"Uhm Suzzane." nakayuko siya at hindi makatitig sakin ng deretso.

"May aaminin sana ako." napatigil ako ng pagkain ko. Eto na ba?! Aamin na ba siya?! Shaks! Pinisil ko yung foam sa gilid nung upuan dahil kinakabahan na ko!

"I know it's crazy but i... i like you."

Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. Sa loob ko,gulat na gulat ako na gusto kong sumigaw dahil umamin na siya! Nakakaramdam din ako ng kilig.

"Suzzane, you add peace,subtract sorrow and multiply joy in my life. I treasure you,i adore you and.. i love you." tumingin siya sakin na parang nahihiya at ako naman ay gulat parin ang itsura.

Kinamot niya ang ulo niya at biglang sinabing .

"Shit! Mahal kita Suzzane! Mahal kita!" nakayuko na naman siya. At after 10 seconds tumingin ulit siya sakin.

"Halika." tumayo siya at inabot ang mga kamay niya sakin. At syempre tumayo na rin naman ako at naglakad kami. Pumunta kami sa isang garden at kami lang nandun. Maya-maya biglang bumukas na ang mga ilaw na nasa loob ng mga grass at flowers. Ang ganda ng garden at ang daming stars sa langit. At nagulat ako ng biglang may mga pumutok na fireworks. Gosh..

At ayan na tumapat na siya sakin at nagsisilbing background na namin ngayon ang mga fireworks na pumuputok. Ngumiti ako sa kanya at napangiti rin siya.

"Haha,ang effort ah." sinabi ko nalang yun para medyo matanggal ang kaba niya (at pati ako) At yan na magsasalita na naman siya.

"Suzzane... matagal na kitang gusto,nung kayo pa ni David. Di ko na alam yung gagawin ko kaya napili ko nalang na itago ang nararamdaman ko dahil nga masaya na kayo sa isa't isa. Kaya ngayong naghiwalay na kayo. Nagkaroon ako ng pag-asa. Pag-asa na wag nang itago ang nararamdaman ko sayo. Binabastos din kita nun para di mo mahalata na gusto kita. Oo nagpaka-torpe ako at ang sama ko inaamin ko at pinagsisisihan ko na yun. Suzzane....?" nakatitig lang siya sa mga mata ko at ganun din ako.

"Hmm?"

"Suzzane papayag ka ba kung manliligaw ako sayo?" tanong niya. Seryoso na ang itsura niya at hinihintay ang sagot ko.

"Jarren kasi..."

WAAAHHH PARANG GUSTO KONG PUMISIL NG UNAN! Aaminin ko na! Kaya ko toh! BE FEARLESS TO SPEAK NOW!

"Jarren kasi... PATI AKO MAY NARARAMDAMAN DIN SAYO! MATAGAL NA RIN!" sigaw ko at napangiti siya sakin at parang namangha pa.

"TALAGA?!" aba nakangiti pa =________=

"Oo eh..." tumawa siya at bigla ko naman siyang pinalo sa braso.

"Leche ka kasi eh! Bakit mo kasi ako binastos! Kung hindi mo ko binabastos edi sana hindi nalang ako nagmahal ng iba! Punyeta ka! Tapos yung mukha mo pa! Isa yan sa dahilan kung bakit kita nagustuhan. Jarren mahal din kita. Matagal na. Sana kasi di ka nalang nagpakatorpe. At sana sinabi mo nalang agad. Minahal ko si David para mawala yung nararamdaman ko sayo pero hindi parin mawala-wala! Bwisit ka!" tawa lang ng tawa si Jarren sa mga sinabi ko at ako rin ay unti unti na rin na ngumiti-ngiti.

Biglang umayos bigla si Jarren at lumapit na naman sakin. At nagseryoso ng tingin sakin .

"Suzzane,dahil nga parehas na tayo ng nararamdaman.. Will you be my girlfriend? .." hindi parin ako makasagot. Speechless ayan ako.

"Bhoszx Suzzane? Pwede ba ako nalang para sapat na?" natawa naman ako sa sinabi niya. At tinapik ko siya ng konti.

"Yes Jarren." sabi ko

"Yes what?" tanong naman niya.

"I wanna be your girlfriend." ngumiti kami sa isa't isa.

Kinikilig ako.. Kisaya! (Kilig + Saya) Kinikilig ako kasi umamin na siya na may gusto siya sakin at tinanong pa niya ko kung gusto niya ko maging girlfriend. Ang saya ko kasi umamin na kami sa isa't isa. Waaahhh! At kami na WAAAAHHH! Malandi na kung malandi. W4la k4nG p4k1aL4m! (Wala kang pakialam)

This night is sparkling,don't you let it go.

I'm wonderstruck,blushing all the way home.

I spent forever wondering if you know

I was enchanted to meet you...

***********************************************************

Sobrang bilis ng pangyayare,sobrang bilis ng panahon.. Sinagot ko na agad siya at payag naman ang mga magulang ni Jarren. Sa Skype lang kami nakakapag-usap ng mga magulang niya at si Tatay nagulat na naging BF ko si Jarren dahil badboy daw etong si Jarren.

Pero sabi naman ng mga kaibigan ni Jarren,ngayon lang daw siya naging ganito... ganito kaseryoso sa lovelife. Sa dinami-dami daw ng mga naging GF niya wala daw siyang date na kagaya nung amin.

Nalaman din ng mga may gusto kay Jarren na mga babae sa school na kami na through FB. Sinasabi nilang "Eww" or "Hindi bagay" pero ang totoo. Namamatay talaga sila sa selos. Grabe kasi sila kung magkagusto diyan kay Jarren.

Nagsimula narin pala ang simbang gabi at ang dami naming nagsisimba. Kasama na dun yung mga kaibigan ko,si tatay, si Ate Linda at yung pamilya niya at syempre si Jarren. Nagtha-thank you talaga ko kay God at humihingi ng blessings samin ni Jarren. At sana hindi na kami paghiwalayin. Ang sakit kasi pala talaga kapag nasaktan ka ng dahil sa pag-ibig. Yung tipong parang sinasaksak yung dibdib mo.

Dumating na ang pasko. The Birth of Jesus.. At dahil special ang araw na ito,aba sila Madge at Ralph nagligawan na rin. At sa gitna pa ng kalye namin ah. At si Madge sinagot na rin naman si Ralph :)

Ang dami nang nangyare samin agad agad. Sobrang sweet na rin ngayon ni Jarren. Pero alam kong hindi pa magtatapos ang storya namin. Hindi pa tapos to. Alam kong marami paring mangyayareng iba.

"Suzzane!"

Kinuha niya bigla ang diary niya. Paano kasi binabasa ko at natatawa ako sa mga sinasabi niya sa diary niya XD

"Oy! Jarren! May nabasa ako diyan! Naku ayoko pang magka-anak." sabi ko.

"Ha?! Pati ba naman yun binasa mo!"

"Oo! At gusto kong basahin lahat!" inagaw ko yung diary at yun nag-agawan kami ng nag-agawan hanggang sa napahiga kami at nasa ibabaw ko siya. Nagulat ako sa ginawa niya. Kiniss niya ko for the 3rd time in forever! Grabe! Syempre dahil mahal ko siya. I kissed back.

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now