♥2♥

14.2K 217 10
                                    

Best Friend Card

JANUARY 17, 4:00PM

Kakatapos lang ng klase ni Shayla.

Kaunting panahon na lang ang kaniyang bubunuin at matatapos na siya sa kursong Office Management.

Balak niyang dumirecho kaagad sa bahay ng kaibigan niyang si Rori kung saan siya nakikituloy ngayon.

Tulad niya ay patapos na rin ito sa kolehiyo. Sabay nitong kinuha ang mga kursong   Business Engineering at Fashion Designing. Balak pa nitong kumuha ng certificate course sa France.

Adik, teh! Habang lahat kami ay nagpupumilit na matapos na makapag-aral, si Rori dinadagdagan pa ito. Palibhasa matalino. Daming storage space! Kung nangno-nosebleed na kami dito kakasunog ng kilay,siya naman tapos na mag-aral at nagme- make up na.

Naalala pa niya ang biro niya dito dahil sa pagka-adik nito na mag-aral.

"Waaag na, Rori! Kung maga-aral ka pa sa abroad, wala akong maa-aplayan bilang secretary pagka-graduate ko! Huhu!"

"Darling, you're meant for greater things like bringing home the Ms. Universe crown!" Tugon naman ni Rori na naniniwalang kaya niya ma-achieve iyon.

Napakagat labi siya. Isipin pa lang niya na rumarampa siya sa entablado ay namamawis na ang kili kili niya.

Hindi niya pinapangarap maging beauty queen. Raket lang niya ang sumali sa beauty pageanta dahil duon siya mas madalas nagkaka-pera.

Mahiyain siya ngunit pinipilit niya ang sarili, dala ng pagkagipit. Kung minsan ay sinusuwerte siya, paminsan ay hindi. At kapag hindi siya nananalo ay nauuwi siya sa pangungutang muna sa mga kaibigan upang may pang araw araw siya.

Masakit sa pride,Lord. Bakit kailangan unasa ako sa iba? Puwede bang ibahin Mo naman ang storya ng buhay ko? Hindi ba puwedeng peace and quiet away from Lucio? Hindi ba puwedeng hindi na drug user... addict... ang Mommy ko? Puwede bang inaalagaan nanlang nuya ako, uuwi ako ng aming bahay na siya ang sasalubong sa akin at sasabihin niyang pinagluto niya ako ng paborito kong chicken adobo?

Tapos iimbitahin ko ang mga kaibigan ko sa bahay at duon ksmi magba-bonding...at makikihalubilo si Mommy sa kanila na hindi ito sabog?

Kusang pumatak ang kaniyang luha at agad niya itong pinunasan na tila ba napuwing lamang siya.

Lahat ng mga kaibigan niya ay tumutulong sa kaniya at malaki ang pasasalamat biya sa mga ito.

Ngunit ss lahat ng mga kaibigan, kay Rori siya lubos na nagpapasalamat sa pagka-generoud nito.

Malaki ang utang na loob niya dito dahil simula ng mag-college siya ay duon na siya tumutuloy kina Rori na walang bayad. Ito pa ang nagbibigay ng mga basic needs niya katulad ng damit, sapatos, toiletries, undergarments. Pati nga make up, lotion, pabango, bags at kung ano mang maisipan ni Rori na bilin sa sarili ay binibili din siya nito kasama ng ibang mga kabarkada nila.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now