Chapter 28: Sim

5K 135 15
                                    

"Alright, since all of you are now acquainted, please don't forget each other. We need to be accountable with one another, okay?" Mich said and made them fall in line.

Sana hindi kami magkatabi, sana hindi kami magkatabi. Panalangin ni Amanda.

It would be torture! Pwede pa naman siguro siyang umatras? Kunwari sumakit ang tiyan niya bigla o kaya himatayin siya ngayon?

"Amanda, let's go?" Tawag ni Mich sa kanya ulit. Nagkatinginan pa sila ulit ni Fred pero nauna na itong pumila sa boarding section.

Sila ni Mich ng nahuli, "Are you okay, Amanda?"

"Oo naman," Bumilis ang takbo ng puso niya. Kung kanina hindi kabado sa pagsakay sa eroplano, ngayon para siyang lalagnatin sa init ng katawan.

"Seat number?" Tanong ng FA nang makapasok sila ng aircraft. "There's C45, thank you for choosing Philippines Airlines."

Nakita naman niya kaagad ang designated seat niya, "There's A46, Sir." Rinig niyang sambit ng FA kay Fred. Nakahinga siya nang maluwag dahil hindi sila magkatabi!

Hay salamat naman. Hindi niya alam anong gagawin kung sakaling magkatabi nga sila.

"Miss, excuse me!" Nagtaas ng kamay ang isang pasahero na nasa likuran niya. Lumapit naman kaagad ang FA rito para i-assist ito, "I was just hoping. Pwede ba akong lumipat sa may aisle seat? I'm pregnant and I tend to use the lavatory often,"

"Let me see what I can do, Ma'am. Maybe, later? If there would be vacant seats since some of our passengers tend to miss the flight. I'll make sure you'll have your aisle seat,"

Sinuot na niya ang earphone dahil panigurado hindi naman kaagad lilipad ang eroplano. She finished three good songs when the flight attendant returned, hindi niya na naintindihan ang pinaguusapan nila hanggang sa tinapik siya ng FA.

"Excuse me, Ma'am. Sorry to bother you," Sambit nito, "But, I've already asked if there's any willing to swap seats with her, no one was responding except you since you're on your earphone." She apologetically explained.

Tinignan niya ang paligid, halos lalaki ang nasa aisle seat. Ang iba nagtutulog tulugan, may iba naman may kasama kaya hindi makalipat.

She can understand the woman. Ganoon din siya noong pinagbubuntis niya si Tutti, ihi siya nang ihi. Kaya naman hindi siya nagatubiling makipagpalit sa upuan nito na... Fudge.

Sa tabi ni Fred!

"Hi," Bati sa kanya ng nasa aisle seat sa lane 46. Ngumiti lang siya doon just a courtesy pero agad naman na tumayo rin si Fred.

"Gusto mo sa window seat?" He offered, "I'll take this middle one."

Window seat? Of course! Makikita niya kaagad ang ulap at ang view mula sa taas pababa!

"Are you sure?"

Tumango ito, "Yes." Pumasok na siya sa loob at naramdaman niya ang kamay ni Fred na tila nakaalalay sa kanya.

"Thank you," She said. Nagpasalamat din naman ang FA at iyong pasahero sa kanya.

Napasandal siya at sinubukang suotin ulit ang earphone hanggang sa naramdaman niyang umandar ang eroplano.

Napahawak sa dibdib si Amanda nang maramdaman ang kakaunting pag-nginig ng eroplano. Sandali, matibay ba ito? Ligtas ba sila?

Jusko, papaano kung mag-crash sila? Papaano na si Tutti? Papaano na ang anak niya! Jusko!

Hindi alam ni Amanda kung saan ikakapit ang kamay. She wanted to hold on with something steady, with something she can feel that she's safe!

Nakapikit ang mga mata niya. Imahe lang ng anak ang nasa isip. Kung sakaling ito na ang huli, gusto lang niyang malaman nito na, "Tutti.. I love you, Tutti... Mahal na mahal kita..." She found something strong to hold on with. She didn't know how tight her grip was, but she was assured that she's safe.

The Man I Chose To Let Go (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon