"Suzzane san ka ba mag-aaral?" tanong niya habang nakalgay parin ang kamay sa mukha niya.

"Uhm..sa Saint Rose University." sinabi ko at hindi pa rin nagbabago ang posisyon ni Jarren. Nakalagay parin ang kamay niya sa mukha niya.

Maya-maya tinanggal na niya ang kamay niya sa mukha niya at hinawakan ang dalawa kong kamay at tinignan niya ko sa mga mata ko at yung mga mata niya parang iiyak na something eh.

"Suzzane,sana ako lang ah. Natatakot na kong masaktan ulit. Sana wala kang makitang iba dun." at bigla niya kong niyakap. Nung una ngumiti lang ako dahil seryoso nga talaga siya sakin at hindi niya ko lolokohin. Awww <3 Kahit pala animal to may ugaling tao rin eh. Pero nalaman ko rin na hindi siya papasok sa eskwelahan na papasukan ko sa college. :/

"Psh,ako rin naman takot nang masaktan. Ikaw lang Mr. Jarren Collins." at niyakap ko rin siya.. yung mahigpit.

Magkayakap lang kami hanggang sa tumunog yung bell..

"Oh bell na tara na." sabi ni Jarren at tumayo na kami .

"Oy Jarren magsorry ka kay Madge!"

"Sabi ko nga.. *sabay kamot sa ulo* oh tara na."

At bumaba na kami. Haha ang cute din pala neto kapag nagiging mabait eh.

***********************************

Jarren's P.O.V.

"Anak hindi na namin kaya ng papa mo na pag-aralin ka pa sa private,natanggalan ang papa mo ng trabaho. Sana maintindihan mo kami. Pasensya na. Hahanap nalang ulit kami ng trabaho."

Binaba ko agad ang phone ko nang sinabi ito ng mama ko. Ano ba naman yan? Nakakainis na! Bakit ba hindi nila magawang umuwi nalang dito sa Pilipinas? Lecheng buhay to!

Hmm paano ko sasabihin kay Suzzane na hindi ako makakapag-aral sa papasukan niya?

Dinala ko siya sa rooftop nun at sinabi sa kanya na wag siyang maghanap ng iba sa school na papasukan niya dahil ayoko na ulit masaktan.

At niyakap ko rin siya,ang yakap na hindi ko ginawa sa mga naging GF ko noon. Seryoso na talaga ako sa kanya hindi dahil sa nagbago ako.. Dahil mahal ko talaga siya at binago niya ang buhay ko. Binago rin niya ang sarili ko.

Habang bumababa ako ng rooftop parang gusto ko pa ulit siyang yakapin dahil hindi ko na siya makakasama palagi kasi magkaiba na kami ng school. Sinabi kasi ng mga magulang ko na sa public university nalang daw ako mag-aral.

Psh parang gusto kong umiyak o ano! Nakakabwisit! >____< Magpapart time job na talaga ko para kung sakaling kaya ko na susundan ko siya dun. Pero kung hindi kakayanin ko para sa 2nd year college.

Pagkababa namin ni Suzzane nakasalubong na namin sila Madge.

"Madge sorry ah." sinabi ko at nagpouut pa siya. Psssss.

"Okay lang yun noh ano ka ba! Haha. Totoo naman kasing ang landi namin tignan XD"

Pagkatapos ng recess ay pinapunta muna kami sa room para magpahinga ng 10 minutes dahil ididiscuss na daw ang tungkol sa graduation sa arena at meron daw kasing estudyante na tiga iba't ibang universities ang pumunta sa school para bigyan ng idea kaming mga 4th year kung saan pwede mag-aral at kung anong course ang kukunin.

Maya-maya bumaba na rin kami sa arena,hawak-hawak ko ang kamay ni Suzzane. Sinusulit ko na itong mga araw na ito dahil baka hindi ko na siya laging makita.

Pinagtitinginan din kami nung mga babae at tinititigan din nila ng masama si Suzzane nung nasa grounds na kami..

"Bakit kaya hawak hawak niya yung kamay niyang babaeng yan?!"

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now