Sobrang generous ni Rori na walang hinihingi kahit anong kapalit.

Ngayon lang.

Rori sent her a text message this morning. Inaaya siya nito na sumama sa double date, at susunduin na daw siya nito matapos ang kaniyang klase.

Ayaw niya makipag-date, pero hindi niya alam paano tatanggi sa kaibigan. Kaya naman minabuti niyang agarang umuwi at magdahilan na lang kay Rori na masama ang pakiramdam niya.

Kabisado rin niya kasi ang kaniyang katawan kung malapit na siya magkaroon ng dalaw. At kapag malapit na nga siyang magkaroon ay bahagya siyang nagkaka-migraine.

Bitbit ang kaniyang mga libro ay dali siyanglumabas ng classroom nang makita niya na nakatayo na ang kaibigang Chinita na si Rori sa may pintuan.

Negosyo ng pamilya ni Rori ang garments kaya up to date sa fashion ang kaibigan niyang ito. At sa araw na ito, tila magpapa-OOTD photoshoot ang kaibigan.

Bakas sa mukha nito ang excitement. Anibersaryo kasi ni Rori at ang boyfriend nitong si Percival.

Percival has been in love with Rori since they were kids.

Kahit may takot siya sa mga lalaki dulot ng trauma sa ama-amahan, alam niyang mapagkakatiwalaan si Percival. Mabuti ang puso nito. He's been so patient with Rori. Kahit pa tinakasan ni Rori si Percival ng gabi ng kanilang engagement, ay narito pa din ito ngayon at sinusuyo si Rori.

"Sige na puhlease, Shay! Samahan mo na ako." Pakiusap ni Rori sa kanya. "It's our first year anniversary ni baby Pyke, and it's the only time we will get to spend together due to our busy schedules. But his cousin suddenly came home from Canada." She felt the frustration in her best friend's voice.

"His cousin caught his fiancee sleeping with another man!" Malungkot nitong saad at umabrisyete pa sa kaniya habang  dinadala siya patungo sa parking lot kung nasaan ang sasakyan nito.

"P-pero..." gustuhin man niyang pumalag ay hindi niya magawa.

"Magsasaya kaming dalawa ni Percival samantalang yung cousin niya eh super sad? That's just so horrendous, diba? Oh my gosh! Kawawa naman siya!" Exaggerate nito. "Kaya, puhlease accompany us na para naman may kausap yung cousin niya sa rest house."

She bit her lip as she tried to absorb everything Rori said.

"Hala! Eh bakit kasi ako?" ninerbyos niyang tanong. "Alam mo naman na may phobia ako sa mga lalaki, diba?"

Nagsisimula ng manuyo ang kaniyang labi at lalamunan.

"Pasensya ka na, best friend." Ani Rori habang inaayos ang kaniyang buhok na bahagyang nagulo sa hangin. "Hindi available yung iba nating barkada." She felt Rori's desperation. "Si Tanya may recitation next week kaya kailangan mag-aral. Si Pinkie, puyat dahil nagdi-dj sa gabi. Si Jackie may catering. Si Rainbow naman hindi interesado. Baka sapakin pa daw niya yung cousin ni Percival, kaya ikaw na lang sana? Please?" pagmamakaawa ni Rori.

Napakagat labi siya at pinunasan ang noo at ilong na biglang namawis.

Mariin siyang napapikit at huminga ng malalim.

"Hay, Rori! Hindi kita matiis." Buntong hininga niya.

Rori clapped in excitement, despite the worry she made sure was obvious on her face.

"Harmless naman yung pinsan niyang si Ardy. Depress nga eh dahil sa pag-ibig. Baka pag nakita ka nun, makalimutan na niyang depress siya!" Pilyang ngiti ni Rori.

"Hay! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Yan' pag-ibig na yan, salot yan! Nakakasira ng buhay yan." Iling niya.

"Haler, best friend! As if naman na-in love ka na, diba?" Irap ni Rori sa kanya. "Wag ka ngang nega! Kaya tuloy hindi pa dumadating yun knight in shining armor mo kasi kumokontra ka kaagad!"

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz