C5

1.9K 109 36
                                    

#ILAMPagbawi

       "Ma'am ayon po sa nakuha kong impormasyon. Naninirahan si Glaiza Galura sa Korea, nagpunta lang siya dito sa Pilipinas para bisitahin ang Ama at kapatid niya na nagngangalang Oscar Galura at Sue Galura. Ayon po sa napagtanungan ko na isa sa mga kasambahay nila, limang taon nang kasal si Glaiza Galura kay Sandara Rio Park. At may isa silang anak na lalaki si Sandro Galura ...."

      Dalawang araw. Dalawang araw akong naghintay sa resulta ng imbestigasyon iniutos ko. Sa dalawang araw na lumipas, kinimkim ko ang katotohang buhay ang mahal ko. Tanging si Bianca lang ang nakakausap ko patungkol kay Cyndjie. Hindi pa alam nila Mama at Mommy. Pero ang sabi ko naman kay Bestie kapag lumabas ang resulta ng imbestigasyon saka ko lang ipagtatapat kila Mama na buhay si Cyndjie.

      Then now, halos kainin ako ng galit na nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. Pakiramdam ko dinaya ako. Ninakawan. Inagawan. Halo halo ang emosyon dumadaloy sa buong sistema ko. Gusto ko siyang sugurin at saktan. Gusto kong iparamdam sa kanya ang sakit na naramdaman ko nung inakala kong patay na si Cyndjie. Pinaglaruan niya kami. Hindi lang ako kundi pati na rin ang mga magulang ko.

     "Hayop ka!" sigaw ko, habang sinisira lahat ng gamit na makikita ko. Dito ko nalang ibinuhos ang galit ko, dahil baka makapatay ako ng tao pagnagkataon. Sobrang sakit ng nararamdan ko ngayon, God knows!

      "Shane anong nangyayari?"

      "Bestie ..." biglang pumasok sa study room sila Bianca at Mama. Hindi na ako magtataka na agad pumunta dito si Bianca, dahil kanina lang nasabi ko na sa kanya lahat nang nalaman ko.

     Napaupo nalang ako at napasandal sa pader habang hawak hawak ang ulo ko. Hindi ko mapigilan ang pagluha ng aking mga mata. Hindi ko ridm alintana ang mga sugat sa braso ko na natamo ko sa pagtabig ng mga display at vase na nasa paligid ko.

      "Rhi, calm down." Bianca said. At luhod sila ni Mama para makapantay sa akin. Bianca is rubbing my back.

      "Anak may nakaaway ka ba? Anong problema? Lets talk about this. Wag mong daanin sa pagwawala, natatakot ang mga kapatid mo nang marinig nilang nagwawala ka." bakas sa boses ni Mama ang pag-aalala. Hindi alam kung paano sisimulang sabihin ang lahat sa kanila ni Mommy, gayong matalik na kaibigan ni Mama ang Mommy ni Sandy. How do i start?

      "Rhi you should tell the truth. And I'm sure Tita Althea would help you." dahil sa sinabi ni Bianca, inangat ko ang mukha ko para matingnan si Mama. Bakas ang pagtataka sa mukha ni Mama, at hinihintay niya na magsalita ako.

      "Shane what's bothering you anak? Just spell it. Kung ano man yan aayusin natin bilang pamilya." hinawakan ni Mama ang magkabilang pisnge ko at saka pinahid ang luha ko gamit ang thumb niya. Mapait siyang ngumiti sa akin at muling nagsalita. "Anak whatever it is, nandito lang ang Mama." she added. Muli akong umiyak at yumakap sa kanya.

       Pagkalipas ng ilang minuto, nakalma ko na ang sarili ko. Sinabihan ko si Mama na papuntahin si Mommy sa sala para masabi ko ang lahat. Yung mga kapatid ko naman, pinapunta ko muna sa kwarto. Binilin ko sa Yaya nila na wag palalabasin ang dalawa hangga't hindi ko pa sinasabi. Kasalukuyang ginagamot ni Bianca ang mga sugat ko. Hindi ko maramdaman ang hapdi, dahil mas nangingibabaw ang galit at pagkayamot sa puso ko.

      "Gusto mo pag usapan?" tanong ni Bianca, habang nakatingin ako sa kawalan. Habang siya busy sa paglinis ng sugat ko. Muli nanamang tumulo ang mga luha ko.

      "Bakit niya ginawa 'to Bianca? Ibig sabihin pala, sa pitong taon ng buhay ko puro kasinungalingan lang ang lahat? Naniwala ako na wala na siya pero may nagnakaw lang pala sa kanya. Nabuhay si Cyndjie sa kasinungalingan. Binilog ang ulo. At binigyan ng ibang buhay. Bianca, lahat ng pangarap namin ni Cyndjie ninakaw niya!" I said with hates in my voice.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Where stories live. Discover now