Chapter 7 (part 3)

385 3 0
                                    

Nagsimula na kami. Ang lawak ng ilog na ‘to. Ikinampay din namin ang aming mga kamay habang umaandar ang bangka.

            “Ang lamig ng tubig.”

            Napakalinaw din ng tubig dahil tanaw ko na din ang nasa ilalim nito.

            “Kuya nasaan po ‘yung falls?” tanong ko sa bangkero.

            Itinuro n’ya ang isang maliit nga na falls. Palapit kami ng palapit dito.

            “Wag mong sabihing idadaan mo kami d’yan kuya,” sabi ni Jade.

            Idinaan na nga kami sa falls at nabasa kaming lahat.

            “Oh my gosh. Kuya naman eh. Mukhang gusto mo talaga kaming maligo no?” sabi ni Jade.

            Hindi rin sumagot ang bangkero. Pagdating namin dun sa mga batuhan, nun pa lang nagsalita ang bangkero.

            “Maliligo ba kayo?”

            “What do you expect kuya? Binasa mo na nga kami eh. Eh ‘di syempre maliligo.”

            Bumaba kami sa bangka. Naghubad ng pang-itaas sina Raprap, Theo, at James. Eh kami ni Gab? Hindi. Ako ayaw ko kasi baka makita ang tiyan kong malaki. Si Gab? Ewan ko sa kanya.

            “May pamalit ba kayo guys?” tanong ni Raprap.

            “Oo.”

            Boy scouts naman pala kami eh.

            Lumusong na kami sa malinis at malamig na tubig ng ilog. Ang lameeeeeeeeg. Giniginaw ako. Sina Gab at Trish naroon pa sa batuhan.

            “Trish, Gab, hindi ba kayo maliligo? Eh basa na din kayo sama na kayo sa’min,” sabi ni Theo.

            Lumapit din ang dalawa sa amin at nagbabad na sa tubig.

            “Oh Mark, ba’t nanginginig ka?” tanong ni Jade.

            “Eh syempre malamig ang tubig,” sagot ko sa kanya.

            “Mawawala din ‘yan ‘pag nagtagal ka na,” sabi naman sa akin ni James.

            “Hayun na siguro ang bat cave,” sabi ni Gab sabay turo sa bandang itaas.

            Maliit lang ang kuweba na napapalibutan ng maraming halaman. Mula doon naririnig ko na din ang tinig ng mga paniki. Mabuti na lang at nakahiwalay ang kuweba nila sa pinasukan naming kuweba.

            “Oo nga. Bakit wala pang lumalabas sa kanila,” tanong ni Jade.

            “Nocturnal kasi sila,” sagot naman ni Gab.

            “Nocturnal?” tanong ulit ni Jade.

            “Yun ‘yung mga tulog kapag araw at gising kapag gabi,” ako na ang sumagot.

            “Ah iyon pala.”

            Napatingin ako ulit at laking gulat ko nang may nakita akong iba. Hindi mga paniki. May gumagalaw at kumakaluskos sa mga halaman at punong naroon. Mga unggoy.

            “May mga unggoy din pala dito,” sabi ko sa kanila sabay turo sa kinalalagyan ng mga ito.

            Namangha ang lahat sa ganda ng tanawin. Lumangoy-langoy kami sa ilog hanggang sa nagyaya na kaming bumalik na sa sasakyan.

            “Tara na. Baka abutan pa tayo ng pagsasara dito,” sabi ni Raprap.

Dream Vacation: Ang Kwento ng Pag-ibig, Pagkakaibigan, at KababalaghanOù les histoires vivent. Découvrez maintenant