“Naman oh, ang lamig tapos may free ligo pa sana sinamahan na rin ng shampoo at sabon.” Inis na sabi niya sa sarili wala kasi siyang payong dahil hindi naman siya mahilig magdala ng bagay na iyon. Cellphone nga ay hindi niya mabitbit payong pa kaya, ano ba ang gamit ng cellphone sa kanya? Orasan lang niya iyon ayaw kasi niyang nagsusuot siya ng relo kasi mabilis siyang magkaallergy.

           Humugot siya ng isang malalim na hininga at pikit matang susuungin ang malakas na buhos ng ulan ng biglang may humawak sa kanya.

           “Ooopps-ooppps saan ka pupunta?” kunot-noong binalingan niya ang nagsalita at muli na namang naningkit ang kanyang mga mata ng makilala ang pangahas na humawak sa kanya. Mabilis niyang nabawi ang kanyang kamay mula kay Avery because the facts that he can still give her that electrifying feeling is dangerous for her health.

           “Ano ba? Pwede ba huwag na huwag mong mahawakan ni dulo ng daliri ko.” Galit na sambit niya.

           Nagtaas ito ng mga palad iyon bang parang susuko lang. “Here.” May ibinigay ito sa kanyang bagay, tiningnan niya iyon at napataas ang kilay. That’s an umbrella.

           “Anong gagawin ko sa bagay na iyan?” nakatikwas ang kilay na tanong niya.

           “Jeez, payong ito pwede mong gamitin at ng hindi ka mabasa ng ulan.” He smiled ang sarap tuloy ihambalos ng payong sa mukha nito. Nang-aasar ba talaga ito dahil siya ay naaasar na rin talaga sa pagmumukha nito.

           “Nang-aasar ka ba?”

           “Bakit ba kapag nakikita mo ako lagi ka nalang nakabusangot hindi pwede iyan kapag nurse ka kailangan naka-smile ka.”

           “Wala sa job description ng trabaho ko ang maging sira ulo.” Kagaya mo! “I don’t need your umbrella I have mine.” Of course she lied.

           “Nasaan na ang payong mo?”

           “Bakit kailangan mong malaman? Nasa bahay ko ano palag ka?”

To Love AgainWhere stories live. Discover now