The Gay or The Playboy?

180 0 0
                                    

CHAPTER ONE

"Anong ibig mong sabihing, hindi siya makakapunta? Siya ang nag-set ng date para sa lakad nating ito tapos hindi siya pupunta?" tanong ni Rina kay Baby nang dumating ito sa clubhouse ng subdivision nila at ideklara ang hindi pagsipot ng kaibigan nilang si Ruby. Napagpasyahan nilang magkita-kita ng mga kaibigan doon nang mag-general message si Ruby noong nakaraang araw para mag-set ng gimik nila ng weekend na iyon.  

Sa irita niya ay nagkibit-balikat lang ito bago naupo sa silya sa harapan niya at dinampot ang menu. "Masama raw ang pakiramdam e. Babawi na lang daw siya next time", bale-walang wika nito habang binubuklat ang menu. 

Pumalatak siya. "Masama ba talaga ang pakiramdam niya o iniiyakan na naman niya yung hinayupak na Enric na iyon?" 

Muling nagkibit-balikat ito. "Ano bang masarap dito?" tanong nito habang nagbubuklat pa rin ng menu. "Iyong special ensymada nila o itong mocha roll?" 

"Ube cake", distracted na sagot niya. Pinagtaasan siya nito ng kilay pero binalewala niya lang iyon. "Bakit ba niya pinag-aaksayahan ng panahon ang walang kwentang lalaking iyon?" sa halip ay tanong niya. 

"Bakit naman hindi?" ganting tanong ni Baby. Isinara nito ang tinitignang menu. Lumibot ang tingin nito sa paligid, naghahanap ng waiter. "Mangilan-ngilan na lang ang lahi ni Adan na may natatanging kakisigan. At pagkatapos ko siyang makita noong birthday ni Ruby, I'm convinced, siya ang perfect example ng natatanging kakisigan na sinasabi ko..." 

Napangiti ito nang may mahagip ito ng tingin. "Hmm... Hindi na rin papatalo ang isang iyon", kumento nito, pagkatapos ay kinawayan ang waiter na ehemplo ng natatanging kakisigan. 

Iningusan niya ito at saka hinarap ang nakaligtaang ube cake sa harapan niya. Tahimik lang si Rina nang lapitan ng waiter ang kaibigan. Maarte nitong ibinigay ang order na isang slice ng chocolate cake at Café Americana, nakikipag-flirt sa lalaki. Pinukol niya naman ng masamang tingin ang waiter nang bumaling ito sa kanya na mabilis na lumayo pagkatapos. 

Tinampal siya nito sa kamay. "Ano ka ba? Huwag mo namang takutin!" saway ni Baby sa kanya. 

"Wala akong tiwala sa pag-mumukha niya" 

She snorted. "Wala ka namang tiwala sa lahat ng guwapo eh." wika nito. 

"Talaga! Tignan mo nga kung ano'ng nangyari kay Ruby dahil doon sa sira ulong Enric na iyon? Nakakita lang ng gwapo nagpaloko na." Sinaksak niya ng tinidor ang ube cake sa harapan niya. "Makita ko lang ang lalaking iyon, naku! Lagot siya sa 'kin! 

"Kahit kailan talaga! Makakita lang ng gwapong lalaki iyang si Ruby in love na kaagad! Hindi ba pwedeng crush muna? Hindi eh! Love agad! Kaya iyan, parating broken hearted!" 

Pinagtaasan siya ng kilay ng kaibigan. "Teka nga, bakit ba parang mas galit ka pa doon sa tao kaysa kay Ruby? Parang ikaw ang girlfriend ah!" 

Napahinto siya sa panggugutay sa cake. 

Sumandig naman ito sa mesa sa pagitan nila upang lalong makalapit sa kanya. "Galit ka ba talaga niyan para kay Ruby o naaalala mo lang yung mga ungas mong ex-boyfriends kaya ka nagkakaganyan?" 

Natigilan siya, sumimangot. "H - hindi ah!" mabilis niyang tanggi. 

Nanatili itong nakatingin sa kanya.  

Nag-iwas naman siya ng tingin. 

Bumuntong-hininga ito. Saglit na nginitian ang waiter na naghatid ng order nito bago muling humarap sa kanya. "Rina. It's been years simula nang huli kang magka-boyfriend. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nakamove on?" 

"Baby", panggagaya niya sa paraan nito sa pagsasabi ng pangalan niya. "Nakita mo ba akong nagmumukmok? Hindi naman 'di ba? Nakamove on na ako." 

Sumubo muna ito ng chocolate cake bago nag-salita. "Kung talagang nakamove on ka na, bakit wala ka pa ring boyfriend hanggang ngayon?" hamon nito sa kanya. 

The Gay or The Playboy?Where stories live. Discover now