C4

2.1K 116 13
                                    

#ILAMMastermind

      "Doc how's my daughter?"

      "Mataas pa rin ang lagnat niya Mr. Galura. Mas mainam siguro na dalhin niyo na siya sa hospital."

      "Dr. Suarez magpadala nalang  kayo ng mga nurse dito, na pwedeng mag asikaso sa anak ko. Her wife is coming siya ang magdedecide kung dadalhin ang asawa niya sa hospital."

      "Kung ganun, magpapadala nalang ako ng nurse dito. Heto nga pala ang mga gamot niya, ipainom niyo nalang 'to kapag nagkamalay na siya."

      "Sue, maiwan na muna kita dito. Ihahatid ko si Dr. Suarez sa labas. And please, wag mo munang dalhin si Sandro dito."

      "Okay Dad."

      Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto hanggang sa magsara ito. Nangangatog ang buong katawan ko dahil sa taas ng lagnat. At halos wala akong lakas para bumangon at tumayo.

      "Ate ... Ate nandito lang ako. Magpagaling ka ha?" sabi ni Sue, habang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

      Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, pero wala talaga akong lakas. Paulit ulit pa rin sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Rhian kahapon. Para siyang sirang plaka. Pareho naming hinayaan ang mga sarili namin na mabasa ng ulan. At sa pagbuhos ng ulan, nakita at naramdaman ko ang sakit sa mga mata niya. Lalo ko lang yata siyang nasaktan. Kahit na, ang gusto niya lang naman ay ang maintindihan ko ang lahat at ipaalala sa akin ang mga nawalang alaala.

.
.
.
.
.
.
.
.

      "Glaiza stop! Glaiza!"

      She called my name, pero hindi ako lumingon nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

       "Cyndjie stop!" malakas at madiin ang pagkakabigkas niya sa pangalan na itinawag niya sa akin. Kaya naman bigla nalang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang. Pain strike on my chest nang liningon ko siya. I don't know why, pero parang nadudurog ang puso ko habang nakikita kong umiiyak siya.

      Walang nagsasalita sa aming dalawa. She just look at me intently. Hanggang sa magsimulang pumatak ang tubig mula sa taas at lumakas ito. Gusto ko nang sumilong pero mukhang wala siyang balak umalis sa kinatatayuan niya.

      "Magpapaulan nalang ba tayo?" i asked. Pero hindi siya sumagot kaya. Kaya naman tinalikuran ko siya at muli akong humakbang. Ayokong makita siyang umiiyak.

      "Iiwan mo ba ako ulit? Hindi mo ba nararamdaman? Akala ko naaalala mo?" dahil sa mga tanong niya, huminto ako. I managed myself to act normal. Gulong gulo ako dahil sa alaalang yon, alaala namin dito.

      "Bakit ka nagpanggap na hindi mo ako kilala?" tanong ko nung humarap ako sa kanya. I see the pain in her face.

      "Akala mo ba madali?" she make a step palapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at hinayaan ko lang siya. Linagay niya yon sa dibdib niya at ramdam ko ang pintig ng puso niya. Pintig na parang hinang hina na. "Sobrang sakit niyan. Basag na basag. Simula nung mamatay ka, para na ring tinakasan ng buhay yan." she said referring to her heart. Di ko magawang tumingin sa kanya ng matagal. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung bakit.

       Mamatay? Anong ibig niyang sabihin? Marami akong gustong itanong pero hindi ko pa kayang magtanong, dahil sa gulong gulo pa ako.

      "Pitong taon, pitong taon inakala kong patay ka na. Pero kanina, halos hindi ako makapaniwalang buhay ka. I'm sorry kung hindi ko nasabi agad, dahil sa sitwasyon mo na hindi mo ko makilala. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang tamang salita na dapat kong sabihin sayo." she said, habang patuloy sa pagtulo ang mga luha niya. Ako naman, hindi ko nagawang alisin ang kamay ko na hanggang ngayon ay naka lagay pa rin sa dibdib niya.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Where stories live. Discover now