C1

6.9K 150 24
                                    

#ILAMMeetingMrsGalura

      "Shane bakit ngayon ka lang?" tanong ni Mama Althea.

      "I'm sorry Ma. Na delay kasi yung flight ko eh, si Cyndjie?" i asked matapos bumiso kay Mama.

      "Andon sa kwarto niya kasama ang Mommy mo at si Elha, masama pa rin ang loob dahil hindi ka dumating sa party niya."

       "Pupuntahan ko na po. Anyway Ma nagtake na ba kayo ng gamot niyo?" tanong ko bago ako pumunta sa kwarto ni Cyndjie.

      "Yes anak. Sige na puntahan mo na ang kapatid mo. Hanggang ngayon suot niya pa rin ang gown niya at nasa table pa yung cake. Ayaw niyang iblow yung candle at hubarin ang gown hangga't hindi ka niya nakikita." sabi ni Mama. Mukhang nahirapan sila Mama kay Cyndjie sa party sa timano ng mukha ni Mama.

      "Ako na pong bahala Ma." sabi ko bago ako dumiretso papunta sa kwarto ni Cyndjie. Dala dala ang regalo ko sa kanya.

      "Ate Shane bakit ngayon ka lang?" Elha asked pagkalabas na pagkalabas niya ng kwarto ni Cyndjie.

      "Delay fligth ni Ate e, kamusta party ni bunso kanina? Andyan pa ba si Mommy?"

      "Andyan pa si Mommy katabi ni Cyndjie, kanina pa nga umiiyak e hinahanap ka. Paos na nga ako sa kakakanta e, ayaw pa ring tumigil." naka ngusong sumbong ni Elha. Hinaplos ko ang ulo niya para kumalma.

       "You did a great job Ate." sabi ko saka ngumiti.

      "Ate naman ginulo pa ang buhok ko. Sige na Ate matutulog na ako. Saka patulugin mo na rin si Mommy pagod na din yon."

      "Oh sige good nigth na."

      "Good nigth din Ate." sabay lakad.

      "Elha may nakalimutan ka. Good night kiss ko?" lumingon siya at agad lumapit sa akin. Yumuko ako para maabot niya ang pisnge ko. Saka siya humalik. "Ikaw ah? Kinakalimutan mo na." sita ko.

      "Ate naman dalawang beses ka lang kasi umuuwi dito sa bahay. Minsan nga maaga pa sa manok kung umalis ka. Kaya minsan nakakalimutan ko na." paliwanag ni Elha, ramdam ko din na may kunting tampo sa boses ng kapatid ko.

      "I'm sorry Ate, kailangan magwork ni Ate for us. Maiintindihan mo din ako pagtumanda ka na." i said, nagkibit balikat lang ang kapatid ko.

      "Sabi ni Mama family comes first." sagot niya saka pumunta sa kwarto niya. Hindi ko masisisi ang mga kapatid ko kung minsan napapalayo sila sa akin. Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa kwarto ni Cyndjie. She's already 7 years old now. Kaya kinantahan ko siya habang palapit ako sa kama kung saan naka higa sila ni Mommy.

       "Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday Cyndjie."

      Biglang bumangon si Cyndjie mula sa pagkakahiga.

      "Ate!" she said and beamed.

      Lumuhod ako para pumantay sa kanya para mayakap niya ako. Tiningnan naman ako ni Mommy with a smile smile in her face.

       "You still wearing your gown huh?" sabi ko habang mahigpit na naka yakap sa kanya.

      "I told you Ate I'm not going to change my clothes and blow the candle hangga't hindi ka pa dumarating." Cyndjie said, tinupad niya talaga ang sinabi niya. Sininyasahan ko si Mommy na ako na bahala at magpahinga na siya dahil malalim na din ang gabi.

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon