Chapter 4.2

4 0 0
                                    

Chapter 4.2 : Foundation Day/Intramurals

Friday na ngayon at last day na ng Foundation Day / Intrams namin . Dito na magaganap ang battle of the bands , Mr and Ms Intramurals at ang pag - announce ng nanalo sa mga sports at ang may pinakamataas na kita sa booth .

Kasalukuyan kami ngayong naglalakad sa campus ground . Dahil last day na ay susulitin na namin . After kasi nito ay sem break na namin . Kaya sinusulit na namin ang mukha ng bawat isa . Hahaha .

"Dun tayo sa may horror booth , guys !" inosenteng turo ni Shannen . Sunod sunod na iling naman ang iginawad ko sa kanya . Maling mali ang ideya niya . Napatingin naman ako kay Josh na nakangisi ngayon sa akin . Inambahan ko siya ng sapak na agad naman niyang inilagan .

"Wag na , Shane . Dun nalang tayo sa may anime café ." ani Aldrin . Maglalakad na sana kami ng pigilan kami ni Shane . Napakunot naman ang noo ko ng makita ang namumula niyang mga pisngi . Bigla kong naalala na nakita ko sila ni Addy na magkasama doon nung Lunes . Nang tinignan ko rin si Addy ay namumula rin ang buong mukha nito .

"Sa photo booth nalang tayo !" napa - oo nalang ang lahat sa suggestion ni Anna . Para nga naman may remembrance kami ng lahat .

Pagkarating doon ay pumasok na kami . Sa totoo lang ay bawal daw ang masyadong marami pero wala silang nagawa nung ako na ang humarap .

Pumwesto na kami sa harap . Limang shots ang pinili namin para dito . Ang una ay nakangiti kaming lahat . Pangalawa ay wacky , pangatlo ay gumamit kami ng mga stuffs dito na nakalagay , pang - apat ay nakadila lahat at ang pang lima ay naka - fierce kami .

Pagkatapos ay nagsiksikan kaming lahat sa may screen para tignan ang mga mukha namin . Natawa na lamang kami sa mga itsura namin .

"bakit ganon ?" biglaang tanong ni James . "anong bakit ?" sagot ko naman .

"Tignan niyo yung pangalawang picture . Wacky 'to pero bakit parang normal lang ang kay Aldrin ?" agad na umasim ang mukha no Aldrin sa sinabi ni James . Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya . Loko loko talaga .

Nagpagawa kami ng tig - iisang copies para sa lahat .

Pagkatapos ay nagpunta kami sa booth na may buffet ng iba't ibang meryenda . May unli empanada . Unli siomai . Unli fries . Unli siopao at bottomless icedtea .

Pagkatapos kumain ay nagpunta pa kami sa iba't ibang booth na sobrang na - enjoy namin .

Nagpunta kami sa isang booth kung saan kailangan mong sumagot ng mga riddles para manalo . Basic lamang ang mga iyon kay Aldrin kaya nakuha namin ang price na isang coupon para sa isang sikat na restaurant .

Nagpunta rin kami sa isang booth na may nag o - offer ng massage service . Pero napalayas din kami agad dahil sa pagmanyak ni Josh sa isang esrudyanteng masahista at pag - away naman ni Ruth sa masahistang nagmasahe kay Gian .

Isang booth din na parang quiz bee ang tema nila na ipinanalo ko naman at ni Addy .

Isang booth din ang nasira namin dahil sa lakas pumalo ni Shane at ni Anna .

At marami pang booths .

Inenjoy namin ng sobra ang araw na ito . Hindi na namin pinalagpas ang bawat booth na napapasukan namin . At parati kaming napapahamak . Kung hindi may nababastos si Josh . May naiinsulto si James sa mga jokes niyang walang kwenta . Pati narin ang mga jokes ni Marco na kami lang ang nakakaintindi . At ang walang sawang pag - aaway/PDA nila Ruth at Gian .

