Chapter 9

13 0 0
                                    

Chapter 9 : Last Day

"Yo . Anong meron ?" sabi ko pagkaupo sa table nila . Oo , sa table talaga . Si Adrian , James , at Joshua lang ang nandito . I don't know kung nasan na ang iba . Malamang naggagala . Last day na kasi namin dito sa Batangas , bukas na bukas din ay aalis na kami . Kakauwi ko lang din galing sa pamimili ng pasalubong . Ginabi pa nga ako , alas sais na ako nakauwi at itong tatlo lang ang naabutan ko dito kasama ang mga bote ng alak .

"Usapang lovelife 'to Clar . Bawal ka dito . Wala ka naman nun ." sinamaan ko ng tingin si James sa sinabi niya . "Maghanap ka ng van na sasakyan pauwi ."

Namutla siya sa sinabi ko kaya nginisian ko siya . Ni - tap naman ni Joshua ang likod niya na ikinairap ko lang . Mga abnormal talaga . Kumuha ako ng isang San Mig Light sa chiller at binuksan ito . Napangiwi ako ng makita ko ang hard drinks na iniinom ng tatlo . Kaya pala mukhang may tama na ang mga baliw . Tsk .

"Sino nang magdadrive sa atin pauwi bukas ?" sabi ko sa kanila pero hindi nila ako pinansin . "Addy ." tinaasan ko siya ng kilay . "Anong trip niyong tatlo ?"

"Eto kasing si Pareng Adrian . Inaatake ng pagkatorpe . Hahahaha . Pfft . Binabahiran mo nang katorpehan ang gwapo nating lahi pre . Tsk tsk hindi pwede yan ." si Joshua na ang sumagot sa tanong ko . Huh ? Torpe ? Kanino ?

"Asan ang gwapo ?" pang - asar ko kay Adrian . Nagbuntong - hininga na lang siya . Uminom muna ako bago ko siya tapikin sa balikat . "Sino ba yang malas na babaeng nagustuhan ng kababata ko ?"

Kinwento sa akin Adrian ang lahat . Mula sa una nilang pagkikita hanggang sa nangyari dun sa kwarto . Hindi ko napigilang batukan siya sa katangahang ginawa niya .

"ikaw pala yung isa't kalahating tanga eh ! Kung hindi mo ba naman kasi binawi yung pag - amin mo . Andun na eh ! Aish !" naiinis kong saad . Nagkibit balikat lang ang dalawa at pinagpatuloy ang pag - inom habang ang kaibigan kong torpe ay nagbuntong - hininga nalang .

"Pero infairness hindi halatang bitter si Shannen dun sa sinabi niya ah ." sabi ni James . Hindi naman namin naiwasang matawa lahat . Nang matapos kaming lahat sa pagtawa ay nagkaroon ng nakakabinging katahimikan . Nagtinginan kaming tatlo at sabay na tumingin kay Addy .

"So what's your plan now ?"

- After 2 hours -

---- James ----

Aba matinde ! Hahahaha . Matinde talaga 'to si pareng Adrian eh . Iba talaga nagagawa kapag inlove , nagiging romantiko ! Pfft . Bwhahahaha .

Kakatapos lang namin ayusin ang kakornihan - este ang surprise ni pareng Adrian para kay Shannen . Mabuti nalang talaga at nandito si Clar para tumulong . Wala akong alam sa surpresa , ang alam ko lang ako ang pinakagwapo sa aming anim . Tch . Kakaiba talaga ang karisma ko sa mga babae , mas mapapel lang talaga si Joshua kaya madalas siya ang may babae .

"Ano James ? Nganganga ka nalang dyan hanggang sa dumating si Shane ?! " Whoa ! Bangis talaga ni Clar kahit kailan ! Hindi nalang ako umangal . Baka kasi magaya pa ako dun sa lalaking sinapak niya nung Pangalawamg linggo ng pasukan . Grabe yung pagdudugo ng ilong nung lalake . Ayokong magaya dun baka masira yung kagwapuhan ko . Tsk tsk . Maraming iiyak pag nagkataon .

"Mga tol kinakabahan ako ." Pfft . Sinulyapan ko si Adrian na mukhang natatae na ngayon ang itsura . Hahaha . "Baka mamaya hindi pumayag si Shane , o kaya hindi magpunta . O baka nama - Ouch !" BWHAHAHA . Ayan , ang ingay kasi eh . Natikman niya tuloy ang bagsik pareng Clar . Oo , pare . Parang lalake kasi 'tong si Clar . Kung hindi ko lang nakikita 'to na nakamake - up iisipin kong tomboy 'to eh . Pero diba may mga tomboy na nagme - makeup din diba ? Ay Yaeh Na !

DREAMTEAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon