaming sabi ko . Alam niya ba ang sinasabi niya ?! What the heck !

Nagpaalam na lang ako sa kanila na mauuna na ako at ipapasundo ko nalang sila .

---------

30 minutes pagkauwi ko ay dumating ang mga kaibigan ko na mga nakagapos at nakapiring . Hahaha ! nakakatuwa silang tignan . Lahat sila ay nagpupumiglas maliban kay Shannen , Annalyn , at Addy . Palibhasa ay sanay na siya sa ganitong approach ko at sila Anna at Shannen naman ay binulungan ko kanina na wag nalang pumalag sa mangyayari .

Pumalakpak ako at sabay sabay kumilos ang mga tauhan namin . Kanya kaniya sila ng tanggal ng gapos sa kamay ng mga kaibigan ko . Nang makawala ay sila na ang nagtanggal ng piring at nakita nila ang dyosang nakaupo ngayon sa kanilang harapan habang may hawak na kopita .

"Anong kalokohan to ?!" - Joshua

"Nasaan kami ?!" - Aldrin

"Ang unfair ! kami nakatali si clar hindi . Binigyan pa siya ng inumin !" - James

"Hi clar !" - Marco

Kanya kanya silang reaksyon ngayon sa aking harapan . Wag nilang sabihing akala talaga nila ay kinidnap sila ?

"Guys , calm the fvckin down . walang kidnaper . walang invader . walang favoritism . andito kayo ngayon sa Mansyon ng mga Ferrer . Pinakidnap ko lamang kayo dahil ang boring kung simpleng pupunta lamang kayo dito . Isn't it fun guys ?" saad ko sa kanila at sumimsim ng red juice sa kopitang hawak ko .

Sabay Sabay lang silang napanganga lahat maliban kay Addy bago kumilos at umupo sa Sofa . Pinapunta ko sila sa theater room namin dahil ang balak naming gawin ay mag movie marathon .

Hinayaan ko lang silang mamili doon ng movie dahil kukunin ko ang cookies at cupcakes na ni - bake ko bago sila dumating . Kasalukuyan ko nalang ngayong hinihintay tumunog ang microwave namin . Makalipas ang ilang minuto ay dinala ko na ito sa kanila .

Naabutan ko naman silang nanonood ng isang romcom movie . ang 50 first dates . Favorite ko yan ! Dinumog naman ang dala ko dahilan para hindi pa lumalapag ang plato sa lamesa ay nangalahati na ang laman nito .

Napuno ang pa letter U naming sofa saming magkakaibigan . Sa dulo ay nakaupo si Ruth na nakayakap sa tutok na tutok na si Gian . Katabi nito ay Si Anna na taimtim ding nanood . Sunod ay si Joshua na kumakain ng popcorn . sinolo na nga niya niya . Katabi naman niya ay si James at si Marco na naiirita na dahil kinululit siya ni James na Subuan ng cookies . Katabi naman nila ay si Aldrin na malapit naring maubos ang cupcake at si Shannen na tahimik ring nanonood . Katabi niya na naman na katabi ko rin ay si Addy na kasalukuyang naghahanap ng panibagong bala dahil patapos na ang pinapanood namin .

Nang natapos ay dalawa pang movie ang pinanood namin bago napagpasyahan na kumain na ng hapunan . Umuwi narin sila di kalaunan . Binaon pa nga ni Joshua ang natitirang cookies samantalang pinagagawan pa ni Aldrin at James ang cupcakes na natira . Sinabihan ko nalang sila na gagawan ko nalang ng panibago na ikinatuwa nila .

"Salamat Clar ! Pero sana sa susunod wala nang pagkidnap na magaganap ." saad ni Ruth . Napangisi na lang ako ng malupit . " Hindi ko maipapangako ."

Pinahatid ko na sila sa driver namin . Pagkaalis ng van ay dumiretso na ako sa kwarto para makapagpahinga . Masyadong mahaba ang araw na ito .

May pasok pa kami bukas . Natulog na ako para makapasok ng maaga bukas at makapagreview .

DREAMTEAMWhere stories live. Discover now