Di kalaunan ay napagod kami kaya ngayon ay nanonood kami ng battle of the bands . Kasalukuyang tumutugtog ang pangatlong banda ng narinig namin ang paulit - ulit na pagmumura ni James . Nang tinignan ko ang tinititigan niya ay napangisi ako . Ang babaeng agresibo .

"Go Agatha Marquez !" sigaw ko na nakaagaw ng atensyon niya . Siya ang vocalist ng bandang kasalukuyang kumakanta . Kumaway naman ako sa kanya at sinuklian niya ito ng ngiti .

Sinilip ko ang kaibigan ko kung humihinga pa at muntik na akong mapapalakpak ng nakita ko siyang nakanganga sa harap . Napairap nalang ako . Parang tanga .

Nang matapos ang pagtugtog nila ay nakita ko si James na pumunta sa backstage ng tulala parin . Hahaha . I wonder kung ano ang mangyayari sa kaniya .

6 : 30 na nang matapos ang battle of the bands . Sayang nga at nauna palang ginanap ang Mr and Ms Intrams kaya hindi na namin napanood . Ngayon ay ia - announce na ang mga nanalo sa mga sports .

"Our Champion for Basketball is none other than ....... ABM !" sigawan ang mga Abm students sa pagkapanalo nila . Well , kasali lang naman diyan si Josh , James , Gian at Addy .

"and of course , our MVP . Let's give a round of applause to Mr . Joshua Domingo !" nangibabaw ang sigawan at tilian ng mga babae at bakla . Napairap na lang ako . Madadagdaan nanaman malamang ang hangin sa katawan ng isang 'to .

Ni - announce din ang mga nanalo sa iba't ibang larangan ng sports . Abm rin ang nanalo sa volleyball at si Anna ang nag - MVP rito . Nanalo naman ng 2nd place si Aldrin sa Sepak Takraw . Si Marco naman ay nag - Champion sa Chess . At ako ? Kami lang din naman ang champion pagdating sa badminton .

Thirty minutes bago mag akas otso ay lumabas na kami sa hall dahil magkakaroon ng fireworks display eksaktong alas otso ng gabi .

Pagkalabas ay bumili muna kami ng makakain para narin i - celebrate ang mga achievement ng bawat isa sa amin . Nang matapos kami sa pagbili ay punta kami sa school garden . Ang paborito naming tambayan . Naupo kami sa sementong upuan at ipinatong na ang mga pinamili naming pagkain . Saglit kaming nagpaunlak ng dasal para magpasalamat sa blessings na natanggap namin .

Habang kumakain kami ay biglang lumiwanag ang buong paligid . Napuno ng makukulay na fireworks ang kalangitan na nagpadagdag kulay nito .

Sa di kalayuan ay may nakita akong pares ng mga mata na namasid sa amin . Hindi ko makilala ang tao na yun . Nang nahalata niyang tinitignan ko rin siya ay nagmadali itong umalis sa pinagtataguan nito .

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang nakita at ipinagpatuloy na namin ang mini celebration para sa success ng grupo .

Itinaas ni James ang iniinom naming bote ng juice at sumigaw .

"For the success of Dreamteam !" ngumiti naman kami at itinaas din ang mga inumin .

"For the success !!" at sabay sabay kaming uminom . May naisip naman akong kalokohan kaya nilingon ko si James .

"Si Agatha oh !" sabay turo ko sa kawalan . Nabulunan si James sa pag inom at biglang tumayo at nagpunta sa ilalim ng table .

"itago niyo ko ! Itago niyo ko !" paulit ulit na sabi niya . Tawa naman kami ng tawa sa inasta niya . Mukhang natrauma na si James sa pagiging aggresive ni Agatha . Kinwento ko rin kasi sa iba ang nangyari kay Aldrin at James na ikinatawa nila ng bongga .

Nanatili kami doon na nagsasayahan hanggang sa maguwian na at kinailangan na naming maghiwalay sa isa't isa .

Nang makaalis na ang lahat ay napangiti nalang ako . Sana ay ganito nalang kami parati .

Masaya at walang pinoproblema .

DREAMTEAMWhere stories live. Discover now