Chapter 6 (part 4)

373 3 1
                                    

Pagpasok namin, sumalubong ang napakasarap na feeling dahil sa aircon.

            “Dito. Sunod kayo sa akin,” sabi ni Raprap.

            Isang amusement center ang una naming tinungo dito. Mga amusement centers din ang hilig naming puntahan sa mga malls sa Pampanga. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit dito kami unang dinala ni Raprap.

            “Wait lang. Magpapapalit lang ako ng mga tokens. Dito lang kayo,” ani Raprap.

            Iba-iba din ang mga gaming stations dito. Pero alam ko na dun kami sa karaoke booth mauuna. Pagbalik ni Raprap, ang dami ng dala n’yang tokens.

            “Guys tara. Dun tayo sa videoke. Dapat magkanta ang lahat. Wala pa naman daw nakareserve kaya pwede na daw tayo dun.”

            Tama ang instinct ko di ba? Tumungo na nga kami dun. Si Theo ang unang kumuha ng songbook para maghanap ng kanta.

            “Heto nakapili na ako,” sabi ni Theo.

            “Sige ano’ng number?” sabi ni Raprap.

            “3125.”

            “3-1-2-5,” sabi ni Raprap sabay pindot sa videoke machine. “Tama ba?”

            “Oo.”

            ‘Hinahanap-hanap Kita’ ang napili pala ni Theo. Lagi na lang n’ya iyang pinipili kapag nasa viedoke kami. Hindi naman namin alam para kanino ang kanta n’yang ‘to.

            Habang kumakanta si Theo. Nakina Jade at Raprap naman ang songbook. Tsaka sila pumili ng mga kakantahin. Isa-isa kaming nagkanta. Nang ako na ang magkakanta, palakpakan sila. Palakpakan dahil mas gusto pa nilang marinig ang palakpak nila kaysa sa boses ko. Ang adik lang no? Pagkatapos namin dun, sa souvenir shop naman kami nagtungo as requested by Jade. Bibilhan n’ya daw ng souvenir ang mga nagpabili sa kanya pati na daw si Sir Dolph na teacher ulit namin last sem at mukhang this coming sem na din.

            “Heto maganda ito oh,” sabi ni Theo habang pinapakita ang t-shirt na may tatak na ‘I love Tuguegarao City’.

            “Patingin,” sabi naman ni Jade.

            Kaming lahat ay mayroon napiling mga souvenirs at binili namin ang mga ‘yon. Pinakamaraming napamili si Jade. Ako, dalawang shirt lang. Wala akong dalang maraming pera eh. Isa pa nagtitipid ako para sa darating na pasko.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now