Chapter 7 (part 4)

372 3 1
                                    

Bumalik na nga kami sa aming sasakyan. For the last time ay nagkuhanan na din kami ng mga photos na pinapa-upload na lang namin kay James. Nagpalit na din kami ng damit dun sa mga CR nila. Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan pabalik ng Cabagan.

            “Nag-enjoy ba kayo guys?” tanong ni Raprap.

            “Sobra,” sabi ni Jade.

            “Sana hindi pa ito ang last time,” sabi naman ni Theo.

            Samantala, habang kami ay nasa biyahe pa, biglang tumirik ang aming sasakyan.

            “Naku naman.”

“Sandali lang. Gagawin ko muna ‘tong sasakyan,” sabi ni James.

“Kaya mo na ba ‘yan? O tatawag ako ng mekaniko?” tanong ni Raprap kay James.

“Kaya ko na ‘to Rap. Baba na muna kayo at kung gusto n’yong maglibot kung may malilibot kayo dito.”

“Sige.”

Bumaba na muna kami ng sasakyan. Naglakad-lakad kami ng konti pero hindi na kami lumayo sa sasakyan namin.

“Maggagabi na din pala,” sabi ni Jade.

“Oo nga eh. ‘Di pa kaya tapos ‘yon?” sabi naman ni Raprap.

“Guys, tingnan n’yo ‘yon,” sabi ni Gab sabay turo sa may mga puno at halaman.

“Ano na naman ba ‘yang nakita mo Gab?” tanong ni Theo.

“Parang may nakita akong tao.”

“Pwede ba, ‘wag ka namang manakot oh,” sabi ni Jade.

“Hindi ako nananakot. Hindi n’yo siguro alam may ESP ako.”

“Ano namang ESP?” tanong ni Jade.

“Extrasensory perception,” ani Gab.

“Yun ba ‘yung parang third eye?” tanong ni Theo.

“Oo ‘yun na nga,” sabi ni Gab.

“Natatakot na ako ah,” sabi ni Jade.

“Sige hayaan n’yo na lang ‘yon,” sabi ni Gab.

Nakita namin si James na kinakawayan kami.

“Tara na,” sabi ni Raprap.

Bumalik na nga kami sa sasakyan. Umaandar na nga ulit ito. Nagbiyahe na ulit kami. Sa kasagsagan ng aming biyahe, bigla na namang napapreno ang aming sasakyan na ikinagulat ulit namin.

“Ano na naman ba ‘yon?” tanong ni Jade.

“May itim na pusang tumawid,” sabi ni Theo.

“Di ba may masamang pangitain ‘pag ganyan?” nanginginig na sabi ni Jade.

“Hindi totoo ‘yan,” sabi ni James.

Pinaandar na ulit n’ya ang sasakyan. Namatay bigla ang headlights ng aming sasakyan.

“Anong nangyari sa headlights?” tanong ni Raprap.

“Bigla na lang namatay,” sabi ni James.

“Ayoko na. Ano ba ang nangyayaring ito sa’tin?” sabi ni Jade.

“Mabuti pa magdasal na lang tayo para sa kaligtasan natin,” sabi ko sa kanila.

Nagpatuloy ang aming biyahe. Malapit na kami sa tinutuluyan namin nang muntikan na lang kaming mabunggo ng malaking truck. Mabuti na lang at nakaiwas kami. Sa wakas, nakarating din kami ng ligtas. Thank Him.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now