Fight XIX. "Shot Through The Heart"

Start from the beginning
                                    

                                                                           #

Pagdating sa may parking lot, dire-diretso lang ako ng lakad papunta sa kotse.

"Sandro! Sandro sandali naman, ba't ba parang nagmamadali ka?"narinig ko na lang na sinasabi iyon ni Luis.

Hindi ako sumagot, at diretso pa rin ako sa paglalakad; huminto lang ako, nang makarating ako sa tapat ng pinto ng driver's seat ng kotse. Siya naman, dumiretso sa pinto ng passenger's seat.

"M-May problema ba?"usisa niya.

"Sumakay ka na lang ng kotse."

"Pero—"

"Ang sabi ko sumakay ka na!"

Hindi ko na napigilan na pagtaasan siya ng boses; bagay na halatang ikinabigla niya.

Sumakay na ko ng kotse. Syempre, no choice na rin siya kung di ang sumunod na lang sa akin.

Sa tindi ng panggigigil na nararamdaman ko, naibunton ko 'to sa pagmamaneho ko. Naging pwersado at madiin iyong pagtapak ko sa gasolina, at naging mabilis din iyong pagpapatakbo ko.

Sa lahat ng pinakaayaw ko, iyong nagsisinungaling at nagsisikreto sa akin; lalo na kung isang taong pinagpapahalagahan ko iyong gagawa nun! Kaya masakit para sa akin, na malamang niloloko ko ni Luis! Kahit pa sabihin na tinulungan at iniligtas niya kami nang ilang beses.

"S-Sandro anong bang nangyayari sa iyo? Baka madisgrasya tayo niyan sa ginagawa mo!"

"Hmph! So what? Mamamatay na rin naman na ko di ba?"

Napatingin ako sa kanya.

"Kaya wala na kong pake, kung may mangyari man sa atin!"

Ipinagpatuloy ko lang iyong pagpapatakbo nang mabilis, hanggang sa napadpad kami sa isang lugar na may pagkaliblib; isang lugar na mga damuhan at kalsada lang ang nakikita. Just exactly the place, para makapag-usap kami nang walang distorbo.

Dun ko na itinabi ko na iyong kotse. Dali-dali akong bumaba, at lumakad palayo; syempre, sinundan niya ko.

"Sandro! Ano bang problema mo! Hindi ka naman ganyan kanina ah."

Huminto ako, nilingon ko siya, at tinitigan nang masama.

"Ikaw! Ikaw ang problema!"bulalas ko, with matching pagduro sa kanya.

"H-Huh? A-Ano ba iyang pinagsasabi mo?"

"Alam ko na kung sino ka! Luis Oliveros, the genius match crossbow champion, 8 years ago."

Natigilan siya, at biglang namutla.

"Ano, bakit hindi ka makakibo? Bakit hindi mo sabihin sa akin iyong totoo, na ikaw iyong taong umaatake at tumutulong sa amin!"

Wala pa rin siyang sagot; nakatitig lang siya sa akin, habang iyong mata niya parang naluluha na. Dun na ko mas lalong napikon, kaya hinila ko na siya sa damit niya!

"Magsalita ka!"

At di ko na rin napigilan iyong sarili ko, naging emotional na rin ako.

"Luis pinagkatiwalaan kita! Ipinaglaban, at ipinagtanggol kita sa kanila! Dahil naniwala ako sa iyo, dahil naramdaman ko na mabuti kang tao; tapos ngayon ganito? Malalaman ko na niloloko mo ko, na niloloko mo kaming lahat!"mangiyak-ngiyak ko nang bulalas.

"S-Sandro, p-patawarin mo ko—"

"Hindi ko kailangan ng paghingi mo ng tawad! Ang kailangan ko, iyong buong katotohanan! Sabihin mo sa akin Luis, bakit kailangan na paikutin mo kaming lahat! A-Ano ka ba talaga? Kakampi, o kaaway?"

Shut Up Ka Na Lang (Boyxboy)Where stories live. Discover now