Chapter 10 (part 4)

323 3 2
                                    

“Naniniwala ka na?”

            “Ano naman ang balak n’yong gawin natin ngayon?” tanong ni Raprap.

            “Umalis na tayo habang may oras pa tayo,” sagot ni Gab.

            “Ngayon na?” tanong ni Raprap.

            “Sige ngayon na!” sabi ni Gab.

'           “Tara, sabihan na natin ‘yung iba na aalis na tayo,” sabi ko sa kanila.

            “Sige, pero wag n’yo munang sasabihin sa kanila ang dahilan pwede ba?” wika ni Gab.

            “Sige!”

            Tumungo na kami sa aming silid at laking gulat namin nung nandun si James habang tulog naman ang tatlo pa naming kasama.

            “Oh insan, ano’ng ginagawa mo d’yan?” tanong ni Raprap.

            “Hinahanap kita. Saan ka ba galing?”

            “Sinamahan ko lang itong sina Mark at Gab.”

            “Ah.”

            “Bakit mo naman ako hinahanap?”

            “Wala lang. Gusto ko sanang magpasorry sa inyo dahil napasama ang mood ko kanina.”

            “Naku. Wala iyon,” sagot ko.

            “Oo nga. Okay lang ‘yun,” ani Raprap.

            “Sige aalis na ako. Baka matutulog na kayo, makaistorbo pa ako.”

            “Sige. Good night,” sabi ni Raprap.

            Pagkaalis ni James, ginising namin ang tatlo. Sinabi namin na aalis na kami dahil emergency lang. Nag-ayos na kami ng mga gamit ng mabilisan.

            “Ano’ng emergency ba naman kasi iyan?” tanong ni Jade.

            “Oo nga naman. Gabi na eh,” pagsang-ayon ni Theo.

            “Basta, saka n’yo na malalaman,” sabi ni Raprap.

            “Sino palang magmamaneho?” tanong ko kay Raprap.

            “Teka, tatawagin ko lang si James,” sabi ni Theo.

            “Wag! Tatawagin mo eh s’ya nga ang aswang na tinatakasan natin,” nasabi ko bigla dahil sa kaba ko.

            “Ano?”

            “Oo tama si Mark. Saka na ang mga tanong. Magmadali na tayo. Ako na lang ang magmamaneho,” sabi ni Raprap.

            Nagmadali pa kami lalo. Nagdarasal kami habang nanginginig dahil sa takot at pangamba namin. Lalo na full moon yata ngayon. Sabi nila, mas malalakas daw ang mga aswang ‘pag bilog ang buwan. Papunta kami sa kinaroroonan ng sasakyan ng bigla naming nakasalubong si James.

            “Saan kayo pupunta?” tanong niya.

            Parang iba na ang hitsura niya. Namumula na ang mga mata nito.

            “Ah eh babalik n asana kami ng Pampanga. Emergency kasi eh,” sabi ni Raprap.

            “Ganun ba?” sabi ni James ng biglang nag-iba na ito ng anyo.

Pamilyar. Tulad s’ya nung pinanood naming movie. Lalo kaming nahintakutan at hindi na namin alam ang gagawin namin.

“Tumakbo na kayo,” sabi ni Raprap. “Ako na muna ang bahala dito.”

“Pero Rap,” sabi ni Jade.

“Takbo na!”

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum