" hurray!!!" Sagot ko naman habang nakataas ang dalawang kamay kaya di na maipinta ang mukha niya ngayon

"Aishttt!!wag mo nga akong takasan Ryn at di ako nakikipaglaro sayo kaya tigilan mo yan...o inumin mo nato" sabi niya at iniabot sakin ang gamot ko

"Opo tay" sagot ko tsaka ininom ito

Hay!!!...minsan talaga itong si Ash umaaktong tatay ko pero nagpapasalamat ako kasi nandyan siya lagi para sakin hindi ko lang siya basta pinsan. Bestfriend ko din siya, minsan tatay o di kaya kuya, minsan naman bodyguard pero kadalasan partners in crime😈 😁😁😁...

******************************

~HANZ~

"Yes mom, don't worry I can take care of myself,...I'm already here mom I'll hung up it now... bye, love you" then I end the call.

Ibinalik ko ang phone sa bulsa ng pants ko at itinuon ang tingin sa labas. Kasalukuyan ako ngayon nasa byahe papunta sa bahay nila Cyndy, ngayon kasi yung sinabi niyang pool party sa bahay nila di ko naman matanggihan kaya umuo nalang ako.

Ayaw pa sana ni mommy pumayag nung sinabi kong pupunta ako sa party, baka daw kasi biglang magkagulo at madamay pa ko o di kaya ganito ganyan basta marami pa siyang sinabi kaya pinaliwanag ko sa kanya na di naman talaga yung party kasi anim lang kami kumbaga parang bonding lang at para mapanatag siya sinabi ko talaga na sa bahay lang kami ng kaibigan ko kaya ayon napapayag ko na siya.

Natatawa nalang ako sa kapraningan ni mommy pero di ko siya masisi kasi natruma na siya noon. Kaya ayun maya't maya tumatawag di pa nga ako nakakarating sa distinasyon ko ay nakapangatlomg tawag na siya!!

Nabalik ako sa realidad nang maramdam kong bumagal ang takbo ng kotse namin yung pala ay pumasok na kami sa isang exclusive subdivision. Itinuon ko ang tingin sa labas at nakita ko ang mga naglalakihan at naggagandahang mga bahay sa loob. Hindi naman nagtagal ay huminto ang kotse, mukhang andito na nga kami kasi basi sa hitsura ng bahay tugma ito sa idiniscribe ni Cyndy at ito din yung address na sinabi niya sa akin

Inilapit pa ni Tatay Bert ang kotse sa tapat ng guardhouse at sinabi ko na bisita ako ni Cyndy kaya pinapasok na kami.

Si Tatay Roberto pala ang family driver namin asawa siya ni Nanay Mildz pero wala silang anak kaya ayun fulltime silang mag-asawa sa paninilbihan sa pamilya namin pero tinuring na namin silang pamilya kaya nga sobrang close ko sa kanila ni Nanay Mildz.

Pagkapasok namin mas nakita ko kung gaano kalaki at ka elegante ang bahay nila Cyndy at bakas talaga kung gaano sila ka yaman. Inihinto ni Tatay Bert ang kotse sa mismong tapat ng malaking pintuan nila Cyndy kaya tinanggal ko na ang seatbelt ko.

"Tay salamat po, ingat po kayo pauwi"sabi ko

"Ikaw din hijo " sabi niya kaya ngumiti lang ako at lumabas na ng kotse.

Pagkalabas ko sinalubong agad ako ng isa sa mga katulong nila at pinapasok sa loob. Pagkapasok ko agad ko din namang nakita si Cyndy mukhang galing siya sa kusina kasi nakasuot pa siya ng apron.

"Ikaw palang dumating Hanz, halika nandun na sila Nasser at Aze sa pool mukhang nagkakatuwaan nga sila eh!!hahahaha!!" sabi niya kaya sinundan ko lang siya. Inilibot ko naman ang paningin ko sa kabuan ng bahay maganda ang interior design nito may pagka European style pero di naman makaluma pero bakas ang kalungkutan at sobrang tahimik ng buong bahay tanging yabag lang ng mga paa namin ang naririnig.

"Ahmp...Cyndy ikaw lang ba mag-isang nakatira dito ngayon" basag ko sa katahimikan habang patuloy lang kami sa paglalakad. Tumigil naman siya sa paglalakad at nilingon ako tapos...

The HackerWhere stories live. Discover now