Epilogue

303 3 0
                                    

EPILOGUE

            Dream vacation. Mukhang naging literal ang translation ko nito sa Tagalog bilang “panaginip na bakasyon.” Lahat pala ng iyon ay mga panaginip ko lang. Pagkababa ko sa bus, sumalubong ang mga magagandang ngiti ng mga kasama ko at nandun na din si Raprap. Napaluha ako bigla at niyakap ko silang lahat.

            “Oh ano’ng nangyari sa iyo?” tanong ni Raprap.

            “Wala. Masaya lang ako.”

            Nagpapasalamat ako at panaginip lang ang lahat ng iyon. Ang haba ng panaginip ko no? Ganun talaga lagi ‘pag nananaginip ako. Pero meron pa ding isang bagay sa panaginip ko na pinagsisisihan ko kung bakit hindi pa naging totoo. ‘Yun ang nararamdaman daw sa akin ni Trish. Sila pa din ang nakita kong magkasama ni Gab. ‘Di bale na. At least hindi totoo ang mga kababalaghang iyon. Iba din ang hitsura ng lugar na ito mula sa panaginip ko. Marami nga daw taniman pero hindi naman exaggerated tulad ng sa dream vacation ko. Siguro nga ay masyado lang malawak ang imagination ko.

            Iisa lang ang natitiyak ko. Malapit lang talaga ang Tuguegarao City sa lugar na ito dahil nasa report ko iyon nung high school na hanggang ngayon ay naaalala ko pa kaya alam ko din ang tungkol sa mga makikita doon.

            Pasensya na sa panaginip ko. Ngayon pa lang talaga magsisimula ang dream vacation namin as in “pangarap na bakasyon” na ngayon ay matutupad na. Sana nga lang ay wala talagang mangyaring masama sa amin.

            Salamat.

            Godspeed.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now