Chapter 5 (part 2)

507 6 2
                                    

First day of classes sa school namin nun. Syempre first step ko din sa college kaya excited ako. Ang aga kong dumating sa school. Tiningnan ko sa bulletin board kung ano’ng room kami. Annex room 2. Pagdating ko doon. May mga nauna na pala sa akin. Nag-uusap-usap na ‘yung iba. Naghanap na ako ng puwesto ko. Kumulang sa isang oras bago pa magsimula ang orientation namin kaya siguro kokonti pa lang kami. Habang naghahanap ako ng mauupuan, napansin ko ang isang lalaki na kaklase ko din siguro. Mukhang seryoso. Malayo ang tingin n’ya. S’ya ang una kong nilapitan.

            “Dre, pwede ba akong umupo sa tabi mo?” tanong ko sa kanya.

            Tumingin s’ya sa akin. Nakakatakot ang mga mata n’ya. Para akong lululunin ng buhay.

            “Okay sige,” ang sagot n’ya.

            Umupo na nga ako sa tabi n’ya. Kami pa lang ang nakaupo sa row namin sa harapan. Nais ko sanang itanong ang pangalan n’ya. Eh kaso ewan ko kung bakit hindi ko matanong.  Minasdan ko na lang s’ya hanggang nakita ko sa bag n’ya ang keychain na may nakaukit na pangalan. Gabriel S. Soriano, iyon na nga siguro ang pangalan n’ya.

            “Gabriel?” sabi ko.

            “Ah? Ako ba ang tinatawag mo?” tanong n’ya.

            “Tama ba? Gabriel Soriano ang pangalan mo? Nakita ko lang sa bag mo,” sabi ko ulit.

            “Oo. Pero Gab na lang ang itawag n’yo sa akin,” wika n’ya.

            “Ah sige. Ako naman pala si Mark Kenneth Dizon. Mark na lang for short,” sabi ko sabay abot sa kamay ko para makipagshake hands.

            Kinakabahan ako dahil baka hindi n’ya tanggapin ang pakikipagshake hands ko.

            “Sige nice to meet you,” sabi n’ya sabay shake hands sa akin.

            Salamat naman. Mabait naman pala yata.

            “Sige dre, labas lang muna ako ah,” wika ko sa kanya.

            “Sige,” sabi n’ya.

            Lumabas ako ng room para magmatyag pa sa mga unang sandali ng pagtapak ko sa kolehiyo. May tumigil na magarang kotse sa tapat ng room namin. Sino kaya ‘to? Teacher ba? Laking gulat ko nung bumaba ang isang naka-uniform din. Aba, nakashades pa. Naglakad s’ya papalapit sa akin.

            “ECE ka din ba?” tanong n’ya sa akin.

            “Ah? Oo. Ikaw din?”

            “Oo eh. Ano’ng pangalan mo tol?”

            “Mark Kenneth Dizon.”

            “Mark, ako naman pala si Ralph Lawrence Ramirez. Pero tawagin mo na lang akong Raprap.”

            “Sige, nice to meet you.”

            Nakipagshake hands din s’ya.

            “Saan ka nakaupo ‘tol? Makikitabi na lang ako.”

            “Doon banda sa harapan. Tara sunod ka na lang.”

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanWhere stories live. Discover now