C18

2K 109 11
                                    

#ILAMNalalapitNaPagtatapos

        While on our way home, hindi pa rin nagsisink in sa utak ko na may laman nang buhay sa loob ng tiyan ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na magiging isang ina ka na. Nakakaexcite na may halong kaba, kasi hindi pa ko dumadating sa phase na may mga pagbabago na. Weird din daw ang mga buntis pagdating sa mga pagkain. Nakakaexcite lang kung saan ko ipaglilihi si Baby. Naalala ko tuloy si Kath, nung ipagbuntis niya ang triplets niya. She's so weird and crazy. Ibang level ang kabaliwan niya nung mga panahong buntis siya. Nasusuntok niya nga si Archie kung minsan. How I wish hindi ako ganun. Kawawa si Cyndjie kapag nagkataon.

      Ano ba 'tong mga naiisip ko, nagsisimula na akong maparanoid. Kung sabagay naguumpisa nang maging dalawa ang utak ko dahil kay Baby. Anak wag nating pahirapan ang Momma mo ah? I told my Baby.

       Natigil lang ang utak ko sa pagiisip ng kung anu ano, when my future wife asked me, "Lab may masakit ba sayo? Pansin ko kanina ka pa kasi humihimas sa tiyan mo?"

      Anak ang cute talaga ng Momma mo kapag nagaalala. Kapakanan ko lagi ang iniintindi niya. How I wish, kagaya mo din ang Momma mo paglaki mo.

      I smiled at her. "Wala namang masakit. I just can't believe that I am carrying our first baby."

      She nodded tapos tinitigan niya ako. Iyong tingin na parang may hindi maganda sa akin. "Bakit?" i asked.

      "Lab wag kang magagalit ah." she said na dahilan kung bakit kumunot ang noo ko. "Tumaba ka. Kaya siguro hindi nagkasya iyong mga gown na isinukat mo kanina dahil tumaba ka."

      Nanlaki ang mata ko at gusto ko siyang hampasin. Hindi ko kasi matanggap e. Ang sama din ng ugali ni Cyndjie minsan. Akala ko pa naman sobrang bait niya na pero may taglay din pala na masamang ugali! Hindi niya ba alam na sa lahat ng insulto, iyong sabihan ka ng tumaba ka ang pinakamasakit?!

       "Normal lang naman sa buntis ang medyo tumaba." she added. Hindi ako sumagot. Pwede naman kasing sarilinin niya nalang iyong nakita niya bakit kailangan niya pang sabihin? Inalis ko iyong kamay niya sa pagkakahawak sa akin tapos umurong ako kunti para hindi kami magdikit.

       "Lab sorry." she said tapos tiningnan ko siya.

       "Nakakainis ka kasi. Pwede naman hindi mo nalang sinabi. Nakakainsulto kaya." I said full of sarcasm and glared at her.

       "Lab wag ka ng magalit. Sabi ni Doc bawal ka daw maistress." she said, sounds worried. I looked at her face again. Ang cute niya talaga. Iyon ang bagay na salita para sa kanya. Sa paglipas ng ilang taon, siya pa rin si Cyndjie ko. Ang babae na mayroong interesanteng sapatos at hindi makatingin sa akin ng deritso. She'll always be that girl to me.

       Hindi ko pa rin siya pinansin, kinuha ko nalang iyong phone ko. I was in the middle of typing when Cyndjie spoke.

       "Hindi ka naman totally mataba ... Sort of but you're still beautiful."

        I was close to flipping her but she's too cute! Tigilan niya lang ako sa issue na tumaba ako dahil susuntukin ko talaga siya. My god! Ano ba 'to? May involve nang susuntukin?! Gosh buntis na nga talaga ako. I'm starting to be insensitive.

      So, dahil sa kacutetan niya hindi na ako nag inarte. "Okay you're forgiven. But next time wag mo na sasabihin sa akin iyong panget na nakikita mo. Mahal mo ako di ba?" tumango naman siya. Ano ba yan, kahit tango lang ang cute na. Kaya hindi ko maiwasan na kagatin ang ilong niya.

       "Aray ..." angal niya.

       "Ay sorry lab, your so cute kasi e. Nakakagigil lang." I said, smiling. Namula iyong ilong niya at bakat iyong ngipin ko sa ilong niya. My god! Nagiging brutal na yata ako ngayon. Hindi ko naman ginagawa dati ang pagkagat sa ilong niya. She's so cute lang talaga!

Ikaw Lang Ang Mamahalin ( DKMPart2 ) [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora