Bunos Chapter

2.6K 125 19
                                    

#ILAMMayForever

"Are you okay?"

Bigla lang napukaw ang diwa ko nung magtanong si Bianca.

I nodded. "Yeah I'm just nervous." sagot niya, and she give me a smile.

"Tumakas ka nanaman kagabi." sita niya. "Muntik nang malaman ni Tita Althea. Buti na lang nasa kwarto mo ako that time at nagpanggap ako na ikaw. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot para hindi mahalata."

Natawa naman ako sa sinabi niya. "Thank you."

"Hindi ka makatiis noh? Sobrang mahal mo talaga siya."

"Sobra pa sa sobra."

"Pero paano yan ..." may pag aalangan sa mukha niya. "Paano kung hindi ka mabuhay, after the operation paano siya?" makahulugan niyang tanong. Alam kong concern si Bianca kay Rhian, alam niya kasi kung paano nasaktan si Rhian nung mawala ako.

"Hindi ko din alam. Pero alam mo, gustong gusto kong mabuhay. Gustong gusto ko siyang makasama habang buhay. Pero may mga bagay talaga na hindi natin mapipigilan na mangyari. Kaya gusto kong ibigay mo 'to sa kanya kapag may mangyari hindi maganda." inabot ko iyong sulat na ginawa ko nung unang gabi namin dito sa isla. Isinulat ko iyon ng alas tres ng umaga nung pabalik na ako dito sa cottage namin. "Sana makatulong yang sulat na yan para mabawasan ang sakit, para makayanan niya iyong buhay na wala na ako sa tabi niya." sabi ko gamit ang malungkot na tuno ng boses ko.

"Cyndjie, ano ba. Hindi ka pwedeng mamatay. Bigyan mo naman nang pagkakataong mabuo ang pamilya natin. I mean, gusto ko man lang na magkaroon tayo ng quality time bilang magkakapatid. Wag namang puro si Rhian ang isipin mo, paano naman kaming mga kapatid mo? Di mo man lang ba kami paglalaanan ng panahon?" malungkot niyang tugon. Dahil sa bala sa ulo ko marami tuloy ang nasasaktan. Iisang bala lang siya, pero ang daming tatamaan. Ang dami niyang nasasaktan.

Tumayo ako at yinakap si Bianca, I feel her shoulder shaking. "Ang hirap palang magpaalam kahit ayaw mong mang iwan. Ayokong mangako Bianca, ang gusto ko lang eenjoy na lang natin iyong bawat oras na makakasama niyo pa ako. Let's just deal with destiny." i said rubbing her back. Ayoko kasing paasahin sila that everything gonna be alright.

Pagkatapos maayusan ang lahat, we went to the beach kung saan gaganapin ang kasal namin ni Rhian. I was fidgeting the whole time, while waiting for my soon to be wife. I wanted this to be perfect. I needed this to be perfect.

"Ate, may dugo sa ilong mo."
Puna ni Pristine. Bigla akong napahawak sa ilong ko, in then may nahawakan akong basa. At nung tingnan ko iyong kamay ko, dugo nga. "Ate okay ka lang?" lumapit siya sa akin at inabutan ako ng tissue.

"I'm okay, baka dala lang 'to ng kaba saka init ng panahon." i lied. Alam ko kasing may nangyayaring hindi maganda sa ulo ko.

"Sabagay medyo mainit nga dito. Teka kuha lang ako ng malamig na tubig." mabuti nalang at pumasa kay Pristine iyong dahilan ko. Mas mainam nang wala siyang alam. Mabuti na nga lang at siya lang ang naka pansin. Naghihintay kasi sila Mama sa pagdating nila Mommy Rj at Rhian.

Nung sabihin ni Kath na nandyan na sila Rhian agad akong umayos para hindi nila mapansin na may iba sa akin. Because there is something wrong with my head. Pansin ko na. Nung ibigay ni Pristine iyong tubig uminom ako agad saka ibinigay sa kanya iyong bottled water.

Nang matanaw ko na si Rhian at nagsisimula ng maglakad, don na ako naiyak. This is real, she's going to be my wife. I can't even stop my eyes watering. Yumuyugyog na nga iyong balikat ko sa kakaiyak e. I never cry in public, ngayon lang.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Where stories live. Discover now