Three

692 37 6
                                    

Abala ang BTS team para sa nakatakdang 2016 BTS LIVE The Most Beautiful Moment in Life On Stage: Epilogue Tour.

Hindi basta-basta ang nasabing production sapagkat magaganap iyon sa kauna-unahang pagkakataon sa Olympics Gymnastics Arena na mahigit dalawampung libo ang seating capacity. Another milestone iyon para sa BTS kaya puspusan na sa paghahanda ang lahat.

Tuwing matatapos ang group practice ay nagpapaiwan si Hoseok sa dance studio habang sinasamahan naman ito ni Dylan.

"Dylan, matanong ko nga, bakit lagi ka ring nagpapaiwan dito?  Hindi ka naman nagpa-practice, panay lang ang nood mo diyan."

"Bakit, Hoseok? Naaabala na ba kita? Isang malaking abala ba para sa'yo ang presensya ko? Alam ko namang hindi pwedeng maging tayo eh, pati ba ang panonood sa'yo mula sa malayo ay hindi rin puwede?" Kinikilig si Dylan sa tuwing kinakausap siya ni Hoseok at upang hindi iyon mahalata ay bumabanat na lang siya ng hugot.

"Pffft! Hahahahahahahahahahahaha!" Hindi nito mapigilang matawa dahilan upang mabugahan siya nito ng tubig sa mukha, na tatawagin na lang niyang holly water ni J-Hope.

"Nagtatanong lang naman ako, tapos humugot ka na naman

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Nagtatanong lang naman ako, tapos humugot ka na naman. "'Yong totoo bro, broken hearted ka ba?"

"Sabihin na nating, gano'n na nga," sagot niya habang pinupunasan ng tissue ang nabasang mukha. "Hindi kasi pwedeng maging kami ng taong mahal ko eh. Ang sad 'no?"

"Sorry, bro."

"Wala 'yon, hindi mo naman kasalanan na naging ganito ang kapalaran ko eh," ma-drama niyang hugot.

"I mean, sorry kung nabugahan kita ng tubig. Nakakatawa ka kasi."

"Ah, 'yon ba? Okay lang, Hoseok. Feeling blessed pa nga ako dahil doon eh."

"Hahahahahahaha! Feeling blessed pa! Hahahahaha!"

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? I mean, lahat ng ARMY ay itinuturing na blessing ang masabuyan ng Holly Water lalo na sa mga Cypher performance. 'Di ba niya alam 'yon? Ang labo!

"Tama ka na nga sa katatawa mo diyan. One o'clock na ng madaling araw, uwi na."

"Oo na, uuwi na." Tumayo na ito at nagligpit ng gamit. Palabas na sana silang dalawa ng pinto ng abutan sila ng malas. Pero para kay Dylan ay isang malaking suwerte ang dumating.

"Hoseok, hindi ko mabuksan itong pinto. Sa tingin ko ay nasira ang lock at na-trap tayo dito sa loob."

"Ha?" Sinubukan ni Hoseok na buksan ang pinto pero hindi nito nagawa. "Tawagan mo si Manager para makalabas tayo. Dead-batt na 'ko eh at wala akong dalang charger."

"Sorry pero patay na rin ang phone ko at wala rin akong dalang charger. Ang swerte ko talaga." Totoo ang sinabi ni Dylan, tila nakikisama sa kaniya ang pagkakataon. "I mean, malas pala." Dahil doon ay walang nagawa ang dalawa kundi ang magpalipas ng buong magdamag sa dance studio. Kaming dalawa lang buong gabi. Oh my gosh! Paano kumalma!

"Tsk! Mata-trap din lang, sana ay isang maganda at sexy na babae na lang nakasama ko kaysa sa'yo." Naiiling na saad ni J-Hope na nakataas pa ang kilay. Gayunman ay bakas sa tinig nito ang pagbibiro.

Napataas din ng kilay si Dylan. Oo nga pala, ang alam niya ay pareho kaming lalaki. '

Di bale Jung Hoseok. Behind the boyish look, I swear, Someday... You will notice this girl.

Sept 23, 2017 

Someday J-HopeWhere stories live. Discover now