C9

1.8K 114 17
                                    

#ILAMPakiUsap

      Ilang araw na ang nakakalipas simula nung umuwi kami ng bahay. Nagrequest ako ng maraming guards para hindi na kami guluhin pa ni Sandy at nang sa ganun  hindi niya mapagtangkaan ang buhay ng mga taong mahalaga sa akin. Gusto kong makasiguro na hindi na mauulit pa ang mga nangyari. I will use my money to protect them. Lalong lalo na si Rhian. Hindi ko pa nadidiscuss kay Mama ang plano kong pagpunta ng London at doon muna pansamantala habang nagpapagaling pa si Rhian. Kailangan ko ring makausap si Mommy Rj para kunin ang approval niya.

      I talked to Rhian about my plan. At pumayag naman siya. She didn't questioned me about my decision kaya hindi na ako nagpaliwanag pa. Ang tanging alam niya lang I just wanted to spend more time with her. Hindi niya alam ang tungkol sa banta ni Sandy. Ayoko nang istressin pa ang lablab ko, kaya ilalayo ko na muna siya sa gulo.

      Kasalukuyan kong kausap ang isa sa mga guards when my phone vibrated. It's Sue. Hawak ko pa rin ang phone niya at hindi ko pa naibabalik sa kanya. Naikwento ko na kay Sue ang lahat ng panloloko ng Ate Sandy niya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula sa akin. Ikweninto niya rin na bigla nalang umalis si Sandy sa bahay kasama ang anak naming si Sandro. Kaya ngayon hindi ko alam kung paano ko mababawi ang anak ko kay Sandy. Sue sent a name of a café. Last night nagsabi siya na makikipagkita siya kasama ang Daddy niya sa akin sa isang cafè. Gustong magpaliwanag ni Mr. Galura sa mga nangyari, sa mga panloloko ni Sandy kaya naman gusto nilang makipag usap sa akin. So I went upstairs para magpaalam kay Rhian.

      "Hey lab?"

      Agad akong lumapit sa kanya at hinalikan siya. Sa bawat araw na kasama ko si Rhian ipinaramdam ko sa kanya ang pagmamahal na hindi niya naramdaman sa nakalipas na pitong taon.

      "Lab alis lang muna ako ha? Nagtext kasi si Sue, pupuntahan ko siya don sa café na tinext niya sa akin. Iwan muna kita dito ah? Wag kang lalabas ng kwarto nang hindi naman kailangan. Promise I'll be back immediately." she just smiled at me.

      "Lab naman wag ka masyadong magworry. I'm safe her. Kung pwede nga lang sasama ako sayo para makapagpasalamat ako kay Sue."

      "Next time lab, iinvite ko siya dito sa house para makabonding na rin natin. Malapit na rin si Sue sa akin, naging kapatid ko siya for seven years. At walang dahilan para magalit ako sa kanya."

      "Kung walang alam si Sue baka may alam ang kinilala mong ama sa mga nangyari. You should ask him. Para magamit natin siyang witness laban kay Sandy."

       Tumango ako sa sinabi niya. I think may alam si Mr. Galura sa nangyari, seven years ago. I should ask him if who's  responsible for the bullet inside my head. Gusto kong malaman kung ano ang totoong nangyari nung gabing yon.

      "Lab I told you not to think about it muna. Saka nalang yan okay?" she nodded and then wrapped her arms around my waist.

       "Okay." then I pulled her close to me and kiss her. After nun nagtake na ako ng shower para puntahan si Sue at ang Daddy niya.

***

      Pagdating ko sa café na itinext ni Sue agad ko silang nakita na nakaupo na kasama ang Daddy Oscar. Sue wave at me nang makita niya ako sa may pintuan. Lumapit ako sa kanila at pansin ko na hindi komportable si Mr. Galura.

      "Ate .." yinakap ako ni Sue nang makalapit ako sa kanila. I give a forced smile to my Fake Dad. Pagkatapos nang yakapan umupo na kami ni Sue, magkaharap kami kaya kitang kita ko ang magiging reaksyon ng mukha ni Mr. Galura sa mga itatanong ko sa kanya.

      "Ate buti naman pumayag ka na makipagkita sa amin. Ate may gusto sabihin si Dad." Sue started at tumingin sa Daddy niya. Napalunok naman si Mr. Galura nang magtama ang mga mata namin. "Dad sabihin mo na lahat kay Ate, para kahit papaano makabawi tayo sa kasalanan natin sa kanya." Sue added.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Where stories live. Discover now