C15

1.6K 110 8
                                    

#ILAMBayadSala

      "Ate bakit ang dami ng security natin? Saka bakit kailangan nating lumipat ng bahay ng ganitong oras?"

       Kanina pa ako tinatanong ng dalawang bata. But I don't know what would be the right words to explain what is happening. Mabuti nalang at nalate sila ng uwi at hindi nila naabutan ang mga nangyari sa bahay. Salamat dahil timing iyong field trip nila. Naka tulog na si Cyndjie habang nasa biahe kami papunta sa Natchigo's subdivision. Kung saan kami lilipat, kung saan mas safe kami.

       I'm still worried. Iniisip ko pa rin siya. Sobrang pigil ko sa mga luha ko dahil sabi ni Mama wag kong ipahalata sa mga bata na may nangyayaring hindi maganda. Ayokong matruma ang mga kapatid ko, sa mga nangyayari ngayon. Kaya sobra, sobra ang ginagawa kong pagpipigil. Dahil sa kaloob looban ko para akong sasabog. Hindi ko kaya, kapag na ulit iyong nangyari noon. Wala na akong nagawa noon, kaya hindi ako papayag na walang gawin ngayon.

       "Something happened sa house e. Nagshort circuit yung socket sa kitchen kaya it's not safe for us to stay. They need to check the breaker pa, para hindi magkasunog. And about the security it's normal naman di ba?" palusot ko. She slowly nod her head.

       "Where's Ate Cee nga pala? Bakit di natin siya kasama?" hindi ko na alam kung ano ang isasagot sa kay Elha. My tears are going to explode. Hindi ko na kaya.

       "Elha just take a nap. I know your tired. Gigisingin nalang kita pagdating natin sa  Alabang." i said, while holding my breath. Anumang oras kasi tutulo na ang mga luha ko. Mabuti nalang at sinunod ako ni Elha hindi na ulit siya nangulit pa. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko nung hindi na siya naka tingin sa akin. Para na akong mababaliw. Knowing na nasa peligro ang buhay ng taong mahal na mahal mo.

      Pagdating namin sa Alabang, sa mansion na dating pinagdalahan sa akin noon ni Cyndjie, kung saan naroon si Mr. Hans at ang mga sundalong security. Inasikaso agad kami ng mga katulong doon. Pinaasikaso ko na rin sa katulong ang dalawang bata. Nauna kaming dumating, kasunod si Mama at Mommy kasama sila Sue, Sandy at ang anak niya.

       It's awkward. Ayokong makasama siya, pero kailangan. Dahil kailangan niyang ipaliwanag ang mga nangyayari, at kung ano ang alam niya sa pagdukot ng mga armadong lalaki kay Cyndjie, kung sino sila.

      "Mommy, Ma si Sandy po bakit hindi niyo siya kasunod?" i asked. Sila lang kasi ang dumating na lulan ng prado, wala pa kasi iyong sasakyan ni Sandy.

      "Sinundo niya ang Tita Yeng mo. Susunod din agad sila dito. Shane, Rj magpahinga na kayo kami na ni Mr. Hans ang maghahanap kay Cyndjie." hindi ako sang ayon sa gusto ni Mama. Gusto kong tumulong sa paghahanap. Dahil mababaliw ako kapag wala akong gagawin para iligtas si Cyndjie.

      "Ma naman, ayokong tumunganga nalang at maghintay. Ayoko nang maulit iyong nangyari noon. Ma please naman hayaan niyo akong tumulong." pakiusap ko. Hindi ko rin kasi magagawang matulog at walang gawin.

       "Althea ganun din ako, hayaan mo nang samahan ka namin. Laban 'to ng pamilya dapat magkakasama tayo." buti naman at hindi pumayag si Mommy na walang gawin.

      Napabuntong hininga si Mama. "Kahit magpumilit kayo ni Shane, Rj. Hindi ako papayag na madamay kayo sa problema namin. Nakikiusap ako, ipaubaya niyo nalang sa akin 'to."

       "Althea ano ba kasing nangyayari?" tanong ni 'My. Naguguluhan na rin siguro si 'My sa mga nangyayari. Hindi kasi namin alam kung sino talaga ang tunay na kaaway.

      "Rj, Althea ..." napatingin kami sa gawi nung boses na nagsalita. Its Tita Yeng kasama si Sandy at si Sue na karga si Sandro.

      "Sue ikaw na ang bahala kay Sandro." Bilin ni Sandy na agad namang sinunod ni Sue. Naiwan kaming apat sa may sala. Naghihintay ng paliwanag mula kay Sandy.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Where stories live. Discover now