Seven

536 25 5
                                    

"Hindi 'to pwede eh! Hindi 'to pwede! ANDWAE!" pagmamaktol ni Hoseok sa sarili kuwarto.

"Hindi 'to pwede eh! Hindi 'to pwede! ANDWAE!" pagmamaktol ni Hoseok sa sarili kuwarto

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Hyung bakit?" nag-aalalang tanong ng  roomate niya si Jungkook.

"Bata ka pa Jungkook, you won't understand."

"Grabe ka naman. Porke bata hindi na makakaintindi, tungkol 'yan sa love 'no?"

"Ba't mo alam?"

"Wild guess," tipid nitong sagot.  "So, sino ang mapalad na babae? Kilala ko ba?"

"Sana nga babae eh. Ang mahirap kasi, isa siyang lalaki."

"Ano Hyung? May gusto ka sa lalaki?  Bakla ka?"

"ANDWAE!" protesta niya.  Sa kabilang banda ay napapaisip siya.  Pero, ano nga bang ibig sabihin ng nararamdaman kong ito para kay Dylan. Bromance?

Ganito kasi 'yon, nasasaktan si Hoseok sa ginagawang pag-iwas sa kaniya ni Dylan.  Sa tuwing masaya ito na  nakikipagkuwentuhan kay Mark na isa ring back-up dancer ay tila kinukurot sa sakit ang puso niya.

Isa lang ang paliwanag ko sa lahat ng ito, This guy's in love with him pare!

"Tsk! Tsk! Tsk!" si Jungkook, habang napapailing.  "Hyung, hindi naman ako 'yan, tama?"

"Hinde 'no."

"Eh sino? Si Yoongi Hyung? SOPE?"

"Ano ka ba, hindi rin!"

"Eh sino nga?" pangungulit pa nito pero hindi siya nagsalita. "Okay fine. Kung ayaw mong sabihin, eh di huwag. Basta kahit anong mangyari, Hyung support kita."

- - -

Isang araw ay bigla na lang nawala ang pangamba ni Hoseok.  Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib.

"Dylan?" tawag niya kay Dylan sa kalagitnaan ng practice.

"Bakit?"

"Babae ka?" tanong niya dahil nakitaan  niya ito ng tagos sa pantalon.  "Naglihim ka sa'min! Babae ka pala!"  Lumundag sa saya ang puso niya ngunit pinilit niyang kumalma sa pamamagitan ng isang ma-dramang hugot.   "Hindi mo ba alam kung gaano mo ginulo ang utak at pagkatao ko dahil sa ginawa mo?! Halos mabaliw ako alam mo ba 'yon?"

"Hahahahahahahahaha!" ngunito tumawa lang ito sa hugot na na para bang isa 'yong mabentang joke.  "Ayos sa hugot, bro ah! Nakakatawa ka, bro! Hahahahahaha!"

"Dylan Park!" Bigla na lang ay nangibabaw ang tinig ni Bang Shi Hyuk ang CEO nila na kanina pa nanonood ng practice.

"Ano po 'yon, Bang PD-nim?" ani Dylan na natigil na sa pagtawa.

"You're fired!"

Sept 24, 2017

Someday J-HopeWhere stories live. Discover now