Chapter 6

505K 6.6K 1.2K
                                    

Yumiko POV

NARITO na ako sa kwarto ko sa mansyon. After nung harapan nina Lance at Trigger kanina, umuwi na din ako. Nag-insist pa si Trigger na ihatid ako pero tumanggi ako. May dala naman akong kotse.

Ewan ko ba pero parang gusto ko ng kausapin si Lance ng masinsinan about sa pag-alis ko six months ago.

Ang tanong, maniwala kaya siya sakin? Alam ko kasing 'pag sinubukan ko siyang kausapin, baka hindi niya ako pansinin.

Pero ngayon, maglalakas loob na 'ko. Tutal may mahal naman ng iba si Lance. Gusto kong sabihin sa kanya lahat lahat. At kung maaari, gusto ko ding malaman kung sino iyong bagong minamahal niya.

Kahit ang sakit sakit sa akin, wala naman akong ibang choice kundi tanggapin 'yon.

Lumabas ako ng kwarto ko. Try kong i-check si Lance sa kwarto niya. Mula nang umuwi ako dito, hindi pa kami nag-uusap ng masinsinan dahil unang uwi ko palang pinakitaan na niya ako ng cold treatment niya.

Nag-aalangan pa akong kumatok. Nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano 'to gagawin.

Kakatok na sana ako ng...

"Anong kailangan mo?"

Napalunok ako. Kinakabahan ako. "C-Can we talk?" At last, nasabi ko din.

"Get inside." Sabi niya saka lumapit sa akin para buksan ang pinto ng kwarto niya. Nauna na siyang pumasok. Mukhang kakauwi lang niya. Medyo amoy alak pa nga siya.

Sabagay, galing nga din pala siya sa bar. Napansin ko pala iyog maliit na sugat sa labi niya. Gawa siguro ng suntok ni Trigger.

Huminga ako ng malalim bago pumasok saka isinara ang pinto.

Itong kwartong 'to...

Narito lahat ng masasayang memories namin ni Lance.

Naramdaman ko na naman iyong panggigilid ng luha ko.

Naupo ako sa couch habang hinihintay si Lance. Dumiretso kasi siya ng cr. Nilibot ko iyong tingin ko sa buong kwarto. Walang nabago. Yun na yun pa rin.

Napatingin ako sa may cr nang lumabas doon si Lance. He's wearing his shorts and sando. Kumuha siya sa mini ref niya ng beer in can. Saka siya umupo dito sa couch.

"What do you want to talk about?" Cold na tanong niya.

I cleared my throat bago sumagot. "A-About us."

"Why?"

Nakaupo lang ako. Hindi ako tumitingin masyado sa mata ni Lance na kaharap ko lang. Magkatapat lang ang inuupuan naming couch.

"Babe..." How I missed this endearment. Mahal na mahal ko si Lance sobra. Miss na miss ko na siya.

"Huwag na h'wag mo na akong tatawaging ganyan." Cold na sabi niya.

Sinubukan ko lang naman. "O-Okay..."

"May sasabihin ka pa ba? Dahil kung wala na, pwede ka ng umali---"

"Meron pa Lance. Meron pa." Awat ko sa kanya. Nag-ipon ako ng lakas ng loob kanina para dito.

Pinipigilan ko na nga ang pagtulo ng luha ko.

"Go on hangga't nasa mood pa 'kong makinig."

"Lance. Six months ago..."

"Ayokong pag-usapan 'yan." agad na sabi niya.

"Please. Please, Lance hayaan mo ako." Pagmamakaawa ko.

"Fine."

"Lance, ayokong iwan ka noon. Ayoko, kasi mahal na mahal kita at nangako ako na hindi ako bibitaw. Pero nilagay nila ako sa gipit na sitwasyon. They gave me choices. Kapag hindi ako umalis papuntang Japan, sisirain nila ang kompanya niyo. Sasaktan ka nila. Hindi sila titigil hanggang hindi kayo mapabagsak. A-Ayokong mangyari 'yon nang dahil sa akin. Ayoko..."

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now