" And lastly hindi ito nabibili...oh yun lang, siguro naman sapat na yun para mahulaan niyo ang sagot" sabi nito na may nakakalokong ngiti

" hindi nabibili??...so.. Ano yun inuutang??"sagot ni Cyndy

"hahahaha...hindi myloves..."namula naman si Cyndy

Tsk! Ibang klase din tong dumiskarte may pa myloves myloves pang nalalaman

"So ano mga detective alam niyo na ang sagot?"

"Spill it." Maikling tugon ni Aze

"Ano ba yan di marunong mag effort ..." Sabi niya

"Sabihin mo na, wala kaming ideya" sabi ko

"Sige na nga! Baka pumuti nalang ang buhok ko wala pa akong matatanggap na sagot mula sa inyo!..." Sabi ni Montejo

" tayo ang may gawa nito kasi satin mismo ito nagmumula, at nakakasama ito dahil sa amoy nito..."

"Ay Oo nga ayaw na ayaw ko ang amoy ng gas" singit ni Cyndy

"Oo masama ang amoy nito minsan amoy mani,minsan naman amoy bulok na pagkain pero kadalasan amoy ewan .....at ang gas na ito ay ang tinatawag nilang farteleum gas..."

"Farteleum gas??" Ulit ko sa sinabi niya at tumango naman siya sabay ngiti

"O mas kilala bilang UTOT!!....HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" Halakhak niya at sinabayan naman siya ni Cyndy

See?? Kaya ayaw kong sumagot sa mga Tanong niya kasi alam ko na isa lang to sa mga kalokohan niya

"Gross!!" Yun lang ang sinabi ni Aze

Napatigil lang sila sa pagtawa nang may dumating na katulong nila Cyndy

"Ma'am Sinde...nandeto na po se ma'am Ren, may kasama den po syang poge" singit ng isa sa mga katulong nila, napakunot namin ang noo ni Cyndy sa sinabi ng katulong nila

"Ate Karing siguraduhin mo lang na gwapo talaga ang kasama mi Ryn kundi makukurot kita sa singit" sabi niya sa katulong nila

"Ay, ma'am wala po akong senabeng gwapo sabe ko poge" sagot nito
"Eh bakit synonym lang naman yun ah??"

"Hende ko alam ma'am de ko po natanong ang pangalan niya se ma'am Ren nalang po tanungen nyo" kaya napakunot ang noo ni Cyndy

"WHAT?? di kita maintindihan ate"

" deba ma'am sabe mo seno name nun? De ko po talaga alam seno yun ma'am " sagot naman ng katulong nila napatampal naman ng noo si Cyndy at napatawa naman si Montejo

"Siya sige papuntahin mo na sila dito...nakakastress ka ate" utos niya dito at sumunod naman agad

"Hello mga madlang dudez!!" Hiyaw ni Ash nang makita niya kami nakasunod naman sa likod niya si Ryn na may lollipop ang bibig habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng hoody jacket nito at may headphone din sa ulo niya

"O...bes, ano yang suot mo!??" Tanong ni Cyndy nang makalapit si Ryn

" Di ko alam bes na na bobo ka na pala ngayon at di mo na alam ang tawag sa suot ko ...obvious naman diba na damit to!?"

"No bes, I mean diba sabi ko pool party to bakit nakapajama ka??"

"Bes ang tawag dito ay creativity!!! Make an ordinary things to be extraordinary! Di ibig sabihin na pool party to ay magbibikini na tayo, lagyan natin ng twist mag pajama tayo sa pool party!! Diba ang saya nun!!" Sabi nito 'tsk! Ibang klase talaga mag-isip!!'

" wow!! Ang talino mo bes!! Sige magpapajama din ako at tamang-tama may extra pa kong 5 pink pajama sa room ko siguro naman kasya sa inyo yun boys no??" Sabi nito na naging dahilan ng isang mahabang katahimikan

The HackerWhere stories live. Discover now