"wahahahahaha!!! Nagbibiro kaba Hanz!? Anong akala mo sa mga kasama ko dito!??Multo!??hahahahahaha!!" sabi niya at nagpatuloy lang sa pagtawa 'tsk!! Magbestfriend talaga sila ni Ryn pareho silang may sayad!!

"ahhh... I mean yung parents mo wala ba sila dito??" tanong ko nalang ulit kasi mukhang di uso sa kanila ni Ryn ang common sense !!hahahaha!!

"Naku takot kana agad sa parents ko!!?? Hahaha...don't worry wala sila dito!! Palagi naman silang wala eh!!" mahinang sabi niya sa huling mga salitang binitiwan niya at nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero agad ding ngumiti.

"halika na!! nag-eenjoy na yung dalawa dun oh!" at tsaka siya nagpatuloy sa paglalakad sinundan ko nalang siya ulit pero nakonsensya naman ako kasi mukhang sensitive na topic yun para sa kanya, mukhang malayo ang loob niya sa parents niya dahil siguro sa sobrang pagkabusy sa trabaho.

Narealize kong napakaswerte ko sa pamilya ko kasi lagi silang may oras para sakin kahit minsan di namin nakakasama si daddy pag may business trip siya di naman niya nakakalimutan na kamustahin kami ni mommy palagi siyang may time para sa amin. Sa totoo lang perpekto na sana ang pamilya namin kung kasama lang namin ang kakambal ko.

"HAHAHAHAHA!!!" pagkapasok namin sa pool malutong na tawa ni Montejo ang narinig ko hmm...mukha ngang nagkakatuwaan sila ah...pero parang may mali eh!!

Nang makalapit kami ...ayun!!! Nakita ko na !! si Montejo lang ang tumawa habang si Aze halata sa mukha niya ang pagkairita parang ilang segundo nalang ay sasabog na!!! narealize ko kasi kanina na di pala mahilig makipagtuwaan tong si Aze...isa siyang dakilang killjoy!! Di marunong ngumiti na para bang ikakalugi niya kapag ngumiti siya kaya imposibleng tumawa yun!!! Hahaha!!!

" hey guys!!" tawag pansin ni Cyndy sa dalawa

"Yow!! Nandito ka na pala detective Hanz, mabuti nalang dumating ka mapapanisan ako ng laway dito kay detective Aze eh... Sobrang tahimik!!!" Himutok ni Montejo

Napailing nalang ako sa pagtawag nito samin ni Aze kahit ilang beses ko na siyang sinabihan na itigil na ang katatawag samin ng detective eh..ayaw parin magpaawat kaya hinayaan ko nalang... bahala sa buhay niya!!

"Ba't parang nagkakatuwaan ata kayong dalawa?" Tanong ni Cyndy

"Wala naman pinag-uusapan lang namin ni detective Aze tungkol sa presyo ng gas ngayon, eh natatawa lang ako sa sagot niya sa tanong ko kasi mukhang di niya talagang alam ang tamang sagot...ikaw detective Hanz alam mo ba kung ako ang pinakamurang gas ngayon??" Tanong nito

"Tsk!!" Si Aze yun, mukhang alam niya na isa na naman tong kalokohan

"Ewan, wala pa naman akong kotse kaya wala pakong alam sa mga presyo ng gasolina ngayon" sagot ko

"Ano ba naman yan!! Anong klaseng mamamayan kayo!! Wala ba kayong kaalam-alam sa sa estado ng ekonomiya ngayon ha?! At anong kotseng pinagsasabi mo!! eh hindi naman kailangan ng kotse para malaman ang presyo ng gas ah!! And Mr. detective for your information maraming klase ng gas hind lang yung gas na nagpapatakbo ng kotse mayron ding yung panluto tulad ng SPG at marami pa o di kaya mga gas elements!!" Mahaba nitong lintaya

"Its LPG!! IDIOT!!" Aze corrected him

"Ah! Pareho lang yun basta may PG yun na yun!!" Sagot naman nito

"Pero sige na nga para di kayo mag mukhang kawawa bibigyan ko kayo ng tatlong clue... Una, ang gas na ito ay tayo mismo ang gumagawa ..."

"So human made pala yan... " singit ni Cyndy at nagpatuloy ulit si Montejo

" Second, hindi dapat ito pinipigilan dahil habang tumatagal ito mas lalong nakakasama..."

"Wahhh!! Napakadeadly ng gas na yan!!" Singit ulit ni Cyndy tumango naman si Montejo

The HackerWhere stories live. Discover now