Chapter 1

70.1K 1.5K 17
                                    

CHAPTER 1

7 years passed....

"Nurse keesha, sumabay ka na sa amin." Yaya ng mga kasama niyang nurse ng mapadaan siya sa nurse station tiningnan niya muna ang mga ito with hopes visible on their faces. Agad siyang umiling at kinuha ang mga naiwang gamit.

"Hindi na salamat nalang." Sagot niya at diretso na siyang umalis pa. Wala naman kasi siyang hilig na umalis at mag-enjoy besides sanay na ang mga ito na tumanggi siya sa mga pagyaya ng mga ito.

She is known as the cold as ice nurse. Siya ang pambala sa mga pasyenteng matigas ang ulo and so far wala namang ginawa ang mga ito upang magalit siya. Hindi man siya sumasama sa mga ito pero hindi naman ibig sabihin niyon ay hindi na niya ito kinakausap. They are not friends but she treated them as a good colleague.

"Sayang naman hindi mo makakasama si doc gwapo." Pahabol pa ni Roma.

"Sino iyon?" takang tanong niya, alam kasi niya wala namang bagong doctor na nahire ang hospital na pinapasukan niya. Right after she dropped out from the Medical school ay nagreview siya for the nurse board exam. Nursing ang preparatory niya kaya hindi naging mahirap sa kanya ang makapasa lalo pa at hindi naman siya naging stagnant. Madali lang din siyang nakapagtrabaho dahil ang tatay ni Guille ang isa sa mga shareholders ng hospital at yes ito din ang napangasawa ng kakambal niyang si Seere.

"Iyong bagong doctor na pinayrate ng may-ari dito, he is a brain surgeon kaya no wonder very indemand siya at hindi lang iyon gwapo daw sabi ng isang nurse dito na doon pumasok sa dating hospital na pinagtatrabahuan ni Doc gwapo." Paliwanag naman ni kriss. "Single daw iyon.” Kriss even giggled na tila kinikilig parang katulad pa lang siya ng dati. Iyong hopeless romantic na teenager na gagawin ang lahat para sa lalaking mahal.

But everything is changed...

Narandaman niyang may umakbay sa kanya paglingon niya ay si Guile iyon, asawa ng kakambal niya. Ito din ang unang taong nagalit ng magdrop out siya pero ito din ang unang tao na naintindihan ang kanyang desisyon.

"Sorry girls pero nanakawin ko muuna ang sis in law ko kasi magagalit si misis kapag hindi siya sumipot sa family dinner."

"Sayang naman at hindi ka makakasama pero don’t worry magkukrus din ang landas niyo ni Doc Avery.”

Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang pangalan na hindi na dapat narinig.

"Sino?" Tanong niya.

"Ako na ang magsasabi sa kanya. Let's go sis." Hila ni guile sa kanya na para bang pinipigilan na malaman siya. Pagdating nila sa labas ng hospital ay napahinto siya, at napatingin sa kaibigan.

"Bumalik na pala siya?" she asked trying to hide the sarcasms from her voice.

"Ahm, sort of." Sagot nito sa tanong niya.

Damn! Namuo na naman ang galit niya sa kanyang dibdib. Oo nga at natanggap na niya na hiwalay na sila it has been how many years? Seven? At saka twenty eight na siya she is matured enough para pagtuunan ng pansin ang lalaking iyon. He is already a part of her past and nothing else.

Kinalimutan na niya ang lahat di ba? Pati nga ang puso niya ay kinalimutan na rin niyang patibukin para sa ibang lalaki at sa ibang tao maliban sa pamilya niya.

"Okay, iyon lang naman ang gusto kong malaman." Sambit niya napansin niyang napatitig ito sa kanya.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay, "Bakit naman hindi? Im fine and I am good. Past is past so why the hassle."

"You mean wala ka ng feelings sa kanya?" paniniguro ni Guille.

"Feelings? Lahat naman ng magagandang feelings ay napapalitan ng galit. At ang tanging nararamdaman ko sa mga tulad niya ay galit. Dont worry, I won’t jeopardize work. Hindi ko nalang siya papansinin kapag nagkasalubong kami sa hallway. At saka mabuti pa ay umalis na tayo dahil magagalit na naman si Seere. Baka idemanda ako noon abogada pa naman iyon."

Narinig niyang tumawa si guile. Alam niya ang story ng love story ng dalawa. Kaya nga masaya siya sa ganda ng love story nila. At nagkaroom agad ang dalawa ng tatlong supling... ang panganay na si Chance at ang kambal na sina Tori and Roni na ang cucute na mga anghel.

"Sabi mo pa. Shall I drive?"

Umiling siya, "No, I will bring my own car." Ipinakita na niya dito ang susi ng kotse niya. He just gave her a nod and then she walk towards her car. May nakabangga pa nga siya pero hindi na niya inabala kung sino iyon.

Binuksan niya ang kotse at tiningnan ang daan. Nang sa tingin niya ay pwede ng magdrive dahil clear na ang way ay saka niya inayos ang pagdadrive.

Habang nasa daan ay napa-isip siya. Bumalik si avery sa buhay niya, bigla tuloy siyang natawa sa iniisip niya. Malay naman nito kung nandoon din siya, he might be her ex-boyfriend but they aren’t in a relationship for a long period of time. Wala na siyang pakialam dito ngayon dahil kung siya ay nagawang kalimutan ang isang iyon for sure nakalimutan na rin siya nito.  Which is better... dahil wala siyang balak na kausapin ito the moment she saw him kissing a woman in the parking lot kasabay niyon ay ang pagsarado niya sa unang kabanata ng buhay niya.

To Love AgainWhere stories live. Discover now