Chapter 14

477K 5.8K 664
                                    

Yumiko POV

Andito kami sa mall ni Lance. Ewan ko ba kung anong nakain nyan. Bigla nalang nagyaya sa mall. Hindi nga pala sya masyadong pumapasok sa school kasi tini-train na sya sa company.

Ako naman, ewan. Parang 'di ko pa feel pumasok. Almost two weeks na ang nakaraan at magaling na din yung binti ko. Okay na, nakakalakad na'ko ulit.

For the past few days, wala namang kakaibang nangyari, si Lance busy na rin talaga sa kompanya nila. Sweet na sya lagi at doon pa din sya natutulog sa kwarto ko.

"Babe saan mo gustong kumain?" Tanong ni Lance.

Magkahawak-kamay kaming naglalakad dito sa gitna ng mall. Ilang babae na din nagtinginan sa'min. Sa gwapo ba naman ng soon to be husband ko.

"Anywhere." Sagot ko. Di naman ako mapili eh.

"Sige. Mag-CR lang ako sandali tapos kain na tayo. Hintayin mo ako dito." Paalam ni Lance.

Tumango ako bilang sagot. Naiwan ako dito sa may labas ng papuntang CR. Nakatayo lang ako.

Maya-maya ay may lumapit na dalawang lalaki sa'kin.

"Hi Miss. Nag-iisa ka? Tara, join ka sa'min." Sabi nung isa.

"Oo nga Miss. Siguradong mag-e-enjoy ka." Segunda ng isa.

Psh. Mataray ako baka nakakalimutan nyo? "Stop talking to me." Sabi ko.

"Aba, spokening english pala 'to brad. Ayos 'to!" Sabi nung isa.

Poor people. Spokening? WTF. Inirapan ko nalang sila.

"Pakipot pa si Miss oh. Ang ganda mo pa naman."

"Go away." Mapanganib na sabi ko. Malapit na'ko mapuno sa mga 'to.

"Ano ka ba Miss. Sumama ka na kasi sa'min."

Hinawakan nya ako sa braso. Damn. Hawakan na nya ang lahat, wag lang ako.

"Do--"

Handa pa naman sana akong sipain sa 'precious one' itong lalaki na'to pero wala, naunahan nako. Sino paba?

"Hindi ko pinapadapuan sa lamok ang asawa ko tapos ikaw na kutong lupa hahawak sa kanya? Sawa ka na ba sa buhay mo!?" Sigaw ni Lance.

Syempre, mawawala ba naman ang famous line nya?

"Sorry po!" Sabi nung lalaki. Patakbo na sila.

"Tch. Duwag pala." Sabi ni Lance saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Ikaw.."

Kumunot noo ko. "Ha?"

"Wag ka na nga masyadong magpapaganda 'pag lalabas tayo. Tch. Bwisit na mga yun. Lakas ng loob lumapit sa'yo. Ni wala pa sila sa kuko ko sa ka-gwapuhan."

Sige Lance. Magbuhat ng sariling bangko. "Oo nalang babe."

"Why? Totoo naman eh. Basta babe ha? Wag ka na masyado magpapaganda. Tch. Napapahamak ka eh. Ayoko ng hahawakan ka ng iba. Akin kalang. Pag-aari kita."

Possessive. Pero okay lang. Kinikilig naman ako 'pag ganyan si Lance. Kasi 'pag ganon, alam kong nagseselos sya.

Hinawakan na nya ang kamay ko saka kami naglakad na papuntang kakainan namin.

"Yumi."

Napatitig ako bigla sa nakasalubong namin. Si Trigger. Two weeks na din kaming 'di nagkikita. Ayaw kasi ni Lance na dumalaw sya sa mansyon. Ewan ko ba, ang init init ng dugo nya kay Trigger. Wala namang ginagawang masama yung tao. 

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay kay Lance. Baka kasi biglang manuntok.

"T-Trigger.."

"Let's go babe." Sabi ni Lance.

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now