One

1.3K 44 13
                                    

"Pambihirang mga lalaking 'yon oh, iniwan nilang bukas ang ilaw?"  Napakamot na lang ng ulo si Dylan dahil sa konsumisyon.  Hindi kasi pinatay ng mga kasamahan niyang back-up dancers ang ilaw sa dance studio matapos ang practice.  Pumasok siya uli sa loob para patayin ang ilaw, pero laking gulat niya nang may nakitang siyang tao roon.  "Gabi na, bakit nandito ka pa?" tanong niya habang naglalakad palapit rito.

"Heto, pini-perfect ko pa ng husto ang step," sagot nito.

Napatitig na lang husto si Dylan sa binatang abala sa pag-eensayo ng sayaw.  Napakaseryoso tingnan ng mukha nito, malayong-malayo sa makulit at magaslaw na BTS member na nakikita ng mga fans sa TV at internet.  Tinagurian itong BTS' Best Dancer, walang iba kundi si Jung Hoseok o mas kilala sa stage name na J-Hope.

  Tinagurian itong BTS' Best Dancer, walang iba kundi si Jung Hoseok o mas kilala sa stage name na J-Hope

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Naupo si Dylan sa gilid at tahimik na nanood sa pag-eensayo ni Hoseok.  Hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha sa mga pulidong galaw nito.  Tila ba, ipinanganak ito upang sumayaw. Ang husay!

Matapos ang isang oras ay natapos din si Hoseok.  Grabe ang hingal nito at halos maligo na ng pawis.

"Pasensya ka na ah, ginabi ka na rin tuloy sa kahihintay sa'kin." paghingi nito ng pasensya.

"Ano ka ba, wala 'yon," tugon niya.  Kahit buong magdamag pa, kaya kitang hintayin.  "Tara na, Hoseok, uwi na tayo...  Este ikaw lang pala, kasi wala palang tayo." 

"Hahahaha! Komedyante ka pala, Dylan! Hahahahaha!  Bro, pasensya ka na ha, hindi tayo talo eh.  Pa'no bro, una na 'ko sa'yo ah.  Ingat bro.  Babye bro!"  Matapos tumawa ay umalis na ito, habang si Dylan naman ay naiwang mag-isa sa studio na malalim ang iniisip.

Bakit siya tumawa? Nag-joke ba ako? Parang hindi naman ah. Anyway, basta masaya ang aking Sunshine ay masaya na rin ako.  

Pagkatapos ay tinanggal na niya ang suot na beannie at oversized shirt.  Inilugay ang mahaba niyang buhok at nag-suot ng mas fit na damit kung saan mas mahahalata na ang kaniyang malulusog na dibdib.

"Itong ganda at sexy kong 'to, tatawagin mong bro!" utas ni Dylan habang nakaharap sa salamin at ini-imagine na si Hoseok ang kaniyang kausap.

Sa totoo lang ay matagal na siyang may lihim na pagtingin kay Jung Hoseok ngunit nahihiya siyang umamin rito. Isa pa, ang pagkakaalam nito ay isa siyang lalaki.

Her name is Dylan Park

A BTS ARMY and BTS' back up dancer.

"Babae ako, Jung Hoseok!  Babae ako!" parang tanga na kinakausap pa rin niya ang salamin.  Bumuntong-hininga siya pagkatapos.  

Di bale Jung Hoseok.  Behind the boyish look, I swear...  Someday... You will notice this girl.

Aug 11, 2017

Someday J-HopeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum